CHAPTER 12 "can we be friends?"

83 2 0
                                    

🗣️📣Next update!!! Don't forget to FOLLOW me po para lagi kayong updated sa mga new chapters and novels ko po.. *^_^*

...

TWELVE

KRISTEL'S POV

Ang bahay na tinitirhan namin ay pag-aari ni Papa Jano, kaya tanging bill lang sa ilaw at tubig lang ang binabayaran namin buwan buwan.

Si Mamita Xurita ang gumagabay sa amin simula mawala si Papa. Pero si Tintin may sarili siyang mundo, ayaw niyang umasa kami kay Mamita. Una nahihiya siya dahil mayaman ito at ayaw niyang may masabi sa amin ito pagdating ng araw pangalawa ayaw niyang magkaroon ng utang na loob sa iba. Kaya kahit ang pag-aaral niya ay sinakripisyo niya para sa akin.

Pero heto at nakiusap na naman ako sa kaniya na magpanggap bilang ako sa harap ng apo ng Boss ko. Kahit alam kong labag ito sa kalooban niya dahil may importanteng laban siya nung araw na yun.

Marami siyang sobrang kinakahiligang gawin yun ay ang Pagjujudo, taekwando, espada fencing at basketball. kung may pera nga daw siya baka pati ang racing pinasok niya na eh.. kasi malaki laki daw ang mapapanalunan niya.

Ako ang number one fan niya halata naman di ba? At siguro kung nabubuhay pa si Papa Jano proud na proud yun sa kaniya kasi biro mo napagtapos niya ako sa paraket raket niya.

Hindi bobo si Tintin actually mas matalino siya sakin at ilang beses ko na yung napatunayan dahil madalas ay siya ang nagtuturo sakin kapag hi di ko maintindihan. Siya palagi ang nangunguna sa klase at pangalawa ako. Matalas ang memory niya dahil isang basa niya palang ay nasasaulado niya ang mga ito.

Hindi lang siya matalino at madiskarte dahil binabayaran din siya sa pag-arte. At isa yun sa mga racket na pinatos niya..

Oo.. naalala ko pa nun, nagpapanggap siyang buntis at jowa ng isang mayaman at iba pa.. at lahat yun ay malalaki ang bayad.

Maraming admirers si Tintin.. maraming manliligaw pero ni isa wala siyang tinalo at walang pinaasa.

Meron palang isa.. pero ilang buwan na yung nanliligaw sa kaniya.. si Nathan apo ni Mamita Xurita..

Ewan ko ba sabi niya sakin hindi pa siya handang pumasok sa isang relasyon haggang hindi pa kami nakakaahon..

Nilinaw din naman niya kay Nathan na hindi siya sigurado kung sasagutin niya ba si Nathan.. susubukan niya lang daw..

Paano kaya kung 10 years or 20 years pa kami makakaahon eh di tumandang dalaga na siya?

Palagi nga ako nung tinatanong kung saan nagtatrabaho si Tintin pero sabi ko nagraraket at hindi ko alam ung saan at kanino dahil hindi sinabi ni Tintin.

Ayaw namin ipaalam kay Nathan dahil nagpapanggap lang naman si Tintin bilang ako kaya walang dapat makaalam maging si Mamita Xurita wala ring alam.

Ang best friend at mga tropa niya... actually buo yatang baranggay at ibang karatig bayan namin ang naghahanap sa kaniya rito sa bahay samantalang isang linggo pa lang siyang wala.

Ganun karami ang nakakamiss sa kaniya..

Ganun siya kapopular rito sa amin, hindi naman kataka taka dahil mabait at marunong siyang makisama.

Ako??? kabaliktaran ko lang naman siya.. heheh

Kung gaano siya kahyper, kadaldal at kasocialize ay kabaliktaran niya ako.

Tahimik, mahiyain, mahinhin, at hindi ako socialize na tao, boring kasama kaya wala akong kaibigan si Tintin lang ang nag-iisa kong bff/sister.

Magkamukhang magkamukha kami ni Tintin pero malalaman mo sa unang tingin pa lang kung sino sa amin si Tintin.

TWIN TRUE IDENTITY (Complicated Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon