CHAPTER 39 "friends!"

65 0 0
                                    

THIRTY NINE

TINTIN/RAINE POV

Napangisi ako ng palihim habang nagmamaneho gamit ang Bobber motorcycle ko na regalo sakin ni Dad nung birthday ko.. nakakatuwa kasi alam na alam niya ang gusto ko and i really love it..

Bumagay sa suot kong white croptop na pinatungan ko ng black leather jacket at black boots na may tatlong inches ang taas.

Nadatnan ko silang mga naglalaro, halo halong emosyon ang naramdaman ko ng makita ko silang masayang naglalaro.

I feel excited, happy na makita uli sila at makalaro. Ilang taon ba kaming naging team ng mga ito?

Pumito ako gamit ang motor ko at lahat sila ay napahinto at tumingin sa gawi ko. Ang iba ay napakunot ang noo alam kong hindi nila ako makikilala dahil nakahelmet ako na black kaya hindi nila kita ang mukha ko pero sila ay malinaw na malinaw sakin.

Hindi sila lumapit kaya pumito akong muli at this time ay dahan dahan silang lumapit kaya napangiti na ako ng todo. Kailan ba ako ulit nguniti ng ganito kalaki? Hindi ko na matandaan.. i feel home.. this is my second home! Pakiramdam ko ay maiiyak ako pero pinigil ko, pakiramdam ko ay may kung ano anong nagliliparan sa sikmura ko katya napahawak ako don.

"Ahm.. Miss! Bakit po?" Magalang na tanong sakin ni Roger.

Tinanggal ko ang aking helmet..

⊙⁠.⁠☉ lahat sila ay napaawang ang labi, halata sa kanila ang gulat.. walang umiimik kaya ibinuka ko ang mga braso ko para i-group hug sila pero napakunot ang noo ko nang isa isa silang tumalikod..

Napangiti ako ng magpunas sila ng kanilang mga mukha kasunod nun ay rinig ko ang kanilang mga singhot.

I knew it..

They are crying..

ಥ⁠‿⁠ಥ

Fuck!!

Sobrang miss din pala nila ako tulad ng pagkamiss ko sa kanila..

"One.. tw_" hindi ko na natapos ang pagbibilang ko ng sabay sabay silang humarap sakin at yumakap muntik na akong matumba pero inalalayan nila ako.

"Miss ka namin Boss.. akala namin nakalimutan mo na kami!" Parang batang hikbi nila kaya itinap ko ang kanilang mga likod.. masiyado silang marami kaya hindi ko abot ang iba..

"Ano akala niyo? Kayo lang ang nakamiss? Syempre mas miss ko kayo! Namiss ko kayo sobra.. kayo ang naging una kong pamilya, parte na kayo ng buhay ko kaya hindi g hindi ko kayo makakalimutan!" I hate drama! Pero ngayon! Masarap pala sa pakiramdam!

I love this feeling..

Nakamasid lang sila sakin habang nakaupo ako sa isang silya na binigay nila at hindi ko maiwasang mapakunot ang noo dahil sa mga ekspresyon ng kanilang mga mukha.

"Coach! Kung dati ang angas mo! Mas may iaangas ka pa pala!" Nakangiting sabi ni Bobby!

"Oo nga Idol! Ang ganda at ang cool mo! Akala namin dahil mayaman ka pala ay magbabago na ang mga suot mo.. yung parang sa mga TV na nakadress nakahills na pointed at nakamake up tapos puro alahas!" Napangiti ako dahil sa kanilang mga sinabi..

Hindi ko sila masisisi dahil halos lahat ng mga mayayaman ay mga nakaformal attire unlike me!

Hindi din ako sanay magsuot ng mga gintong alahas. Sa Silver ako hiyang..

"Hindi na ako magbabago dahil una pa lang ganito na talaga ako manamit! At isa pa! Hindi porke mayaman ang parents ko ibig sabihin ay hindi na ako raraket;" napatakip sila ng bibig na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko!

TWIN TRUE IDENTITY (Complicated Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon