CHAPTER 30 "real me"

71 0 0
                                    

THIRTY

"What are we doing here Love?" Tanong ni Mark ng iparada ni Tintin ang sasakyan sa gilid ng court.

Si Tintin ang nagmaneho ng kaniyang sasakyan dahil nangulit ito sa kaniya kanina.

Alam ni Mark na ito ang lugar na ito dahil nakapunta na siya dito at hindi siya pwedeng magkamali ito ang lugar ni Tintin.

Holiday ng dalawang araw, kaya wala siyang office work at may oras siyang masolo at makabonding ang kaniyang girlfriend.

"Di ba tinatanong mo ako kung bakit magkaiba kami ni Kristel sa lahat? Ngayon mo malalaman kung bakit!" Sabay kindat nito sa kaniya na ikinangiti niya. Kung titingnan kasi si Tintin ay maangas na cute.

"Ppprrrrrtt!!" Napatakip siya ng tenga ng biglang sumipol ng malakas si Tintin na ikinagulat niya.

Nanlaki ang kaniyang mata ng tumakbo papalapit sa kanila ang lahat ng lalaking nalalaro ng basketball namumukhaan niya ang iba dahil ito ang kakampi ni Tintin noong lumaban ito ng basketball nung nakaraan.

"CAP!!" Kaniya kaniyang sigaw ng mga ito. Napangiwi siya dahil para itong mga adik at siga. Hindi niya lubos maisip na bakit sa ganda ni Tintin ay mga ganito ang mga napili nitong kaibiganin.

"Kayo muna ang bahala sa kasama ko ah.. uuwi lang ako ng bahay magpapalit lang ako!"

"Wait what??" Hindi makapaniwalang sagot niya sa sinabi ni Tintin. Hindi sa takot siya sa mga kaibigan nito ang gusto niya lang ay hindi mawaglit ang kaniyang paningin kay Tintin.

"Yes cap! / Yes boss! / Yes idol!" Napailing na lang siya.. kung anong tikas at laki ng mga katawan nito tupi naman ang mga buntot nito kay Tintin. Sabagay sa ugali ni Tintin kahit siya ay kayang kaya nitong galitin at paamuin.

..

Napangiti si Tintin ng humarap siya sa salamin nilang malaki na nakadikit sa kaniyang cabinet na kahoy.

Suot niya lang naman kasi ang paborito niyang black croptop na pinatungan niya ng black blazer na maong na kupas at ang suot niyang pang-ibaba ay itim na rip jeans na kupas din at may mga kadenang silver na nakakabit sa bawat bulsa nito na nagpadagdag angas sa kaniyang suot. Nilagay din niya ang kaniyang singsing na may mga bato at silver na mga burloloy sa kaniyang braso. Nilagay niya na din ang kaniyang hikaw na may mga patusok at isang hikaw na dragon na nakasabit sa puno ng kaniyang tenga.

Niladlad niya din ang kaniyang itim at kulot niyang buhok.

Excited siyang ipakita kay Mark kung sino talaga siya at sigurado siya na lalaglag ang panga nito mamaya sa kaniya dahil walang kahit na sino ang hindi napapalingon kapag ganito ang ayos niya.

Ito lang naman ang palagi niyang sinusuot kapag may racket siya kasama ng kaniyang motorbike.

Nang masiguro niyang ayos na ang kaniyang postura ay lumabas na siya ng kaniyang bahay.

Halos lahat ay nakatingin sa kaniya na para bang ngayon lang siya nakitang nakaganito. Hindi pa rin kasi masanay ang mga tao sa kaniya na ganito siya manamit. Nakasanayan niya na kasi ang ganitong pananamit dahil bukod sa pagraracjet niya ay talent niya talaga ang fashion.

"Wow.. Tintin nakabalik ka na! Bumalik ka na.. napakaganda mo talaga!" Bati sa kaniya ni Rex ang sumubok na manligaw sa kaniya pero binasted niya dahil ayaw niyang oumatis ng kaibigan bukod pa don ay hindi niya type si Rex.

Nakipagfistbump siya rito tanda ng pagbati.

Nang malapit na siya ay pumito siya ng malakas.

"Ppprrrttt!!" Kaniya kaniyang lingon sa kaniya ang lahat at tulad ng inaasahan niya ay marami ang napanganga dahil sa ganda at angas ng kaniyang suot.

TWIN TRUE IDENTITY (Complicated Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon