CHAPTER 41 "GUNSHOT!"

59 0 0
                                    

FOURTY ONE

MARK ARDEL POV

Akala ko ay mahihirapan akong lapitan si Tintin.. sobra kong kinabahan nung time na yun pero nung nasa harapan ko na siya.. bakit kahit ang lamig ng pakikitungo niya sakin ay iba naman ang temperature ng pag-uusap namin?

Nagawa ko pa ngang magsorry at halikan siya sa leeg kahit na galit siya, hindi ko alam pero feeling ko napatawad na niya ako. Pero kahit na ganun.. ayaw kong mapanatag.. kubg kailangang ligawan ko siya ay gagawin ko.. total ay hindi ko naman siya naligawan noon.

This time i will court her because she deserves it before we end up in a real relationship. I will treassure her for the rest of my life.

..

TINTIN/RAINE POV

Pagkababa ko sa kaniyang kotse ay agad na akong lumabas at dumiretso sa loob. Hindi ko na nilingon pa si Mark dahil late na late na ako..

"Kamusta na Mon? Marami na ba?" Tanong ko kay Mon na siyang nagpiprint.

"Yes Boss! Kailan po kaya tayo makakapaghappy happy?" Natawa ako sa sinabi niya.. noong nakaraan pa sila nag-aaya pero masiyado pa kaming naraming gagawin kaya hindi mun ako nagbigay ng schedule.

"Kailangan nating matapos ang 2 kontrata bago tayo maghappy happy kaya mas galingan pa natin okay?" Napakamot ito sa ulo kaya napailing ako..

"My treat don't worry! San niyo ba gusto pumunta?" Nanlaki ang mata nito na tila hindi makapaniwala sa narinig.

"Eh? Gagala po tayo? Hindi na tayo iinum?" Halatang nadissappoint siya dahil sa expression ng mukha niya.

"Sinong nagsabing hindi tayo iinum? I will tell this to my Dad at kapag pumayag siya.. were having a 2 to 3 days vacation and mag-iinum tayo! How's that sound?"

"YES!!" Sabay suntok nito sa hangin sa sobrang galak kaya napangiti ako dahil ang saya saya niya. Ano pa kaya kapag nalaman ito ng iba.

Habang naglalakad ako pabalik ay narinig ko ang bulungan ng mga empleyado ko hindi pa nila ako nakikita dahil busy sila sa pagmamarites.

"Ang gwapo ni kuya no?" Bulong ni Raquel na kinikilig pa.

"Oo nga eh! Boyfriend kaya yun bi Boss? Tingin mo?" Napakunot ang noo ko.. ako? May boyfriend? Tsismis nga naman oh! Sobra sobra..

"Siguro.. bagay naman sila eh maganda at saka gwapo!"

"Sayang.." sabay hagikhik ni Bella, hinampas naman ito ni Raquel.

"Ikaw ah.. baka landiin mo yun? Wag mo ng agawan si Boss!" Seryosong sabi ni Raquel. Nakakatawa ang kanilang conversation.

"As if naman papatulan ako nun! Baliw ka!"

"Alam ko yun! Ayaw ko lang mapahiya ka! Hahah" pagharap nila ay ako ang nabungaran nila nakakatawa ang kanilang mga expression para silang nakakita ng multo dahil parehas silang maputla. Kaya ako naman ang natawa..

"Ano ba yang pinagchichismisan niyong boyfriend ko? Eh wala naman akong boyfriend!" Sabi ko agad namang tila nakahinga ng maluwag ang dalawa dahil hindi ako nagalit.

"Eh kasi Boss! May poging lalaki na nasa office mo! May dalang bunghjjdujjkffs" agad na tinakpan ni Raquel ang bunganga ni Bella.

"Puntahan niyo na lang po Boss! Nas maganda kung surprise po . Ayyyeee!!" Napangiti na ako ng asar asarin ako ng dalawa.

TWIN TRUE IDENTITY (Complicated Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon