CHAPTER 22 "confessed"

69 0 0
                                    

TWENTY TWO

KRISTINE/TINTIN POV

Sobrang saya ko na naibalibag ko si Nene sa aming presentation.. all investors proudly congratulate me for doing great especially Madam Xynthia.. pero may isang tao akong hinihintay na i-congratulate ako pero mukhang malabong mangyare dahil nilagpasan niya lang ako na ikisimangot ako..

"Hey!" Napalingon ako sa nagsalita at napangiti ng makitang si Jeshrell pala.

"Oh hey!" Bati ko din sabay fist bump sa kaniya.. napahanga niya ako dahil nakilala niya agad ako kanina.

"Congratulations.. you're so good! I'm really proud of you!" Sabay tapik niya sa ulo ko na parang bata na ikinangiwi ko.. " by the way can i treat you to lunch? You know.. i missed you_" "KRISTEL!!" napalingon kaming dalawa ni Jeshrell kay Sir Kiel na noon ay masamang nakatingin sa akin..

Ano na naman kayang problema nitong isang to? Imposible namang babatiin niya ako ngayon eh ang sama ng tingin niya sakin. Bulong ko..

"Oh paano alis na ako Kristel.. see you! I'll call you later!" Paalam sakin ni Jeshrell at suminyas ng call na agad ko namang naintindihan bago niya himarap si Sir Kiel.

"Mr Kiel! I'll go ahead!" Tanging tango lang ang naging sagot ni Sir Kiel kay Jeshrell kaya napailing na lang ako.. nakalimutan niya yata na isang mabigat nilang investor ng kanilang company si Jeshrell tapos hindi niya tinatrato ng maayos..

"Tsssk.. lahat na lang ba ng lalaki lalandiin mo Kristel?" Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi ni Sir Kiel..

"What?? Ako? Manlalandi??. haha wow.." sakit tangina!!

Hindi ako makapaniwala sa aking narinig.. nakakarami na siya sakin.. aba hindi porket isa lang niya akong tauhan ay pwede niya na akong hamakin at pagbintangan..

magsasalita na sana ako ng maunahan niya ako..

"Bakit hindi ba? Nung una mga barkada ko! Tapos ngayon pati investor natin papatusin mo?"

Natawa ako as in literal na tawa.. lumapit ako sa kaniya nanlalandi pala ah..

"Ako nanlalandi? hindi ba sadyang maganda lang ako at magaling kaya nila napapansin?" Ngisi ko pang pang-asar.. kahit deep inside nanggigilaiti na ako sa inis..

Nanliit ang mata niya sa akin.. alam kong galit siya malas niya lang dahil kahit ako nasasaktan sa mga pamimintang niya sa akin na walang katotohanan, kaya ko pa din siyang sabayan..

ang pikon talo..

Umalis na siya sa harap ko at dumiretso sa kaniyang opisina.. kaya umalis na din ako dahil day off ko naman ngayon.. hindi niya ako pwedeng pigilan dahil baka masapak ko na talaga siya kahit boss ko siya..

..

"Baka naman nagseselos ang boss mo?" Muntik na akong masamid sa sinabi ni Jeshrell sakin.. oo magkasama kami ni Jeshrell ngayon dahil may usapan kami kanina na iti-treat niya ako ng lunch.

"Iyon? Magseselos? Nagpapatawa ka ba? Wala sa vocabulary nun ang magselos dahil babaero yun.." turo ko pa sa hangin na para bang nasa tabi ko lang yung demonyo kong boss..

"You wanna bet?" Napakunot ang noo ko..

"Sige ba.. anong bet mo?"

G na G na tanong ko sa kaniya.. ang yabang ko para namang may ipangpupusta ako sa kaniya.. ang totoo kasi gusto kong magbet dahil alam kong tama ako.. at isa pa sayang yung ipangpupusta niya mayaman to.. kaya alam kong mapapakinabangan ko ang ipupusta niya..

TWIN TRUE IDENTITY (Complicated Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon