TWENTY FOUR
THIRD PERSON POV
Raffa was disappointed to Madam Xynthia because of what she heard. Expected niya na ayaw talaga sa kaniya ni Mamo una pa lang pero hindi niya inakala na mas gusto pa nito ang mukhang gangster at laking squatter na si Kristel kesa sa kaniya na may pinag-aralan at may family business na pumapanglima pagdating sa negosyo.
Samantalang Madam Xynthia was exhausted. Wala sa plano niya ng sabihing gusto niya si Kristel para sa kaniyang apong si Mark lalo na at nandito pa si Raffa at si Tintin. Pero no choice siya dahil hindi pwedeng gustuhin ni Ace alinman sa dalwang kambal at ang kaniyang rason ay tanging siya lang ang nakakaalam.
"Madam Xynthia pinapatawag niyo raw po ako!" Mahina at mabining tanong ni Tintin pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto.
"Yes, Come in.." walang emosyong sagot ni Madam Xynthia.
Tiningnan nito mula ulo hanggang paa si Tintin..
"About sa sinabi ko kanina! Siguro naman ay naintindihan mo ang ibig ko, hindi ba?"
Napakurap ng tatlong beses si Tintin bago tumango.
"Opo wag po kayong mag-alala.. malinaw na malinaw po sakin na gusto niyo si Kristel para kay Mark at isa pa ay hindi ko din pwedeng gustuhin si Ace.." seryoso at walang bahid ng kahit anong emosyon na sabi niya kay Madam Xynthia.
Bumuntong hininga muna si Madam Xynthia bago tumingin kay Tintin.
"Pwede ko po bang malaman kung bakit hindi ako pwedeng gustuhin ni Ace?" Hindi na napigilang tanong ni Tintin kay Madam Xynthia. Nakita niya ang ilang paglunok at pag-iwas ni Madam Xynthia sa kaniya.
"W-wag mo ng itanong basta hindi pwede na magkagustuhan kayong dalawa! Period.. you may leave!" Napangiti ng mapakla si Tintin.. total nasaktan na rin naman siya lulubos lubusin na niya.
"Bakit po hindi pwede?" Tanong pa din niya, siya kasi ang tipo ng tao na hindi titigil hanggat hindi nakukuha ang sagot.
Pero sa halip na umimik ay Hindi ito sumimsim lang ng tea na para bang hindi nadinig ang kaniyang sinabi.
"Ah.. alam ko na.. siguro dahil wala akong pinag-aralan?" Nakangiti pero may bakas ng sakit ang mga mata ni Tintin na hindi kayang salubungin ng tingin ni Madam Xynthia.
"O baka naman Dahil sa kilos ko na parang lalaki? O baka dahil sa status ng buhay ko?" Sunod sunod na tanong ni Tintin. Hindi niya alam kung saan siya humugot ng lakas ng loob na sabihin lahat ng yun kay Madam Xynthia lalo na at kilala itong isang strikto, palaban at matapang na babae.
"May importante pa akong meeting ngayon.. leave my room now!" Walang emosyon na utos ni Madam Xynthia kay Tintin, pero sadyang matigas ang ulo ni Tintin at may pagkamakulit dahil hindi ito umalis sa halip ay sumagot na naman ito.
"Meeting? Eh sunday po ngayon di ba?"
Matalim na tiningnan ni Madam Xynthia sa mata si Tintin, halatang galit na ito at nauubusan na ng pasensiya.
"It's none of your business! LEAVE.. i'm busy!"
Wala ng nagawa pa si Tintin kundi ang tumalikod na lang.. palabas na sana siya ng tawagin siya ni Madam Xynthia.
"Wait! One more thing! Act like Kristel na mahinhin at tahimik.. hindi yung para kang amazona na sahot ng sagot!" Napabelat na lang si Tintin at hindi na nakapagtimpi pa.
"Sorry Madam kasi sanay ako sa ganitong kilos at pagsasalita kaya mahirap para_"
"Then makipagpalit ka na kay Kristel!" Hindi niya inexpect na sasabihin niya ang bagay na yun ng ganun ganun na lang.
BINABASA MO ANG
TWIN TRUE IDENTITY (Complicated Story)
Lãng mạnKristel and Kristine are twin sisters. Their dream is to have a happy and complete family even though alam nila na malabong mangyare iyon dahil malalaki na sila at mananatili lang yung pangarap para sa kanila. Kristel works in Kiel company as a Secr...