THIRTY SEVEN
MARK ARDEL KIEL POV
This is it.. i'm going to my Mom's place gusto ko bumawi sa lahat ng pagkukulang ko sa kaniya bilang anak.
Akala ko noon siya ang may malaking pagkukulang bilang ina sakin, mali pala ako..
dahil ako pala ang naging malaking selfish sa aming dalawa..
Ako lang ang kusang lumayo sa kaniya na hindi man lang inalam ang buong dahilan ng pagdidiborsyo nila ni Dad at higit sa lahat ang narinig kong tinutukoy niyong mga anak niya na hindi naman niya pala kadugo kundi kinupkop na parang sariling anak.
Nagoverthink agad ako, at hindi man lang pinaramdam sa kaniya ang maiinit na yakap at mga lambing na akala ko ay hindi niya kailangan.
pero dahil sa nabasa kong sulat niya kung saan nakasaad ang kaniyang mga hinaing at damdamin ay aking napagtanto na sa aming dalawa ako ang may pinakamalaking pagkakamali at pagkukulang.
Gustong gusto at hinahanap niya pala sakin ang mga yakap, halik at paglalambing ko sa kaniya na kailanman ay hindi ko ginawa sa kaniya simula nung magkaisip ako.
Tama siya ilang beses niya ba akong nilapitan at sinuyo, walang araw na hindi niya ako tinatanong kung ayos lang ba ako.. pero walang emosyon ko lang siyang tinitingnan at saka tatalikod na para bang wala akong narinig na salita mula sa kaniya, dahilan para masaktan at madurog ang kaniyang damdamin bilang isang ina.
Palagi niya rin palang tinatanong ang kaniyang sarili kung saan ba siya nagkamalli at nagkulang.. kung may nasabi ba siyang hindi maganda sakin kaya naging ganito katigas ang puso ko.
"S-sir M-Mark?" Hindi makapaniwalang sabi ni Ate Nicks ng mapagbuksan niya ako ng pinto. Siya ang kasambahay ni Mommy simula bata pa lang ako kaya kilalang kilala niya ako at isang pinoy din.
Blangko ko lang siyang tiningnan dahil sa kaba na bumabalot sa buong pagkatao ko ngayong naririto na ako at ilang minuto na lang ay makikita ko na ang babaeng matagal kong hindi nakita, ang matagal kong tiniis na kausapin at yakapin..
Kita ko ang takot sa mga mata nito at mabilis na nilakihan ang awang ng pinto para makapasok ako.
"M-MA'AM!! SI SIR MARK PO NANDITO!!" Sigaw niya na ikinadagundong lalo ng puso ko..
Pakiramdam ko anomang oras ay lalabas na ang puso ko dahil sa kaba.
Ilang beses na ba akong nagpraktice ng sasabihin ko kay Mommy?
Hindi ko na mabilang pero pakiramdam ko kulang pa din kaya tumigil na ako at ipinagsawalang bahala na lang ano man ang lumabas sa bibig ko kapag nakaharap ko na siya..
"S-son?" Akala ko ay malakas na ang tibok ng puso ko pero hindi ko inasahan na may lalakas pa pala ang kaba ko ng marinig ko ang kaniyang pagtawag sakin.
Napapikit ako.. sobra kong namiss ang pagtawag niya sakin..
I'm a big asshole dahil sarili kong ina ay natiis ko ng dahil sa pagiging makasarili ko.. hindi ko man lang inisip ang kaniyang nararamdaman..
Nilingon ko si Mommy, may hawak pa itong sandok. Hanggang ngayon hilig niya pa rin talaga ang magluto.
Umangat ang tingin ko sa malamlam niyang mga mata na nababalot na ng luha at ang kaniyang mga labi na nanginginig halata ang pagpipigil sa kaniyang mga hikbi. Siguro dahil sa galak at sabik ng makita niya akong muli sa kaniyang harapan.
"You're h-here Son!" Nanginginig pero ramdam ko ang tuwa sa kaniyang boses.
Gusto kong tumakbo palapit sa kaniya para yumakap tulad nung bata pa ako pero nagdadalwang isip ako dahil sa hiya.. malaki na ako, hindi na ako tulad nung musmos pa lang na pwedeng tumakbo at yumakap sa kaniya.
BINABASA MO ANG
TWIN TRUE IDENTITY (Complicated Story)
RomansaKristel and Kristine are twin sisters. Their dream is to have a happy and complete family even though alam nila na malabong mangyare iyon dahil malalaki na sila at mananatili lang yung pangarap para sa kanila. Kristel works in Kiel company as a Secr...
