TWENTY EIGHT
"Mabuti naman at napasyal ka dito Apo! Magkakilala na ba kayo?" Tanong ni Mamita Xurita kanila Mark at Tintin. Nagkatinginan lang sila bumelat lang si Tintin habang si Mark naman ay seryoso lang ang mukha.
"Alam mo ba Tintin si Mark ay apo ko din at masaya ako na dinalaw niya ako dito kasi ngayon lang siya ulit nakauwi dito sa pilipinas.." masayang kuwento ni Mamita Xurita nakangiti lang si Tintin habang panay ang kuwento ni Xurita sa kanila.
Wala si Nathan dahil inutusan ito ni Mamita Xurita na bumili ng meryenda sa labas.
"Alam mo ba Mark na gusto ko si Tintin para kay Nathan?" Natatawang kuwento pa nito samantalang si Mark ay nakakuyom na ang palad, nagseselos siya dahil kahit na may nagawa ni Tintin na magsinunghaling sa kaniya ay hindi pa rin maalis sa kaniya na mahal niya pa rin talaga ito.
"Bakit ka nga pala may dalang bulaklak Mark? Wag mong sabihing may nililigawan ka dito kaya ka napadpad?" May halong pang-aasar sa kaniya ni Mamita Xurita. Nagkatinginan sila Tintin at Mark pero agad ding nag-iwas ng tingin si Tintin dahil pakiramdam niya ay nagiinit ang kaniyang pisngi sa hiya. Hindi talaga siya makaporma kapag nasa harap siya ni Mamita Xurita dahil hindi siya close dito. Pero alam niyang gusto gusto talaga siya ni Mamita para sa apo nitong si Nathan dahil magkasundo kami at parehas ng gusto sa buhay.
"Can i talk to Tintin first Mamita?" Napatingin si Tintin kay Mark dahil hindi niya inaasahan na kakauspain siya nito.
"Uh.. sure! Take your time! Tamang tama at ako'y maliligo muna! Just wait for Nathan para makapagmeryemda na kayo okay?" Tumango lang sila Tintin at Mark hinintay ni Mark na makaalis ang kaniyang Mamita bago niya hinarap si Tintin.
Nagkakailangan silang dalawa dahil sa tuwing titingin ang isa sa kanila ay iiwas naman ang isa. Napakamot sa batok si Mark, alam niya na maya maya ay darating na si Nathan kaya hindi siya pwedeng magpatumpik tumpik pa dahil ito na ang chance na masosolo niya si Tintin. Tumingin siyang muli kay Tintin this time ay nahuli niya ang tingin nito.
"I'm sorry!"
"H-huh?" Hindi makapaniwalang sabi niya dahil sa loob ng halos isang buwan ay nakilala niya si Mark na mataas ang pride kaya ngayon ay nagulat siya ng magsorry ito sa kaniya ngayon.
"Totoo ba yan? Baka naman prank lang yan? Tapos_"
"Tssk.. kung ayaw mong maniwala eh di wag!" Nagtatampong sabi ni Mark kaya hindi na napigilan ni Tintin ang hindi matawa sa reaksyon ng mukha ni Mark na nakabusangot at hindi mahitsurahan ang mukha. Kaya lalong naainis si Mark.
"Tssk.. Aalis na nga ako_"
"Teka! Kahit kailan talaga napakaarte mo eh noh?" Belat ni Tintin na nakahawak pa din sa braso ni Mark.
"Hindi ako nagtatampo ng matagal.. ngayong okay na tayo sana naman ay wag mo ng pahirapan ang kambal ko dahil sensitive pa sa damong makahiya yun!" Nagiging madaldal na naman si Tintin na ikinangiti ni Mark.
Halos isang linggo din siyang hindi makatulog ng maayos dahil sa kaiisip sa mga sinabi niyang masasakit kay Tintin.
Alam niya na sumobra siya at yun ay dahil sa dala ng kaniyang galit. Kaya nagpasya siya na puntahan si Tintin.
Bigla niyang naalala na bumibili nga lang pala ng meryenda si Nathan at baka dumating na ito at mawalan na siya ng chance na makausap ng maayos si Tintin.
"Do you like Nathan?" Nagulat si Tintin sa tanong ni Mark sa kaniya. Hindi niya ineexpect na ito ang itatanong nito sa kaniya lalo na at kababati pa lang nilang dalawa.
"Bakit mo naman tinatanong? Anong pake mo?" Sabay belat niya kay Mark, hindi niya alam kung bakit pagdating kay Mark ay napakainit ng kaniyang ulo. Parang nakaset na ang mode niya basta si Mark ang kaniyang kausap at yun ang hindi niya maintindihan.
Siguro dahil may simula nung magkakilala sila ay lagi na silang magkabangay kaya nadala niya na hanggang ngayon.
"Tsssk.. can you please answer my question first?" Nauubusang pasensiyang sabi ni Mark.
"Aba.. bakit ba? At isa pa bakit ba concerned kang malaman? Ano naman kung hindi ko gusto si Nathan?" Sagot ni Tintin na ikinangiti ni Mark.
"So hindi mo gusto si Nathan?" Napawaang ang labi ni Tintin dahil nadulas ang kaniyang bibig.
"Ano naman ngayon sayo?"
"Gusto kita!"
"Yun lang pala eh akala ko naman kung.." napatigil si Tintin sa pagsasalita ng marealize niya kung ano ang sinabi ni Mark sa kaniya.
"T-teka.. anong sabi mo? T-tama bang narinig ko?" Kinabahang tanong ni Tintin.. naiinis siya sa kaniyang sarili dahil nagkandarautal siya sa pagsasalita. Pero wala na doon ang kajiyang atensyin kundi sa sinabi sa kaniya ni Mark.
"I said I Like you! Ikaw.. do you like me?" Sincere na tanong ni Mark, kinakabahan siya dahil baka hindi ang isagot sa kaniya ni Tintin lalo pa at kilala niyang may pagkaprangka ito. Never pa siyang nareject sa buong buhay niya tanging si Tintin labg ang nakakagawa nun sa kaniya pero heto at inuulit na naman niya.. ganun naman yata talaga siguro kapag nagmamahal.. kaya din siguro nauso ang salitang love is blind dahil kahit anong kasalanan ang gawin sa kaniya ng kaniyang mahal sa huli ay patatawarin at patatawarin niya pa rin ito kasi nga mahal niya.
"A-ano bang klaseng t-tanong yan?" Nauutal na tanong ni Tintin dahil seryoso ang mukha ni Mark na nakatitig sa kaniya.
Hinawakan siya ni Mark sa kaniyang balikat at bahagya itong nakayuko dahil matangkad ito.
"Tinatanong kita kung gusto mo ako dahil ako? Gustong gusto kita!" Napalunok na ng ilang beses si Tintin pakiramdam niya ay nag-ground siya sa palad ni Mark sabayan pa ng pagbilis ng tibok ng kaniyang puso na para bang sumabak sa giyera sa sobrang bilis.
Panay lang ang awang ng kaniyang labi dahil wala siyang mahagilap na magandang isasagot kay Mark. Sa tanang buhay niya ngayon lang siya naubusan ng isasagot.
"I.. ayyy" nagulat siyang hapitin ni Mark ang kaniyang bewang. Kaya magkadikit na ang kanilang mga katawan itutulak niya sana ito ng bigla siya nitong halikan na ikinalaki ng kaniyang mata. Hindi siya nakagalaw, hindi ito ang unang beses na hinalikan siya nito pero pakiramdam niya ito ang first time na hinalikan siya nito. Gumalaw ang labi ni Mark.. nung una ay hindi siya gumanti pero kalaunan ay pumikit na siya at sinabayan niya ang ginagawa ni Mark sa kaniya. Naramdaman niya na ngumiti si Mark dahil nagform ang labi nito ng ngiti kaya hindi niya na din napigilan na hindi mapangiti.
Aaminin niya na namiss niya si Mark at gusto niya talaga si Mark pero dahil pinagbawalan siya ni Madam Xynthia ay pinigilan niya ang kaniyang sarili at lumayo kay Mark. Peto ngayon na may dahilan na siya para mahalin ito ay susubukan niya dahil alam niya na wala namang magagawa si Madam Xynthia kung siya naman ang gusto ni Mark at hindi ang kaniyang kambal. Lalo pa at alam niya na ang mahal ni Kristel ay si Francis. Kaya malabong mangyare ang gusto ni Madam Xynthia.
Sa ngayon wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba dahil pipiliin niya ngayon ang makapagpapasaya sa kaniya.
Parehas silang habol ang hininga ng maghiwalay ang kanilang mga labi, naglapat ang kanilang nga noo at parehas na napangiti.
"I love you Tintin!" Tiningnan ni Tintin si Mark sa mata kung nagsasabi ba ito ng totoo. Nang masiguro niyang nagsasabi nga ito ng totoo ay ngumiti siya at hinawakan niya sa panga si Mark.
"I love you too Mark!" Parang nawalan ng kulay si Mark dahil sa kaniyang narinig.
"W-what did you say?" Natatawa si Tintin dahil sa histura ni Mark na hindi makapaniwala.
"Sabi ko I Love you too!" Nakangiting sabi ni Tintin sabay dinampian niya ng halik sa labi si Mark ng tatlong magkakasunod.
..
A/N: eto na kaya ang simula ng kanilang Lovestory?
Abangan.. 😉
![](https://img.wattpad.com/cover/345887199-288-k902104.jpg)
BINABASA MO ANG
TWIN TRUE IDENTITY (Complicated Story)
RomanceKristel and Kristine are twin sisters. Their dream is to have a happy and complete family even though alam nila na malabong mangyare iyon dahil malalaki na sila at mananatili lang yung pangarap para sa kanila. Kristel works in Kiel company as a Secr...