The whole time we were sweeping around, he didn't even glance at me. Hindi ko nga alam kung bakit. Wala naman akong ginawa maliban sa pagtanggi sa mga pagkain na pinapadala niya dahil wala naman akong kaalam-alam na sa kanya galing iyon.
"Do you even think na iisipin niyang tatanggapin mo iyon kapag sinabi niya? O personal niya ibigay sayo?"si Leilana nang naghapon at hindi pa kami tapos.
"Paano niya malalaman kung hindi niya susubukan?"giit ko.
"Wow! Bakit galit na galit ka? Kasalanan ba namin kung natural na maldita ka?"puna pa nito.
"Bakit naman hindi ako magagalit? He's keeping distance kahit na sa tingin ko wala naman akong kasalanan?"
Napasapo siya.
"Bakit sobra kang problemado? Bakit? Kapag ba nalaman mo noong umpisa palang na siya iyong nagbibigay tatanggapin mo ba? Hindi naman diba?"
Matalim ko siyang tinignan.
"May sinabi ba ako? Why at least he tried--
"Ewan ko sayo! Kailangan bang personal mong malaman kung sino before giving credit? Before showing gratitude? Ugali mo talaga"
"Leilana!"apela ko.
"Bakit? Totoo naman ah?"
We glared at each other. Hinding-hindi ako magpapatalo sa kanya.
"Huwag mo akong reklamuhan dahil kagagawan mo iyan! I already told you to give thanks. Anong ginawa mo? Kaya huwag ka nang mag-overthink kung bakit ka niya iniiwasan"giit niya ulit.
Mas lalong nagkarugtong ang mga kilay ko dahil sa matinding iritasyon. I can't understand why! Damn!
"At sandali nga!"may panunuya ang titig niya. "Bakit ngayon nagrereklamo ka na na hindi ka niya pinapansin? Akala ko ba ayaw mo sa kanya? Hate mo siya diba?"she gave me that meaningful look. Inirapan ko naman siya.
"Stop it, Leilana! It's not funny!"saway ko.
"Sus!"her remark.
Iritado ako sa kanya kaya umiwas ako ng tingin. My eyes immediately directed to Chester na hindi parin tumitigil sa ginagawa. Siguradong pagod na iyan.
I shook my head. Oo nga! Bakit bigla akong naasar at nairita ngayong hindi na niya ako pinapansin? Na iniiwasan niya ako? It's a good thing nga! I will no longer put up with him.
Malalim akong bumuntong-hinga. Tumayo na ulit at nagsimulang magwalis. Nanatili naman si Leilana habang pinapanood niya ako. She brought water and some tissue. Kaya nagkaroon ako ng panahon para maupo at makipag-usap na nauwi sa pagtatalo.
"Bilisan mo. Halatang hindi sanay sa manual labor oh"si Leilana.
Matalim ko siyang binalingan kaya ngumisi siya.
"Char"
Napailing ako at nagpatuloy.
Honestly, I am not really into chores. Hindi ako marunong sa mga gawaing bahay because I was raised with a silver spoon. Iyon nga lang, I should at least give credits to my parents especially to my mother. They told me when I was just three na adopted lang ako. That's why my mother is so distant with me. I didn't grow up having a role model to look up to. Nang nakilala ko si Tita Amanda when they came home, siya lang ang tiningala ko.

BINABASA MO ANG
Broken Promises (Epitome Series #2)
RomanceBroken Promises are the reason why people are scared to trust again. Venice Thalia is your type A persona who is very narcissistic, self-centered, elite and a fashion icon. She is sometimes hated for having a superiority complex but as a narcissist...