I thought I would have to wait a thousand years here. Hindi naman natagalan bago nakalabas si Carys na kasama ang lahat ng mga qualified members. Malungkot akong tinignan ni Stan kaya binantaan ko siya.
"We'll held our meeting somewhere else"giit ko at nauna nang naglakad paalis doon. They were all silent thou, singhapan at mga yapak lang ang naririnig ko buong minutong naglalakad kami papuntang H.E building.
Luckily, walang meeting ang mga teachers doon at saktong nandoon si Miss Amelia kaya nakapagpaalam kaming doon nalang muna gaganapin ang meeting.
"I wasn't informed that students would eventually flock inside the gym thou I already have some hunches"panimula ko nang nakapwesto na ang lahat at mabilis akong pumunta sa harapan.
Sinulyapan ko si Grace na tahimik lang.
"So, I wanted to inform everyone who were qualified that we'll have our practice tomorrow after class in the afternoon. I presume that everyone will do their best as what they have swore before the qualificiation"isa-isa ko silang tinignan. Bakas ang saya sa kanilang mga itsura kaya napatango ako.
"Carys will do the rest. I need to do something after this"I said with finality after I step back. Nagpalakpakan ang lahat kaya agad akong umayos ng tayo at hinayaang palitan ako ni Carys sa harap.
Lumapit sa akin si Stan.
"Saan ka pupunta? Wala ka nang ia-announce?"napataas ang kilay niya kaya umiling ako.
"Hindi ka nakikinig?"inirapan ko siya.
Suminghap naman siya at nagpameywang pa.
"Woah! You really got a temper"umiling siya na parang hindi parin makapaniwala. Tinignan ko lang siya mula ulo hanggang paa.
Umismid ako.
"Tigilan mo na ako. Basted ka"I said it in his face. Napapikit naman siya kaya umalis na ako at tinalikuran na sila roon.
"Venice"he called.
Binalewala ko ang pagtawag niya sa akin dahil deretso lang ang lakad ko. Sinulyapan ko ang aking relo at nakitang pasado alas kwatro na. I need to check the court. Mukhang kanina pa naman sila nagsisimula at panigurado akong tapos na ang try-out.
"Venice"I heard Leilana's voice kaya mabilis akong napalinga-linga. Nakita kong galing siyang court kaya lumapit ako sa kanya.
"Wala kayo sa court. Hindi pa kayo nakakaumpisa?"tanong niya.
"Tapos na"
Kumunot ang noo niya.
"May mga tao kanina sa court. Puno nga eh, saan kayo nagmeeting?"
"Sa H.E"
Tumango siya.
"Nanood ka?"tanong ko nang lumingon siya sa court.
Siniko niya ako at bahagyang tumawa.
"Syempre. Ang dami raw kasing bago at isa pa, mga gwapo"tumili siya kaya hinampas ko ang braso niya.
"Akala ko ba hindi mo ako papansinin?"
Napawi ang mga ngisi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/195497761-288-k945913.jpg)
BINABASA MO ANG
Broken Promises (Epitome Series #2)
RomansaBroken Promises are the reason why people are scared to trust again. Venice Thalia is your type A persona who is very narcissistic, self-centered, elite and a fashion icon. She is sometimes hated for having a superiority complex but as a narcissist...