🗣️📣Next update!!! Don't forget to FOLLOW me po para lagi kayong updated sa mga new chapters and novels ko po.. *^_^*
..
FIFTEEN
THIRD PERSON POV
Huminto ang sasakyan ni Ace sa isang mansyon. Hindi lang ito pangkaraniwang mansyon dahil para itong castle na makikita lang sa bansang china. Kulay ginto ang buong bahay maging ang bubong at gate ay kulay ginto rin. Sabayan pa ng kulay dilaw na ilaw na lalong nagpakinang sa kulay ng buong bahay.
Nagtaka si Ace sa pananahimik ng dalawa kaya kaniya itong sinulyapan at ganun na lang ang ngiti niya ng makita sa mukha ng dalwa ang pagkamangha, lumaki ng bahagya ang singkit nitong mga mata at nakaawang na mga labi na kulang na lang ay tumulo ang laway ng mga ito sa pagkaamuze.
"Hey.. are you two alright?" Natatawang tanong ni Ace, tango lang naging sagot ng dalwa na hindi na nag-abala pang magsalita.
They were speechless...
Pumito si Ace gamit ang sasakyan na parang tumutugtog kaya ganun na lang ang pagbaling ng tingin sa kaniya ng dalwa na may guhit na pagtataka sa kanilang mga mukha.
"W-what are you doing Ace?.. is that a code? A password?" Takang tanong ni Kristel.
"Kind of_"
"_Tintin look at the gate!" Tili ni Kristel ng makitang kusang magbukas ang gate.
"Wow!!! Putcha ang angas hahaha!" Hindi napigilang mura ni Tintin pero agad siyang napayuko ng tingnan siya ng masama ni Ace.
"Watch your mouth Tintin.." seryosong saway nito sa dalaga.. napayuko ito at humingi ng sorry na tila isang maamong tupa.
"Sorry.."
"Apology accepted!" Ace smile widely at bahagyang ginulo ang buhok ni Tintin na napangiti na rin.
Pagkababa pa lang nila ay tumambad na sa kanila ang samo't saring mabangong halimuyak ng iba't ibang klase ng mga bulaklak.
Paborito ni Kristel ang mga bulaklak kaya agad itong tumakbo sa halamanan at masayang inamoy amoy ang mga bulaklak. Nagmistula itong isang fairy ng mga bulaklak dahil sa suot nitong gown na kulay pusha pink at malagintong kulay ng buhok.
"Oh my.. Kristel.. Kristine!" Agad na napabaling ang ulo ng dalwa sa kanilang kanan at doon ay nakita nila si Mrs. Ru ang mommy ni Ace na nakatakip ang bibig at nanunubig ang mga matang tumakbo palapit sa kanilang dalawa at mabilis silang niyakap na sabay.
Rinig nila Kristel at Tintin ang mahinang paghikbi ni Mrs. Ru kaya kanila itong inalo at bahagyang hinaplos ang likod para gumaan ang pakiramdam.
Naisip nila na marahil eto ang epekto ng sobrang pagkamiss nito sa kaniyang mga anak na kambal kaya ganito ang naging expression nito sa kanila.
Sila man ay gusto nila itong tawaging mommy dahil tulad nito ay uhaw din sila sa pagmamahal ng isang tunay na ina na kailaman ay hindi nila naramdaman simula pagkabata.
Matapos ang mainit na yakap ay nagtungo sila sa hapag kainan.
"Upo na kayo mga anak, sinabi sakin ni Ace ang mga paborito niyong ulam kaya iyan ang niluto ko.. ako ang nagluto niyan.." may pagmamayabang pa na sabi ni Mrs. Ru. Well may maipagmamalaki naman talaga dahil sa tingin pa lang ay talagang sosyal at masasarap ang mga nakahandang pagkain na ngayon lang nakita at matitikman nilang dalawa.
"Oh hala! mga anak kumain kayo ng marami huh? Ang papayat niyong dalawa.." Panay ang tango ni Kristel samantalang si Tintin naman ay nakatitig lang kay Mrs. Ru na tila ba kinakabisado ang bawat hulma ng mukha ng ginang.
BINABASA MO ANG
TWIN TRUE IDENTITY (Complicated Story)
RomanceKristel and Kristine are twin sisters. Their dream is to have a happy and complete family even though alam nila na malabong mangyare iyon dahil malalaki na sila at mananatili lang yung pangarap para sa kanila. Kristel works in Kiel company as a Secr...
