The next time I knew, I was already in the hospital. Sinugod ako ni Stan. Nawalan daw ako nang malay at kinabukasan lang nagising.
"She was run over by a car. Luckily, she only got broken limbs on her right leg. Iyon ang masyadong napuruhan. We will run some tests again and after that, we will immediately proceed with the treatment she needed"rinig ko iyon mula sa doctor habang kinakausap niya si Stan. Hindi ko alam kung ano ang uunahin. Kung maiiyak ba ako o magagalit dahil sa nangyari. Maliban sa paa ko, ano pa ang napuruhan sa akin.
I sobbed at the thought of my upcoming competition. Sa susunod na buwan na iyon. At sa tingin ko, dahil sa aksidenteng ito hindi pa ako makakapagcompete. Mabilis akong dinaluhan ni Stan nang makitang umiiyak ako.
"It's okay. I'm here"he comforted me.
Halos hindi ko na mapuna kung saan banda ang masakit sa katawan ko. Ang kanang paa ko bang pinulupot ng cast at nakabitin sa ere o ang kaliwang paa ko na halos hindi ko rin magalaw dahil mamimilipit lamang ako dahil sa sakit kapag sinubukan ko? O baka naman ang puso ko dahil sa sobrang sama ng loob.
Muli kong inalala ang nangyari bago itong lahat. We were just walking and then suddenly, a car ran over me. Halos napadaing ako at namanhid ang mga paa pagkatapos. And then everything went black.
"Bakit ngayon pa? I don't belong here! I have an upcoming competition. I shouldn't be here"sigaw ko habang umiiyak. I thought everything was fine. Akala ko maayos na but it's still a No. Kailan ba ako makakaramdam ng totoong kasiyahan na walang humahadlang?
Halos hindi ako kumain buong araw. Hindi na nagulat nang pumasok si Chester at mabilis akong nilapitan. He caressed my face gently.
"How are you? I'm sorry, I'm late"bakas ang pagsisimpatya sa akin ni Chester pero pinipili niya lang na maging matatag dahil ayaw niyang mapanghinaan ako ng loob.
Muli akong umiyak sa kanya. Umuwi na si Stan. He called Chester before going home. Nagreklamo ako at nagmura kay Chester dahil sa matinding galit at frustration. Hindi ko lang kasi lubos maisip kung bakit ngayon pa?
The doctor went back to talk to me. Hinahanap ang parents ko o hindi kaya'y guardian. Nang tinawagan si Papa, mabilis naman itong sumugod sa hospital para tignan ako. Umuwi na si Chester. He knows he shouldn't be here because my father is already here. Hindi ko pa alam kung paano siya ipapakilala lalo na sa ganitong sitwasyon.
"Do everything that she needs. Just make sure she will be comfortable"aniya Papa kaya napatango ang doctor. He immediately scheduled for the surgery as soon as possible. My right leg is in critical condition and the only way to save it is through surgery. Iyak lang ako ng iyak dahil hindi ko lubos maisip na mapupunta pa roon ang lahat.
"If you do that, is there a bigger chance na makakabalik pa ako sa gymnastics?"namumula ang mga mata ko dahil kanina pa ako umiiyak. I was determined to follow the doctor's prescription but when I heard about the surgery, halos maestatwa ako sa gilid.
Dismayado akong tinignan ng doctor at suminghap.
"There's a little chance, Miss Venice. But that's the best thing we can do in order for you to recover immediately. Kung hindi ka naman papayag, you don't have any choices left. You will only lose your leg"
Mas lalong sumikip ang dibdib ko dahil sa narinig mula sa kanya.
"I'm sorry. We will do everything to make you feel comfortable"aniya. Bakas ang lungkot sa kaniyang itsura kaya pinalis ko ang aking mga luha bago tumango. Mapait niya akong nginitian bago iniwan mag-isa roon. Wala si Papa dahil may binili lang sa labas. Ilang beses na ring tumutunog ang phone ko para sa tawag at mga mensahe.
Napatingin ako sa kisame. Mariin kong kinuyom ang kamao ko at halos tabigin ang mga gamit sa gilid ko. Sumigaw ako nang malakas. Umiyak ako ng umiyak. Hindi ko alam kung sa parang ito, mawawala ba lahat ng mga sakit at galit na nasa puso. Hinayaan ko ang sariling umiyak at sumigaw. If this is the only way to relieve the pain that this accident brought me, kahit mapaos man ako, kahit maubos ang mga luha ko, gagawin ko. Hindi ako titigil. Kung sa paraan sanang ganito, gagaling at babalik ang lahat sa dati, I will never think twice doing this.
BINABASA MO ANG
Broken Promises (Epitome Series #2)
RomanceBroken Promises are the reason why people are scared to trust again. Venice Thalia is your type A persona who is very narcissistic, self-centered, elite and a fashion icon. She is sometimes hated for having a superiority complex but as a narcissist...