CHAPTER 23 "emotional damage"

74 0 0
                                    

TWENTY THREE

"Ehemn!! " Tikhim ko dahil hindi pa humaharap si Sir Kiel sakin.

Patay galit nga!

"Sir Kiel!_"

"_Bakit ngayon ka lang?.. bakit kasama mo si Mr. Jeshrell?.. hindi mo ba alam kung anong oras na?" Nakatalikod pa din siya kaya malaya kong natititigan ang likod niya.. kita ko rin ang marahas niyang pagbuntong hininga niya.

Ano namang masama? Wag niyang sabihing pineperahan ko si Jeshrell dahil baka lumipad ang kamao ko sa mukha niya!! Bulong ko.

Weee? Kaya mo ba?? Epal din ng isip ko..

"Jeshrell treat me to lunch_"

"Jeshrell? Humarap siya sakin na hindi makapaniwala.. You call him in his name?" Hindi makapaniwalang tanong niya sakin.. dapat ko na sigurong sabihin na kaibigan ko si Jeshrell..

"Yeah.. his my friend!" Walang gatol at pag-aalinlangan kong sagot.

"Friends? Ng ganung kabilis?.." napangiwi ako..

Parang may gusto siyang iparating ah..

"Or friends with benefits?" Kumuyom ang kamao ko..

Tama nga ang hinala ko.. lintik ang kitid ng utak..

"Friend's with benefits?" Pag-uulit ko sa sinabi niya sa hindi makapaniwalang tingin..

Sa unang pagkakataon ay nasaktan ako.. Nasaktan ako to the point na gusto kong manapak ngayon pero hindi pwede dahil boss siya ng kambal kong si Kristel..

"Bakit? Hindi ba? Kitang kita ko paano ka niya hinalikan kanina sa labas!"

Uminit ang ulo ko sa kaniya bahala na kung ano ang kalabasan nito pero galit talaga ako dahil hindi ko nagustuhan ang tabas ng bunganga niya..

"Hinalikan? Beso lang yun dahil kaibigan ko yun, binebeso din naman ako ni Ace at ni Nathan kaya anong pinagsasasabi mo?" Hindi ko na napigilang sabihin sa kaniya..

"Binebeso ka dahil manliligaw mo lahat yun! Wag mong sabihing pati si Mr Jeshrell nanliligaw na din sayo?"

Natawa ako literal na natawa dahil para siyang tanga na kung ano ano ang mga pinagsasabi.. naalala ko tuloy ang binulong kanina ni Jeshrell sakin.

"Mr Kiel is looking at us! He looks so jealous right now!"

Tiningnan ko si Sir Kiel..

"Are you.. jealous?" Tanong ko..

Namula ang puno ng tenga ni Sir Kiel..

"W-what?? Me? Jealous? Of course not!" Hindi siya makatingin sakin ditetso..

"Talaga ba? Eh bakit kung makareak ka para kang nagseselos?" Lapit ko pa sa kaniya na ikinaatras niya..

"I said no!" Tumingin siya mata ko kaya tinitigan ko siya sa mata..

"Hindi?.. Talaga?.. Bakit ang pula ng tenga mo?.. Wag mong sabihing natural yan dahil kahit tisoy ka hindi naman mapula ang tenga mo?"

Hindi siya makatingin sakin ng duretso kaya natawa ako at sinundot sundot ko ang kaniyang tagiliran at lalo pa siyang inasar pero napahinto ako ng bigla siyang sumeryoso.. bigla akong natakot dahil sa awra niya..

Napaatras ako ng dahan dahan siyang lumapit sakin..

Shit.. kanina lang ako ang nang-aasar ngayon nagkabaligtad na..

TWIN TRUE IDENTITY (Complicated Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon