CHAPTER 36 "true identity"

51 1 0
                                    

THIRTY SIX

MARK ARDEL KIEL POV

Wala si Dad dahil sabi niya ay meron siyang isang buwang business trip kaya naman naisipan kong pumunta sa kwarto ni Dad! Pero nakalock yun, kumuha ako ng isang pin na parati kong ginagawa dati at mabilis ko yung nabuksan. Inikot ko ang paningin ko at nakita ko ang isang hidden camera kaya tinakpan ko yun ng tela. Napansin ko ang isang cabinet na parang nakaawang kaya itinulak ko yun at napaawang ang labi ko ng makita ang isang katirba ng baril sa pader.

Inikot ko ang paningin ko at ang isang bulletin board ang nakita ko na may mga litrato.

Litrato ng mga magulang ni Ace at ng dalawang bata_ teka!

Kung hindi ako nagkakamali ito ang larawan nila Kristel at Tintin..

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko dahil sa pagkakaalala ko ay kinuhanan ko ang litrato nila noong baby pa lang sila sa album na pinakita sakin ni Tintin.

Pinagtabi ko ang dalawa at wala itong pinagkaiba maging ang mga kasuotan nito ay parehong pareho.

Tinanggal ko ang pin sa picture nila Tintin at wala sa loob kong tiningnan ang likod, may nakitang pangalan kaya napakunot ang noo ko.

"Princess Rain (Reyn) Chua,
Princess Raine (Rayn) Chua, Daughters of Mr. And Mrs Chua?"

Shit!! Natutop ko ang bibig ko ng mapagtanto ko ang lahat.

"Ibig sabihin hindi ko kapatid sila Kristel at Tintin?.. p-pero bakit sinabi ni Mommy kay Dad na anak niya sila Tintin?" Naguguluhang tanong ko sa sarili ko..

Panay ang ikot ko sa loob ng maliit na silid na ito, uupo, mamemewang lalakad ulit, iikot..

Alam kong hindi ako makakatulog hanggat hindi ako nalilinawan..

T-teka..

Napatayo ako bigla..

bakit alam ni Mommy ang mga batang hinahanap ni Daddy?..

Isa pa ay bakit alam niya na nasunog ang mga batang hinahanap ni Daddy? At higit sa lahat bakit merong kopya si Mommy ng mga DNA test result ng mga batang ika niya ay nasama sa sunog?

H-hindi kaya? Pinagtatakpan lang ni Mommy sila Tintin sa kamay ni Dad?

bigla kong naalala ang sumbatan nila Mom nung hinostage ni Daddy sila Kristel at Tintin matapos niyang ihagis kay Dad ang isang envelope.

"NAPASAMA SILA SA SUNOG NG UMAMPON SA KANILA! AT SILA?? ANG MGA BATANG YAN.. SILA ANG MGA ANAK KO NA SINAKTAN AT PINAHIRAPAN MO!" Galit na sigaw ni Mommy.

"IKAW ANG INA NAMIN NA TUMAKWIL SA AMIN? ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MONG TAWAGIN KAMING ANAK MATAPOS MO KAMING IPAMIGAY!!" galit na galit na sigaw ni Tintin. Alam ko na may mga anak si Mommy dahil bata pa lang ako ay narinig ko na mismo sa bibig ni Mommy na may mga anak siya.

"I have my reasons mga anak kung bakit ko yun nagawa! At sana kapag dumating ang time na mapatawad niyo ako!"

"MAPATAWAD? NAGPAPATAWA KA BA? BAKIT KA PA BA PUMUNTA DITO? KAYANG KAYA NAMING UMALIS DITO NG WALA ANG TULONG MO!"

TWIN TRUE IDENTITY (Complicated Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon