Kabanata 20

28 1 0
                                    

Bullets of sweat form on my forehead as I watch him walk towards me. Habang si Mama naman ay malapad ang ngisi pero bakas parin ang kung anong hindi na bago sa kanya, pagkakaroon ng masamang balak.

Halos naestatwa ako sa kinatatayuan nang mabilis akong hinawakan ni Benedict sa magkabilang kamay at hinalikan sa pisnge. Napalunok ako nang hinarap niya ako pagkatapos.

"I'm so glad to see you again"malapad ang ngisi niya habang ako naman ay halos nanigas na. Kung hindi pa ako hinawakan ni Leilana sa kamay, hindi pa siguro ako makakabawi.

"What area you doing here?"kunot ang noo ko. Napakunot din ang noo ni Benedict at unti-unting napawi ang ngiti niya nang maramdaman siguro ang pagkadisgusto ko sa presensya niya ngayon.

Umayos siya sa pagtayo at tumikhim.

"I missed you"

Hindi ako nagsalita sa sinabi niya kaya marahan niyang inabot ang kamay ko. Umiwas naman ako ng tingin. Pinagtitinginan na kami ng iilang estudyante. May iilang humahagikgikan pa, may iba pang nagbubulungan habang ang iba naman ay nanonood lang.

Napasinghap ako bago muling binaling sa kanya ang atensyon ko. Hindi pinapansin ang nga matang nakatingin sa amin ngayon.

"Hindi mo manlang ba ako na-miss? It's been a long time since the last time we saw each other. Akala ko babalik ka kaagad noong sinabi mong uuwi ka ng Iloilo for the mean time. And it turns out, you've been studying here for years now"aniya.

Nilingon ko naman si Mama na tahimik lamang habang pinagmamasdan akong nahihirapan dahil sa presensya ni Benedict. She really knows how to get me! She really knows how to make me feel uneasy.

Maingat kong binawi ang kamay kong hawak niya. Bumagsak naman ang tingin niya roon at marahang tumikhim.

"Can we talk some other time? I have to go now---

"Ngayon lang ulit tayo nagkita, Venice. You will turn me away this time again? Kakauwi ko lang when Tita called me that---

Mariin akong napapikit.

"I know, Ben. And I am glad that you're here but I have to go now. Really"halos mainis na ako dahil sa pamimilit niya habang parang tuwang-tuwa naman si Mama na naiinis na ako.

Kahit gaano ko ka-gustong maging sibil sa kanya at matuwa dahil nandito siya, hindi ko kayang gawin ngayon. Hindi ko kayang magpanggap na natutuwa ako na nandito siya ngayon. I know, he will ruin my life again just what he did before.

"Why? Just because everyone is....uh we can talk somewhere else. Where would you like to go?"

I sigh frustratedly. Nilingon ko naman si Leilana na naiinis na rin at nakailang irap na pero parang hindi iyon napapansin ni Benedict.

"We can talk tomorrow, Ben just not today"

"Venice---

"We can go home now, Venice. Ben, you can come with us"si Mama na mas lalo akong pinaparusahan.

Napatingin naman ako sa aking relo. Pasado alas kwatro na ng hapon at patapos na ang laro ni Chester. I don't want to miss his game. He's been expecting me to be there and I don't want him to be disappointed.

Broken Promises (Epitome Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon