Kabanata 33

21 1 0
                                    

"Napansin ko lang na parang iba ang aura mo nitong mga nakaraang araw?"pinagtaasan ako ng kilay ni Leilana. Sumalin siya ng tsaa sa kanyang tasa habang hindi inaalis ang paninitig sa akin. Naramdaman ko pa ang pag-irap niya bago siya tumayo at dumungaw sa ginagawa ko. Medyo iritado ko naman siyang tinaboy kaya natatawa siyang napailing.

"May tinatago ka ano?"intriga niya at sinubukan muling dumungaw sa ginagawa ko kaya natigilan na ako at binalingan siya. She grin at me teasingly. Masama naman ang tingin na pinukol ko sa kanya habang nagngising-aso naman ang kaibigan.

"What do you want?"hamon ko dahil alam kong hindi ito titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto.

She purse her lips but a smile escaped from it.

Nasa balkonahe kami. Nakaupo lang ako habang nakatayo lang siya sa gilid ko. Napasinghap pa ito bago bumaling sa harapan. Tinanaw ang mapayapa at bughaw na dagat.

Humalukipkip pa ito. "It's weird. You were always baking something pero never pa akong nakatikim ng gawa mo"nagtiim-bagang naman ako dahil sa sinabi niyang iyon. Napalingon siya at nanliit ang mga matang tumitig sa akin. "Usap-usapan sa site ang pagpapadala mo ng mga pagkain. The world is healing!"she exclaimed.

Napakurap-kurap lang ako dahil sa sinabi niyang iyon. Leilana has a very keen eyes. Hindi lang matabil ang dila pero magaling din sa observations.

After that night, kinabukasan naging mailap ako kay Chester. May mga araw na nagkakasalubong kami sa resort pero umiiwas lang ako ng daan. Hindi ko nga alam pero sa tuwing nagkikita kami, nakakaramdam ako ng kaba na hindi ko naman naramdaman nitong mga nakaraang taon. Iniisip ko nalang na bakit ako ang kakabahan, wala naman akong dapat na ikabahala.

Hindi pa nakakatulong ang mga oras na halos makapusan ako ng hininga dahil sa lintek na isang oras na meeting sa loob ng conference room kasama siya. Magkatapat pa talaga ang upuan namin. He's always staring at me obviously at napansin iyon ni Tita. She asks me about it. Nagtanong siya kung nagkabalikan ba kami o ano. Matindi ko namang giniit na hindi at wala na akong balak pa na makipagbalikan sa kanya.

It was a torture for me. The following days, mas lalo niya pa akong pinarusahan dahil madalas niya akong pinapatawag sa site para sa observations at sa kung ano-ano pa na pakiramdam ko, hindi naman kailangan ng mga salita at desisyon ko. Talagang ginagamit niya lang ang posisyon ko para lang parusahan ako sa mga oras na magkikita kami.

And that one time! Damn! Sa tuwing iniisip ko iyon, parang gusto ko nalang maglaho na parang bula.

"Excuse me, Miss President. Engineer Cojuangco wants something to discuss with you"

Halos mabitawan ko ang hawak na telepono nang dineklara iyon ng aking sekretarya habang nasa loob ako ng opisina at may kausap na investor.

"Hold on for a second Mr. Pascual"untag ko naman sa kausap sa telepono bago hinold ang tawag para balingan ang aking sekretarya na bakas ang pagkabalisa at takot dahil alam niyang ayaw kong magpaistorbo.

"I have an important call. I hope you know that"pinipigilan ko ang sariling masigawan siya. Halos namutla naman ito dahil sa sinabi ko.

"I'm aware of that Miss President but Engineer Cojuangco is very persistent. Ilang beses ko na rin siyang sinabihan na may kausap ka pa---

"Did he made an appointment with me?"pinagtaasan ko ito ng kilay kaya mabilis na umiling.

"Do tell him to make one"

Nagdalawang-isip pa ito kung tatango ba dahil mukhang may sasabihin pa sana kaya napatayo na ako at nagpameywang habang masama siyang tinitignan.

"Is there anything more?"bakas na ang panginginig niya.

Broken Promises (Epitome Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon