CHAPTER 27 "bonding"

56 1 0
                                    

TWENTY SEVEN

THIRD PERSON'S POV

Naging mainitin ang ulo ni Mark, bumalik sa pagiging seryoso, hindi palaimik at hindi ito makausap ng kahit na sino maging ang tropa nitong sila Ace, Luke at Ian kaya nabahala sila dahil may trabaho ito at hindi pwedeng hindi ito umiimik lalo na at si Mark ang CEO ngayon sa kompanya ng mamo nito.

Lingid sa kaalaman nila na tanging si Tintin lang ang nakapagpabago kay Mark at nagustuhan nila ang pagbabagong iyon dahil natuto itong ngumiti, magsalita, makipagtalo, magalit at higit sa lahat ang tumawa.

..

"Kristel kamusta ka na?" Tanong ni Ace kay Kristel sa telepono.

"Ayos lang ako Ace! Don't worry about me!" Assurance naman ni Kristel kay Ace dahil halos araw araw na lang ito tumatawag sa kaniya para magtanong kung okay lang ba siya.

"Good to hear.. well how about Mark? Did he treat you nice?" Napakagat labi si Kristel tanong pa lang ni Ace naiiyak na siya dahil palaging cold treatment ang natatanggap ni Kristel kay Mark, halos ipagtabuyan siya nito dahil ayaw siya nitong makita. Pero ayaw niya ang mag-alala ito kaya inayos niya ang kaniyang sarili pinigilan niya ang mapapiyok..

"He's fine.. and yeah.. he's nice.. don't worry too much.. okay?" Pag-aassure niya dahil sigurado siya na kapag nalaman ni Ace ang trato sa kaniya ni Mark sigurado siya na makakarating ito kay Tintin. Kaya kung kinakailangan niyang magsinunghaling gagawin niya.

Narinig niya pa itong nagbuntong hininga na parang napilitan lang.

"Okay.. i hope so.. just please tell me if Mark didn't treat you nice okay?.. he's my friend after all.. and i will not hesitate to talk to him okay?"

"Opo!" Sagot niya ng nakangiti habang tumutulo ang kaniyang luha. Masaya siya dahil kahit hindi niya kapatid si Ace ay nararamdaman niya naman ang pagiging kuya nito sa kaniya, masiyado itong maalaga at pinoprotektahan sila ni Tintin. Kaya masaya siya dahil merong isang Ace.

..

"LEAVE!" malalim at ma-autoridad na sabi sa kaniya ni Mark ng makita siya nitong nasa kaniyang mesa.

Mag-iisang linggo na siyang nasa labas lang dahil ayaw siya nitong makitang nasa loob. Kung may kailangan man ito ay tatawag lang ito sa kaniya at sasabihin kung ano ang iuutos.

"I'm here to remind you again Sir that you have a meeting with our new investor Mr. Thomas at 10 am!" Tumalikod na siya at umalis hindi na niya hinintay pang palayasin siya nito.

Naiintindihan niya ang galit ni Mark sa kaniya.. wala namang tao ang gustong maloko pero hindi niya lang ineexpect na mas mangingibabaw ang galit nito gayong mahal naman nito ang kaniyang kambal. Kaya ngayon kahit gustong gusto niyang kausapin si Tintin ay hindi niya magawa dahil nahihiya siya rito. Hindi niya alam kung anong mukha ang ihaharap niya kay Tintin. Kaya kahit gaano man niya kamiss si Tintin at kahit gaano man niya gustong tanungin kung kamusta na ang kaniyang boyfriend ay hindi niya magawa dahil pinapangunahan siya ng takot, hiya at kaba..

"Wait.. " napahinto si Kristel ng marinig ang boses ni Mark. Humarap siya dito pero nanatiling nakaiwas ang kaniyang mga mata tanda ng paggalang at respeto.

"Tell to Nene that i want her to be my Assistant later in a meeting.." tumango si Kristel at walang salitang lumabas na sa opisina ni Mark at nagtungo kay Ms. Nene.

Masakit sa part niya ang ganito, pero wala siyang magagawa dahil boss niya ang may gusto at kasalanan niya ang lahat ng ito kaya kailangan niyang tanggapin.

Umupo na siya at ginawa ang dapat na gawin ng biglang tumunog ang kaniyang telepono.

"Hello, Kristel i want you to update me in meeting okay? Cover up and assist Mark.. Mr Thomas is our big Fish so i want to be perfect and clean. Understood?" Nakagat ni Kristel ang kaniyang labi.. ayaw niya sanang sabihin dahil magagalit na naman sa kaniya si Mark pero mas hindi niya kakayanin kung ang magalit sa kaniya si Mamo kaya kahit mabag sa loob niya ang sabihin na si Ms. Nene ang gusto ni Mark ay sinabi na niya at gaya ng kaniyang inaasahan ay nagalit ito.

TWIN TRUE IDENTITY (Complicated Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon