"We don't have enough time!"frustrated kong sigaw habang kanina pa kami paulit-ulit sa routine na pini-perform ng mga applicants. Napayuko ang mga junior at bakas ang takot sa kanila ngayong magkarugtong na naman ang kilay ko.
"You kept on messing up, Eloise!"puna ko nang hindi na napigilan. Matalim ko silang tinitigan isa-isa. Dismayadong napasinghap nang maisip na puro sila mga palpak.
Tinalikuran ko silang lahat at dumeretso sa bulletin. Isa-isa kong binura ang mga pangalan ng mga junior na puro palpak. Walang umapela pero may narinig akong singhapan. Nilingon ko sila. Malungkot akong tinignan ni Carys nang nakita ang ginawa ko.
"I don't need useless members here"mariing untag ko. Isang tingin ko lang ulit sa kanila bago sila isa-isang naglakad paalis sa harap. Humalukipkip ako habang pinapanood ang karamihan na umaalis at kaunti nalang ang natitira. Nilapitan ako ni Carys at hinawakan sa braso.
"Sa tingin mo hindi naman sobra ito?"tanong niya.
"Bakit sobra? Kung wala namang kwenta at puro palpak, it's better to shoo them out"
Natahimik siya dahil sa sinabi ko.
This wasn't the first time. Mas kaunti nga ang natanggal ngayon kesa noong mga nakaraang mga araw. I have a good eye when it comes to skilled and well-driven people kaya kung natanggal ka, that only means you are not enough.
Madalas akong kainisan ng lahat pero wala akong pakealam sa opinyon at wala naman akong oras para punahin ang iba't-ibang reaksyon nila. I am just doing what I think is the best for everyone.
"Balita ko walo ang umiyak ngayon ah?"siniko ako ni Leilana habang naglalakad kami palabas ng classroom. Tapos na ang practice at tapos na rin ang klase namin.
"Walo nga lang eh"hindi na siya nagulat sa sinabi ko.
"Kahapon sampu baka bukas pito nalang"aniya.
"You're not sure"apela ko.
Imbes na dumeretsong umuwi ay dumaan muna kami sa library na mariin namang itinanggi ni Leilana.
"Library na naman eh! Hihiram lang ng libro pero dalawang oras"reklamo niya habang nagla-log in na kami at siya naman ay nagdadabog na. Hindi ko nalang pinansin ang mga kinilos niya at dumeretso nalang sa pagpasok.
"May assignment pa ako mamaya na dapat tapusin"giit ko.
Napakamot naman siya ng kanyang ulo. Bakas sa mukha ang pagkabored.
"Venice! Modern na, sa internet mo nalang hanapin"apela pa niya pero hindi ko na siya sinagot pa.
It is true that it's easier and more convenient to just search everything on the internet pero may mga data at references parin akong kailangan na sa libro lang mahahanap kaya mas convenient parin.
It took us an hour before I finally completed all the books that I need for my assignments later. Si Leilana naman kanina pa nagdadabog kaya hinayaan ko nalang hanggang sa nakauwi na kami.
"Kapag ako talaga hindi makaabot sa date namin mamaya hindi kita papansinin bukas"banta niya kaya napailing nalang ako.
My sisters are busy with their phones. Vienna like the usual was the only person who greeted me after a long tiring day. Ni hindi manlang ako tinapunan ng tingin ni Valerie na dati niya pa ginagawa kaya sanay na ako. Mas ma-attitude parin naman ako kesa sa kanya kaya hindi ko nalang siya pinapatulan.

BINABASA MO ANG
Broken Promises (Epitome Series #2)
RomanceBroken Promises are the reason why people are scared to trust again. Venice Thalia is your type A persona who is very narcissistic, self-centered, elite and a fashion icon. She is sometimes hated for having a superiority complex but as a narcissist...