️📣Next update!!! Don't forget to FOLLOW me po para lagi kayong updated sa mga new chapters and novels ko po.. *^_^*
...
EIGHTEEN
Naging malapit pa sa isa't isa si Mark at Tintin kung dati ay parati silang nakasigaw at nakaangil ngayon ay para na silang mga tupang mababait. Madalas na silang mag-usap nagtatalo sila sa maliliit na bagay nagkakatampuhan pero saglit lang dahil nagkakaayos din sila dahil isa sa kanila ay nagbababa ng pride at uunawa dahilan para mas lalo pang lumalim ang pagtingin ni Tintin kay Mark at ganun din naman si Mark sa inaakala niyang si Kristel. Nagkakapaglagayan na sila ng loob sa isa't isa pero sabi nga nila lahat ng saya may kabuntot na lungkot dahil hindi lahat ng oras araw mo. Dahil hindi nila inaasahan ang biglang pag-uwi ni Mamo sa Pilipinas, bunos pa dahil kasama nito ang childhood friend ni Mark na si Raffaella.
"Sir Mark!!.. Madam Xynthia is here!" Parehas na biglang napatayo at nagkatinginan si Mark at Tintin sa sinabi ni Ms. Guada na walang bakas ng anumang emosyon.
Kumalabog ng malakas ang dibdib ni Tintin sa narinig, ngayon niya pa lang kasi mame-meet up ang boss ng kaniyang kakambal at hindi niya ito ineexpect dahil hindi din siya naabisuhan ni Kristel tungkol sa pagbabalik ng Mamo ni Mark.
Tatawagan niya pa lang sana sa phone si Kristel ng biglang bumukas ang pinto at iluwa roon ang isang medyo may edad na babae pero makikitaan ng pagka-awtoridad at pagkaistrikta. May pagkahawig din ito sa kaniyang Nanay Xurita. Hindi niya alam kung paano ngayon haharap sa matanda na hindi siya mabibisto na hindi siya si Kristel. Unang dumako ang mga mata nito kay Mark na agad namang lumapit sa matanda at yumakap.
"Mamo why didn't you say you were going home now? if you told me I would have picked you up at the airport?" Nakangiti naman nitong tinapik tapik ang likod ng binata bago humiwalay. Kita niya sa mukha ni Mark ang pagkabigla ngunit may bahid ng saya at excitement na makita ang Mamo niya.
"If i told you then it wouldn't be a surprise iho! By the way How are you?" Sinipat pa nito ang kabuuan ng apo na animo isang bata at pinaikot pa. Nakita niya ang pagbelat ni Mark sa matanda dahil sa pinagawa nito sa kaniya.
"Well as you can see.. I'm good how bout you Mamo?" Hindi mawalang ngiti sa labi ni Mark.
"I'm good!.. lumilinga ito na parang may hinahanap at ngumiti ng tumapat sa kaniya ang mata nito .. Well.." halos mahigit ni Tintin ang kaniyang paghinga ng senyasan siya nitong lumapit. Magtatanong pa sana siya kung siya ba ang tinutukoy pero hindi niya ginawa dahil sa kaniya lang naman ito nakatingin.
"Come here Kristel! Don't you miss me?" Ngumiti siya para hindi ipahalatang kinakabahan pero sadyang hindi mo yata madadaya ang totoo mong nararamdaman ng hindi yun umabot hanggang tenga. Hindi mawala ang kaniyang kaba at takot na maaari siyang mabuking nito. Matapos ang beso beso ay tiningnan siya nito mulo ulo hanggang paa na para bang sinisigurong siya nga si Kristel kaya mabini siyang ngumiti at yumuko ng bahagya dahil na rin hindi niya kayang salubungin ang titig nito sa kaniya.
"How are you?.." ngiti na tipid lang ang sinagot niya dahil hindi niya alam kung paano aaktong Kristel gayong mas malakas pa yata ang kalabog ng dibdib niya kumpara sa confidence niya. Nasan na ang best aktres na Tintin bakit mag-iisang buwan pa lang pero kinakalawang na ang kaniyang talento sa pag-arte.
"by the way Kristel.. Thank you for taking care of my grandson.. you never let me down!" Hindi siya nakaimik dahil wala siyang mahagilap na sasabihin. Isa lang ang nasa isip niya.. "bahala na!". Pero agad silang napalingon sa pinto ng marinig nila ang pagyabag ng hills ng sapatos at pag-ungot ng isang babaeng amerikana dahil sa accent ng boses nito.
BINABASA MO ANG
TWIN TRUE IDENTITY (Complicated Story)
RomansaKristel and Kristine are twin sisters. Their dream is to have a happy and complete family even though alam nila na malabong mangyare iyon dahil malalaki na sila at mananatili lang yung pangarap para sa kanila. Kristel works in Kiel company as a Secr...