CHAPTER 13 "Tintin meet Mamo"

71 1 0
                                    

🗣️📣Next update!!! Don't forget to FOLLOW me po para lagi kayong updated sa mga new chapters and novels ko po.. *^_^*

...

THIRTEEN

MARK ARDEL KIEL POV

Tatlong katok ang naulinigan ko, alam ko na kung sino ang nasa labas dahil si Kristel lang naman ang gumagawa non..

Hindi ko alam kung bakit nataranta ako. Inayos ko ang pagkakaupo ko sa kama inayos ko ang buhok ko at nagpisik ng kunting pabango.

Nagkunwari akong naglalaptop kahit ang totoo ay wala roon ang atensyon ko kundi sa taong nasa harap ko na hindi ko man lang inangatan ng tingin.

Hindi ko alam kung bakit ganito kalakas ang tama ko sa kaniya gayong halata naman na kahit katiting na pagkagusto ay wala siya sakin.

Sa dami ng nagdaang babae sakin ni isa hindi ako nakaramdam ng ganito tanging sa kaniya lang.

Ako si Mark Ardel Kiel at hindi ako maghahabol lang sa isang babae at iyan ang ipinangako ko sa sarili ko noon pa man at hindi ko yun babaliin, hindi ako matutulad sa daddy ko na one sided love lang.

Pero bakit parang pinaglalaruan ako ng tadhana dahil ako lang ang nagmamahal sa isang babaeng alam kong kahit kelan ay hindi ako mababalingan kahit kunting pagtingin ay hindi ako maambunan dahil may Ace na siya.

Napakunot ako ng noo dahil ilang minuto na siyang nasa harap ko pero hindi pa rin niya sinasabi kung ano ang kaniyang sadya.

Hindi kaya napapansin niya na kinakabahan ako?

Tssssk..

Hindi pwede to.. hindi pwedeng ganito palagi.. ayaw kong magpakita na apektado ako sa presence niya..

"What?? Are you here to stare at me that much?" Kita ko ang pagguhit ng gulat sa mukha niya hindi ko alam kung nagtatanga tangahan lang siya dahil kanina pa ako nakatingin sa kaniya imposibleng hindi niya yun nakita gayung magkasalubong ang mga mata namin?

Aarte na nga lang hindi pa ginalingan?

Tssk..

"H-huh?? Ah.. hehehe.. Sir Kiel tomorrow is my day off!" Napakamot siya sa ulo niya..

She's cute!

Stop praising her Mark!

"So??"

Hindi nakaligtas sakin ang parang pagkadissappoint niya sa sinabi ko..

Well dapat lang kasi hindi niya ako madadala sa pagpapacute niya sakin..

Umayos siya ng tayo at tumikhim pagkanaka..

Bumalik ako sa pagkakatingin sa laptop dahil hindi ko kayang tagalan ang titig sa kaniya.

Para akong hinihigop ng karisma niya pero bakit bigla ata akong kinabahan? Ano bang sasabihin niya? Ano naman kung day off niya?

"Ah.. Sir Kiel although napag-usapan naman natin na labas ka na sa private life ko kapag day off ko.. " napa-angat ako ng tingin sa kaniya.

Private life? A-ano bang pinagsasasabi niya?

Kalmado pa rin ang mukha kong nakatingin sa kaniya..

"syempre gusto ko pa rin na magpaalam kasi amo pa rin kita__"

"_Direct to the point Kristel!" Inis na sabi ko dahil paligoy ligoy pa siya hindi na lang diretsuhin lalo lang akong kinakabahan sa pinaggagawa niya.

"Okay.. day off ko ng saturday and sunday di ba? lalabas ako ngayon with Ace, babalik ako sunday ng 12 midnight."

... loading...

TWIN TRUE IDENTITY (Complicated Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon