CHAPTER 20 "pusta"

62 1 0
                                    

TWENTY

Halos hindi na himihinga si Tintin sa sobrang kaba.

"I like Kristel to be Mark's future wife!"

"Please act like Kristel.." nagpaulit ulit sa pandinig ni Tintin ang mga sinabi sa kaniya ni Madam Xynthia kaya buong lakas niyang itinulak si Mark at sinampal.

Magsasalita pa lang sana siya ng biglang bumukas ang pinto at iluwa roon ang mukha ni Madam Xynthia dahilan para kabahan ng sobra si Tintin.

"MARK??" malakas at ma-autoridad na tawag ni Madam Xynthia matapos nitong buksan ang pinto ng silid ni Mark kung saan naroon rin si Tintin na hindi makatingin sa kaniyang mata ng diretso. Tanging panay lang ang kalikot nito sa mga gamit ni Mark na dadalhin sa opisina.

"Mamo! What brings you here?" Tanong ni Mark na abala sa pag-aayos ng kaniyang neck tie dahil hindi ito naayos ni Kristel nung halikan niya ito. Pasalamat na lang siya at natapos ang kanilang halikan bago pa makarating ang kaniyang Mamo.

Kilala niya ang kaniyang Mamo mahigpit nitong pinagbabawal sa kaniya ang makipagflirt sa kaniyang mga employee at sigurado siya na kapag nalaman nitong may pagtingin siya kay Kristel ay gagawa ito ng way para palayuin ito and worst is palitan ng boy ang assistant niya which is para sa kaniya ay boring.

Gusto niya na si Kristel gustong gusto.. pero hindi siya handang pumasok sa isang relasyon. Pakikipagflirt lang at sinusunod lang niya kung ano ang gusto ng katawan niya at hindi ng puso niya. Dahil panigurado siyang ipapahamak siya nito, tulad ng nangyare sa kaniyang Dad na kinain ng pagmamahal naging martir, bulag at manhid. Pinaiikutan na sa ulo pero ayos lang sa kaniyang Dad.

Natatakot siya para sa kaniyang sarili dahil minsan hindi na niya mapigilan ang sarili niya tulad kanina na bigla na lang niyang hinalikan si Kristel dahil sa bugso ng kaniyang damdamin para rito. She really love Kristel at ilang beses na siyang nagtimpi na halikan at yakapin si Kristel. Kahit na apqm niya sa sarili niyang Kristel will not love her back at yun ang ikinakatakot niya ang malulong siya sa pagmamahal na siya lang ang makukulong dahil hindi siya kayang tubusin ng pagmamahal ni Kristel.

"I am here to check to both of you.. napakatagal niyong bumaba.. i don't want us to be late come on hurry up! Were having a breakfast" Pumalakpak pa ito bago hinuling sulyap si Tintin at umiling bago lumabas ng silid.

Nakita kaya niya? Tanong ni Tintin sa sarili ng makita ang pag-iling sa kaniya ni Madam Xynthia na para bang disappointed ito.

Pagkababa nila, napansin agad ni Tintin ang suot na attire ni Raffa, nakapang office attire ito na bukas ang dalawang butones sa may dibdib dahilan para makita ang cleavage nito at kapansin pansin din ang napakaiksing palda nito na may slit pa sa gilid na kunting galaw lang ay makikitaan na ng panty. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam si Tintin ng kaba. Pakiramdam niya ay may ideya na siya sa mangyayare pero ayaw niya pa ring pangunahan ang lahat. Ayaw niyang maniwala sa insthink niya na kahit kailan ay hindi pa siya nagkamali ng hinala. Hiniling niya na sana sa pagkakataon na to ay magkamali siya ng hinala.

Habang kumakain ay panay ang pailalim na sulyap niya kay Raffa na halatang excited sa pupuntahan dahil panay ang tingin nito kay Mark na hindi makafocus sa kaniyang pagkain.

Nagsimula ng magsalita si Madam Xynthia na lalong ikinatahimik ng lahat. Si Madam Xynthia para siyang isang batas na dapat sundin ganun siya ka-autoridad! Walang hindi makakahindi kapag siya na ang nagsalita.

"Mark, temporary na papasok si Raffa sa company and she will be your temporary assistant_

"But_

"_DON'T INTERRUPT ME WHILE I AM TALKING MARK ARDEL!!!" Malakas na sabi ni Madam Xynthia kaya walang nagawa si Mark kundi ang tumahimik dahil alam niya kung paano magalit ang kaniyang Mamo pwede siya nitong ipatapon pabalik sa Amerika kung gugustuhin nito at yun ang pinakaayaw niya dahil pakiramdam niya ay nasusuffocate siya sa bansang yun. Para sa kaniya isang bilibid ang amerika at nagdala sa kaniya yun ng trauma kaya mas nanaisin niya pa ang manahimik at sundin ang kaniyang Mamo kesa mapatalsik sa bansa.

TWIN TRUE IDENTITY (Complicated Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon