CHAPTER 9 "day off bonding"

79 2 2
                                    

🗣️📣Next update!!! Don't forget to FOLLOW me po para lagi kayong updated sa mga new chapters and novels ko po.. *^_^*

..

NINE

MARK ARDEL POV

"Can i join?"

Napatingin kaming lahat kay Kristel.

"No!!" Malakas na sabi ni Ace, agad nman siyang binatukan ni Luke dahil nasobrahan sa OA.

"Pero matagal na akong hindi nakakainum Ace!" Reklamo ni Kristel na parang batang nakabusangot ang mukha.

Hindi sila bagay dalawa, bagay silang maging brother..

"What the.. umiinum ka? Kebata bata mo pa? No! This time hindi ka na pwede uminum and it's final."

Tiningnan ko si Kristel nakayuko ito na parang batang nakagalitan ng kaniyang ama habang tumutunga tunga.

She's cute though, i can't believe na meron siyang side na ganito akala ko wala siyang takot sa kahit kanino.

"Ang OA mo naman bro! Ano naman ngayon kung umiinum siya? Hindi naman na siya ba_"

"_Shut up Luke will you?" Malakas at mariin na sabi ni Ace.. Alam ko na galit talaga siya kaya hindi ko alam kung bakit siya ganito kahigpit kay Kristel totoo naman kasing hindi na ito bata para pagbawalan.

...

KRISTINE/TINTIN POV

Gustong gusto kong sumamang uminum kasi nabuburyo na ako dito sa bahay ni Sir Kiel.. isa pa namimiss ko ng uminum dati panay ang inum ko kasama ng mga tropa ko sa Texas team tuwing nanalo kami sa basketball.

"Pero Ace gusto ko din sumama.. promise magbebehave ako!"

Niyugyug ko pa ang braso ni Ace at nagpacute para lang payagan ako.
hindi ko alam kung bakit nagpapaalam pa ako sa kaniya gayung si Sir Kiel naman ang amo ko, isa pa buhay ko ito kaya wala dapat siyang pakialam kung gusto ko uminum.

Pero feeling ko kapag ayaw niya dapat kong sundin, ayaw ko siya magalit.

He's like a brother to me that i don't want him to be disappointed.

"Bakit ka ba sa kaniya nagpapaalam eh ako ang amo mo? Ano naman kung payagan ka niya kung hindi naman ako pumapayag?"

Napalingon ako sa gawi ni Sir Kiel..

Tama naman siya sa sinabi niya pero nakakainis siya.. alam na nga niyang hirap na akong kumbinsihin si Ace eepal pa siya.. tsssk.. Pero dahil siya ang amo ko.. siya ang masusunod.. kaya lumapit ako sa kaniya.

Hinawakan ko siya sa kaniyang braso at hinaplos iyon.. pero para akong napaso kaya inangat ko yun na parang ikinagulat din niya kasi napataas balikat niya sabay tingin sakin eh..

Pero binalewala ko yun.. Hindi ko iyon pinahalata dahil kailangan makatikim ako ngayon ng alak.

"Sir Kiel!" Malambing kong tugon habang hinahaplos ang kaniyang braso.. Binabayaran ako dati sa pag-arte kaya siguradong makalusot ako sa kaniya.

Hindi siya makatingin sakin ng diretso kaya malaya kong nakikita ang expression ng kaniyang mukha.

Nakita ko ang pagkuyom ng kaniyang dalwang kamao na nakapatong sa mesa, malalalim ang kaniyang paghinga at panay ang kaniyang lunok.

"Back off Kristel!" Napaatras ako ng bahagya dahil sa lakas ng pagkakasabi niya.

"Tsssk.. ANO PAPAYAGAN MO BA AKO O HINDI?" Malakas at pasigaw na tanong ko sa kaniya kasi naiinis na ako sa kaniya.

TWIN TRUE IDENTITY (Complicated Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon