TWENTY ONE
Wala ng ginagawa si Tintin sa kompanya simula ng dumating sila Raffa at Nene dahil lahat ng trabaho niya ay inutos na lahat ni Raffa kay Nene.
Panay ang chat niya kay Kristel dahil gustong gusto na niyang umalis sa poder ni Mark pero paano gayong hindi pa ito makakabalik pa dahil comatose pa rin si Francis? Minsan gusto na lang niyang tuluyan na lang tong si Francis total wala rin naman itong ambag sa buhay ng kaniyang kambal. Pero hindi naman siya mamamatay tao at isa pa ay naaawa siya kay Kristel. Sobra nitong mahal si Francis kaya magtitiis pa siya ng kunti, napahilamos na lang siya sa mukha.
Nagtataka si Tintin ng biglaang may paghahandang nagaganap. Panay ang linis, ayos, nagmamadali ang lahat kaya naisipan niyang magtanong sa isa sa kaniyang mga kasamahan at ayon dito ay darating daw ang partners ng Kiel company pati na ng mga mayayamang investors.
Napansin niya ang biglang pagtayo ng kaniyang mga kasamahan kaya nagtago siya sa ilalim ng mesa dahil hindi siya nakaformal attire sumilip lang siya at nakita niya si Madam Xynthia, Mark at iba pang mga kalalakihan na sa tantiya niya ay nasa sampong katao pero may isang lalaki ang nakaagaw ng kaniyang atensyon.
"Jeshrell?" Bulong niya sa sarili ng makilala ito habang naglalakad papalayo na sa kaniyang kinaroroonan. Alam niyang mayaman si Jeshrell pero hindi niya inakalang dito pa sila magkikita sadyang napakaliit talaga ng mundo. Si Jeshrell isang galanteng lalaki at luko lukong customer ni Tintin dahilan para maging magkavibes sila at naging magkaibigan. Napangiti siya ng maalala niya ang pagkikita nila ni Jeshrell.
Flashback
"Are you sure you know how to act?" Tanong sa kaniya nito na pinasadahan pa ng tingin ang kaniyang kabuuan dahil nakasuot siya ng malaking t-shirt at maluwag na pants kung titingnan isa siyang rapper sa kanto na walang lisensiya.
"Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?" Hamon ni Tintin kay Jeshrell na ikinangiti nito.
"You amaze me huh! Fine!" Nagset ito ng araw at oras kung kailan ang rule play niya. Pumunta siya sa address na binigay nito sa kaniya ganun na lang ang gulat nito ng makita siyang nakagangster suit.
"What are you wearing? Hindi gyera ang sasabakan mo.. " natatawang sabi pa nito pero pinagkibit bakikat na lang nito.
"di bale follow me!" Sumunod siya rito, ganun na lang ang ngiwi ng mukha niya ng makita ang gusto nitong ipasuit sa kaniya. Isang dress na sobrang iksi at fit na fit sa kaniya.
"Baliw ka na ba? Ako?? papasuotin mo niyan? Ano bang rule ko call girl? Hostess? Kabit?" Hindi napigilang sigaw niya na ikinahagalpak nito ng tawa.
"Nope.. okay.. let me tell you the whole story.. there was a girl who was obsessed with me.. i don't like her pero makulit siya at ayaw niya akong tantanan.. that's why i ask to my friend and sabi nila eh may kakilala sila then binigay nila ang number mo which is you.. so ngayong alam mo na ang buong story baka naman pwede kang maging hero ko ngayon? You can do whatever you want on my body!" Kindat pa nito sa kaniya muntik na siyang masuka na lalong ikinatawa nito.
"Tsssk.. yun lang pala eh bakit kailangan ko pang magsuot ng ganiyan kaiksi?"
"Cause she's a party girl and i am too.. at hindi nagpapasok ng isang babae na hindi nakadress sa PPC kung saan tayo pupuunta.. but don't worry i'll pay you triple okay?"
BINABASA MO ANG
TWIN TRUE IDENTITY (Complicated Story)
RomansaKristel and Kristine are twin sisters. Their dream is to have a happy and complete family even though alam nila na malabong mangyare iyon dahil malalaki na sila at mananatili lang yung pangarap para sa kanila. Kristel works in Kiel company as a Secr...