CHAPTER 43 " The End"

75 1 0
                                    

FOURTY THREE

MARK ARDEL KIEL POV

Sobrang sakit ng katawan ko dahil sa walang tigil na pageensayo.

Oo gusto kong sumali sa kanilang samahan para maprotektahan ko si Tintin, at magagawa ko lang yun kapag marunong na akong makipaglaban. Kaya naman halos mamatay na ako sa sobrang sakit ng katawan ko sa pageensayo, puro sugat, hiwa at paltos lahat ng katawan ko dahil sa pageensayo halos lanta na din ang katawan ko dahil kasama pala sa ensayo ang hindi pagkain ng tatlong araw tanging tubig lang ng tubig kaya naman para na akong lantang gulay dahil sa gutom.

Pero ayaw kong magpatalo lalo na at aali aligid si Mr Jeshrell kay Tintin.

Lagi silang magkasama habang ako ay pinapatunayan pa ang sarili kung makakaya ko ba ang training para makapasa sa kanilang samahan.

"Kamusta ka na?" Napangiti ako dahil sa tanong sakin ni Tintin. I miss her so much.. at ngayon lang niya ako kinamusta.. akala ko nakalimutan niya na ako dahil sa Jeshrell na yun.

"Masakit ang katawan pe_"

"Suko ka na? Pwede naman nating sabihin tama na_"

"May sinabi ba ako? Ang sabi ko.. masakit lang ang katawan ko pero kaya ko at hindi ako susuko.." matalim na tiningnan ko si Jeshrell..

Alam ko naman kung bakit niya yun sinabi.. dahil gusto niyang masolo si Tintin..

Tiningnan ko si Tintin..

Kung ang lahat ng pagdurusa ko ngayon ang kapalit ay ang makasama si Tintin.. handa akong magtiis ng ilang buwan makasama lang siya ng pangmatagalan..

"Don't smile.. you look like an idiot!" Nawala ang ngiti ko sa sinabi ni Tintin at sinamaan ko ng tingin ng tumawa si Jeshrell..

Kahit kailan talaga epal ang tao na yun..

..

Natapos ang training ko at nasasabi kong worth it dahil sanay na akong gumamit ng mga armas at marunong na din akong makipaglaban. Ngayon ang kailangan ko na lang ngayong gawin ay ang makuha ang puso ng babaeng mahal ko..

Nakakatawa lang dahil hindi ko inakalang makakaya kong lagpasan ang tatlong araw na hindi pagkain at isang buwang training..

Ganun yata talaga siguro.. kapag mahal mo, lahat ng hindi mo kaya magagawa mo.. makuha lang ang puso niya..

Ngayon ako na ulit ang maghahatid sundo sa mahal ko.. hindi na si Jeshrel

"Baby!" Tawag ko kay Tintin..

Tumingin siya sakin agad siyang lumapit at hinawakan ang mukha ko na puro sugat at peklat.

Walang hiya kasi yung trainor ko hindi ko alam kung may galit ba yun sa akin at pinuntirya ang mukha ko..

Umigting ang panga niya sa hindi ko malamang dahilan. May nagawa ba akong mali?

"Bakit hinayaan mong sirain nung gunggong na yun ang mukha mo?" Gusto ko sanang ngumiti kaso pinigilan ko dahil galit siya at hindi magandang ngumiti kapag galit siya. Baka madoblehan pa ang sugat ko sa mukha.

"Inggit siguro yun kasi gwapo ako!" Bumelat siya..

"Dati yun.. ngayon dahil puro peklat na yang mukha mo hindi ka na gwapo.. mukha ka ng kwago!" Sabay talikod niya sakin at iniwanan ako.. hinabol ko siya pero putiks habang tumatagal ng tumatagal mas lalong bumibilis at lumalakas si Tintin may iniinum ba siyang gamot?

TWIN TRUE IDENTITY (Complicated Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon