THIRTY FIVE
KRISTINE/TINTIN POV
nakauwi na ang mga barkada ko dala dala ang kanilang mga speaker, mike at mga kalat nila. Kasi nagpatugtog lang naman sila ng malakas kanina, nagsayawan ng walang humpay nagbudots at kung ano ano pa kaya naman hindi nawala ang paskil na ngiti sa mga labi ko.
Kahit paano ay nakakalimutan ko si Mark.
Akala ko sa alak lang ako makakalimot..
hindi ko naisip na ang masayang mga barkada ko lang pala ang makakapagpangiti sakin uli ng ganito dahil sa mga nakakatawa at corny nilang jokes, sa mga kantyawan sa mga biruan sa mga sayaw na malaswa at mga palaro nilang pambata..
Kaya kami na lang dalawa ang natitira dito sa loob ng bahay namin.
"How are you!" Tanong niya sakin..
"Hindi okay.." nakatungo kong sagot..
"Why? Is there any problem?" Bumakas ang pag-aalala niya sa akin.
"A-alam mo na ba?" Tanong ko..
"Ang alin?" Kita ko sa mata niya ang pagtataka kaya napangiti ako.
"Stop courting me Nathan!"
Oo si Nathan ang lalaking parang prinsipe na naglalakad palapit sakin na may dalang bulaklak.
"W-what? Why? Don't tell me kayo na ni Mark?" Napapikit ako.. naging kami totoo.. pero hindi pala kami pwede!
"Magkapatid kami!" Kita ko ang gulat at pagtataka sa kaniyang mukha.
"What do you mean?" Tanong niyang naguguluhan.
Kinuwento ko sa kaniya ang lahat..
kahit siya ay hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.
Nitong nakaraan ko lang din nalaman na si Mamo pala at Mamita ay magkapatid. Kaya naman si Kristel ay umalis na sa company ni Madam Xynthia at nagtrabaho na lang sa kompanya ng boyfriend niyang si Francis.
"Do you.. love him?" Napayuko ako at tumango. Lumapit siya sakin at pinunasan ang pisnge ko.
"I can't believe that this is happening.. you look pale and thin, look at your eye bags!" Naiiling na sabi ni Nathan habang ini-scan ang mukha at katawan ko.
Nakailang kuwentuhan pa kami bago siya umalis pero may isang salita siyang binulong sa tenga ko habang magkayakap kami saka hinalikan ang noo ko.
"I'll fix this for you!"
Napangiti na lang ako dahil kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko.
Hihiga na sana ako ng tumunog ang phone ko. Napangiti ako ng makitang si Ace ang tumatawag. Akala ko kasi ay nakalimutan niyang burthday ko. Si Kristel nga nakalimutan na yatang may kambal siya eh.
"Hello!"
"Tintin maligo ka na papunta na kami diyan!" Nawala ang ngiting nakapaskil sa labi ko dahil sa sinabi niya na hindi man lang naisipang batiin ako.
"O.. ok!" Sagot ko akala ko ay may sasabihin pa siya pero bigla na lang niyang pinatay ang tawag kaya nakadama ako ng kungkot at dismaya.
Naligo na lang ako dahil baka magalit na naman siya kapag dumating siyang hindi pa ako nakakaligo. Makatikim na naman ako ng mordes.
Lahat ng tao takot sakin pero ako? Bukod tanging kay Ace lang ako takot. Siguro dahil sa kaniya ko naramdaman ang pagiging kuya sa aming dalawa ni Kristel.
BINABASA MO ANG
TWIN TRUE IDENTITY (Complicated Story)
RomanceKristel and Kristine are twin sisters. Their dream is to have a happy and complete family even though alam nila na malabong mangyare iyon dahil malalaki na sila at mananatili lang yung pangarap para sa kanila. Kristel works in Kiel company as a Secr...
