CHAPTER 38 "France"

64 0 0
                                    

Baka po maguluhan kayo.. si Kristine po ay si Princess Raine at si Kristel naman po ay si Princess Rain.. ang tamang pronounce po ng Rain ay Reyn at ang Raine naman po ay Rayn.

KRISTINE/TINTIN = PRINCESS RAINE CHUA
KRISTEL = PRINCESS RAIN CHUA

..

THIRTY EIGHT

PRINCESS RAINE/TINTIN POV

Ngayon ang alis ko papuntang France para don mag-aral ng college. Nakalimutan ko kung ano ang sinabi ni Dad na course basta may business sa unahan, tungkol daw yun sa gusto kong sport + business. Sabi pa niya ay ako daw ang maghahandle ng Chua Sport Incorporation, ayaw ko nga sana tanggapin dahil gusto ko ay sarili kong pinagpaguran ang hahawakan ko.. nirerespeto naman daw ni Dad ang desisyon ko kaya hahayaan niya ako sa gusto ko.. pero sa akin pa rin daw mapupunta ang Chua Sport Inc. pagdating ng panahon.

Akala ko ipinanganak kaming mga malas ni Kristel pero hindi pala.. maswerte pala kami dahil binigyan niya kami ng mga magulang na perpekto at bubuo sa pagkatao namin..

Hindi ako galit sa Mommy ni Mark dahil kung hindi dahil sa kaniya baka hindi wala na kami ngayon at hindi namin mararamdaman ang pagmamahal ng totoo naming mga magulang.

Matapos ang birthday ko ay kinausap ako ni Tita Kristina tungkol sa kaniyang anak na si Mark.

Akala ko ay ayaw niya sa akin para kay Mark tulad ni Madam Xynthia.. hindi pala.. ang totoo ay ayaw niya lang na parehas kaming masaktan ni Mark kapag nalaman na namin ang buong katotohanan sa aming pagkatao. At naiintindihan ko naman ang kaniyang ibig ipahiwatig.

"Do you love him?" Yan ang tanong niya na tumatak sa isip ko.

Oo mahal ko siya walang duda pero hindi ako ang tipo ng tao na ipagsisiksikan ang sarili dahil lang sa mahal ko siya.

"Honey are you okay?" Tumingin ako kay Mommy.. pakiramdam ko namula ang mukha ko. And i feel love everytime she called me in a sweet tone of her voice. Parang gustong gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at sabihing mahal na mahal ko siya..

"I'm fine Mom!.." wow.. ganito ba talaga kapag mayaman? Umi-english? :D hahahah

"Tintin Anak are you ready? You must go bago ka pa malate sa flight mo!" Tumango ako kay Dad.. bago ako sumakay ng kotse ay yumakap akong muli kay Dad.. wala si Ace hindi ko alam kung saan yun nagpunta. Hindi ko alam kung alam na ba niya na maglapatid kami.. kaya pala ganun na lang si Ace kung makaprotekta at mag-alaga samin ni Kristel dahil kami pala ang nawawala niyang kapatid na noon niya pa hinahanap.
Nakakatuwa lang na pinag-uusapan namin ang nawawala niyang kapatid tapos malalaman namin na kami pala ang hinahanap niya.

What a world!

Napakaliit talaga ng mundo.. hindi mo alam na ang matagal mo ng hinahanap ay nasa tabi mo na at kausap mo na pala..

Kaya kayo kung wala pa kayong mga jowa baka hindi niyo alam nasa tabi niyo na pala ang forever niyo .. charr . Hahahah

..

"Bonjour madame! êtes-vous Miss Princesse Raine Chua?" (Good afternoon lady! Are you Ms. Princess Raine Chua?) Salitang France agad ko namang naintindihan ang ibig niyang sabihin dahil isang linggo akong nagbasa ng france dictionary book, hindi sa pagnamayabang pero mabilis ako makapick up. Kaya naman hanga sakin sila Mom and Dad dahil sinubukan nila akong kausapin sa salitang France.

"oui c'est moi... est ma prise en charge ?" (Yeah! Where's the car?) Tanong ko sa salitang France at agad naman nitong itinuro ang isang black Limousine Car??

TWIN TRUE IDENTITY (Complicated Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon