THIRTY ONE
SOMEONE'S POV
"anong balita?" Tanong ko sa kabilang linya.
"Boss.. May update na kami at nasa Pilipinas po sila.." napangiti ako sa aking narinig.. nalaman ko din na binago pala ang pangalan ng mga ito kaya nahirapan kami sa paghahanap sa kanila.. isa pa ay isang hindi kilalang lalaki ang umampon sa kanila. Kaya sadyang nahirapan kami.. pero ang tanong ko ay sino kaya ang may lakas ang loob na kumuha sa aming hide out? Dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nalalaman kung sino ito.
Pero ngayon ay hindi na ako papayag na mawawala na sa kamay ko ang mga batang ito.. Sa wakas matapos ang dalawampu't tatlo ay nahanap ko na din sila at alam kong sila ang gagamitin ko para makaganti at mapabagsak silang lahat.
"Mabuti naman kung ganun! Wag niyong aalisan ng tingin.. send me the details!" Balak ko sanang sundan ang ex wife ko pero hindi ko inasahang mauuna pa pala ako sa kaniyang makabalik sa Pilipinas.
..
KRISTINE/TINTIN POV
Katapos lang naming maglaro ng basketball, as usual talo na naman..
ang aming kalaban.. (θ‿θ)
Natawa nga ako ng lumapit sakin ang captain ng Angas Gang team na masama ang tingin.
"Hindi pa dito natatapos ang lahat Tintin! Dahil sisiguraduhin kong mabubura kayo sa first rank.." ngumiti lang ako sa kaniyang sinabi.
"Okay.. then you need to practice more dude! Pano alis na kami! Good luck!" Sabay talikod ko at sumunod naman ang mga kateam ko.
Dapat ay iinum kami ngayon gaya ng nakasanayan namin kapag nananal pero hindi na pwede dahil hinihintay ako ng boyfriend ko sa bahay.
Hindi ito nakapanood ngayon sa laro namin dahil may importante itong meeting. Dapat ay susunduin niya ako ngayon pero hindi ako pumayag dahil may dala naman akong motor. Pero sabi niya ay susunduin niya ako kapag maagang natapos ang meeting niya.
Naghintay ako ng tawag at text sa kaniya pero wala kaya nagpasya na akong unuwi na lang. Bumili ako ng paborito kong Manoy Lechong Manok dahil namimiss ko ng kumain nun. Isa pa ay pulutan namin mamaya. May usapan kasi kami ni Mark na iinum kami kapag nanalo kami bilang celebrate.
Sobrang saya at excited ako umuwi para ibalita sa kaniya ang pagkapanalo ko.
Sa ilang buwan na naming magkasama ni Mark kabisado ko na ang kaniyang ugali.
Napa-usapan na din namin ang mga bagay na hindi ko kayang talikurang mga bagay tulad ng bahay namin, ang paglalaro ng basketball kasama ang team ko at ang mga batang tinuturuan ko ng judo.
Napatingin ako sa side mirror dahil pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin. Nakita ko ang isang kotseng itim na nasa likod ko kaya gumilid ako para maggive way sa kaniya pero napakunot ang noo ko ng hindi pa din ito nagovertake nanatili lang na nasa likod ko na mabagal ang patakbo. Binilisan ko ang patakbo at confirmed.. sinusundan ako ng kung sino kaya mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo lumuhis ako ng daan na dapat ay papunta sa bahay ni Mark pero laki g gulat ko ng may biglang sumipot na sasakyan sa harap ko dahilan para mapahinto ako bigla.
Napangiti ako, may ideya na ako kung na ang Angas Gang Team ang mga ito dahil siya lang naman ang nagbanta sa akin kanina.
May naamoy ako.. amoy away na naman ito. Pero napangisi ako kasi nag-iisa lang ako tapos sila dalawang sasakyan? Ano to joke? Masiyado naman silang nagpapahalatang hindi nila ako kaya.
BINABASA MO ANG
TWIN TRUE IDENTITY (Complicated Story)
RomansKristel and Kristine are twin sisters. Their dream is to have a happy and complete family even though alam nila na malabong mangyare iyon dahil malalaki na sila at mananatili lang yung pangarap para sa kanila. Kristel works in Kiel company as a Secr...