Hello everyone... 🗣️📣New Update!!!Don't forget to FOLLOW me po para lagi kayong updated sa mga new chapters and novels ko po.. *^_^*
..
ELEVEN
KRISTINE/TINTIN POV
Nagising ako sa alarm ko kaya napagpasiyahan ko ng maligo para makapag-ayos na dahil ngayon ang araw ng pasok namin sa kompanya ni Sir Kiel.
Medyo kinakabahan pa rin ako dahil ito ang first time kong makakapasok sa kompanya.
Alam ko naman na.. kung ano ang mga gagawin ko sa opisina kasi na orient na ako ni Kristel..
madali lang daw ang magiging trabaho as P.A ni Sir Kiel which is kailangan ko lang sundin lang lahat ng ipag-uutos ni Sir Kiel, pangalawa palagi lang ako sumama kahit saan ito magpunta except sa banyo, pangatlo alamin ang mga important meetings nito.
Natuwa pa nga ako nung una kasi madali lang pala tapos ang laki ng sasahurin ko.. hahaha.. oo sahod ko daw ang matatanggap ko ngayong buwan dahil ako ang naghirap non sabi ni Kristel.
Paglabas ko naabutan ko si Tita Bonnel na busy sa paghahanda ng almusal.
"Tita bumangon na po ba si Sir Kiel?" Tanong ko dahil wala akong makitang anino ni Sir Kiel.
"si young master hindi pa bumabangon iyon panigurado tulog pa iyon ng ganitong oras puntahan mo na lang." Sabi ni Tita Bonnel sakin kaya pumunta ako sa kwarto niya at kumatok ng tatlong katok pero walang sagot.
Baka nga tulog pa..
"Sir Kiel?!"
Tawag ko pero walang sumagot nakailang tawag pa ako pero wala talaga.
Walang hiyang lalaki iyon.. sabi ko ng papasok kami ngayong araw eh..
Hmmnn.. 🤔
😁 Napangisi ako may naiisip akong kalokohan.. 😅
Bumaba ako at pumuntang kusina, kumuha ako ng dalawang takip ng kaserola..
May clue na siguro kayo kung ano ang gagawin ko di ba? Nakita ko lang to sa tiktok gagayahin ko lang.. 🤭
Kumatok pa ako ng tatlong beses para masigurado na hindi pa siya at gising. Wala pa ring sumagot kaya pinihit ko na ang pinto, hindi ko agad nilakihan ang bukas ng pinto dahil niready ko muna ang dalawang takip ng kaserola sa kamay ko.
"Wooh! Inhale.. exhale!! 1.. 2.. 3" bilang ko bago mabilis na pumasok at pinagkakalampag ang dalawang takip ng kaserola kasabay ng pagsigaw ko.
"Sir Kiel gising na anong oras na gum_" napahinto ako at nanlalaki ang mata ng makitang nasa labas ng pinto ng banyo si Sir Kiel na nakatapis lang ng towel at seryosong nakatingin lang sa mukha ko.
(☉。☉)
Napatingin ako sa kaniyang kamay na pinupunasan ang basang buhok niya ng isang towel, hindi ko mapigilang hindi mapalunok paano ba naman kasi nagfleflex ang mga muscle niya sa tuwing gumagalaw ang kaniyang kamay.
Tumikhim siya kaya napaangat ang tingin ko sa kaniyang mukha..
nagtama ang mga mata namin.
Tang*na ngumiti siya..
*⊙.☉*
Pakiramdam ko ang init init na ng mukha ko dahil sa hiya..
Sino ba naman kasing hindi mahihiya baka iniisip niyang pinagnanansaan ko ang katawan niya..
BINABASA MO ANG
TWIN TRUE IDENTITY (Complicated Story)
RomanceKristel and Kristine are twin sisters. Their dream is to have a happy and complete family even though alam nila na malabong mangyare iyon dahil malalaki na sila at mananatili lang yung pangarap para sa kanila. Kristel works in Kiel company as a Secr...
