CHAPTER 29 "Love"

60 0 0
                                    

TWENTY NINE

"Tintin.." hinawakan ni Mark ang dalawang palad ni Tintin at tiningnan sa mata.

"Hmn? Bakit?"

"Palit na uli kayo ni Kristel!" Mahinahong sabi ni Mark pero si Tintin ay biglang bumitaw at naging amazona na naman.

"Huh? Tanga ka ba? Hindi pwede trabaho yun ni Kristel gusto mo ba magalit sakin ng todo si Madam Auring este Madam Xynthia?" Napangiti si Mark ito ang nagustuhan niya kay Tintin ang palaban at parang manunuwag.

"Mali ang intindi mo Love.. gusto ko lang na ikaw na lang ang kasama ko sa bahay_"

"Wait! A-anong t-tawag mo.. sakin?" Napakamot ng batok si Mark at napangiti ng alanganin. Nahiya siya bigla dahil bigla niyang tinawag sa endrmearment na love si Tintin.

"Love!" Sabay iwas niya ng tingin na ikinangiti ni Tintin pero agad siyang sumimangot ng tumingin sa kaniya si Mark.

"Love?.. Agad agad? Di mo pa nga ako nililigawan Love agad?" Kunwaring sabi ni Tintin kahit deep inside ay kinikilig siya. Hindi naman kasi siya aware na tatawagin siyang Love ni Mark lalo na at ngayon lang sila nagkausap.

"Kailangan pa ba yun? Eh nag i love you too ka na nga sakin eh.. di ba sagot na yun?" Napangiwi si Tintin sa sinabi ni Mark napaisip siya baka pagpinagpilitan niya pa ay magbago ang isip ni Mark at iwanan siya kaya tumango na lang siya at pumayag. Niyakap siya ni Mark sa likod kaya malaya siyang nagumiti na hindi nakikita ni Mark.

"Kailan pala ako lilipat?" Mahinahon na tanong niya na para bang isang maamong bebe.

"Ngayon na!"

"Huh??" Sasagot pa sana siya ng biglang may tumikhim sa kanilang likuran kaya agad silang naghiwalay at doon ay nakita sila ni Nathan na nasa pinto na at may dalang 2 1.5 coke at isang plastik na toasted siopao na paborito ni Tintin.

..

"Ikaw ba yan.. Tintin?" Nag-aalinlangang tanong ni Yaya Bonnel sa kaniya ng makita siya nito.

"Ah.. hindi po si Kristel po ako!" Mahinahon at parang maamong tupang sabi ni Tintin.

"Ah.. pasensiya ka na Kristel.. yung damit mo kasi akala ko si_"

"Charrot!! Ako po ito Tita.. kayo naman hindi mabiro! Hahahah" sabay tawa ng malakas ni Tintin na halos buong bahay ay nabulabog dahil sa kaniyang tawa kaya napatawa na din si Yaya Bonnel at nakurot pa si Tintin sa singit na ikinatili nito.

"Hay naku.. kapag ikaw talaga ang narito Tintin ang ingay ng buong bahay! Hahah oh siya akyat ka na sa taas! Si Sir pala asan?" Tanong nito sa kaniya.

"Nagpark po ng sasakyan! Sige po Tita akyat ko po muna itong gamit ko!" Akmang iaakyat niya na ng pigilan siya nito.

"Ano ka bang bata ka.. ako na ang mag-aakyat! Sige na mauna ka ng umakyat sa taas!" Napangiwi si Tintin.

"Tita Bonnel alam kong maganda ka at baby face pero hindi noyo maitatagong may edad na kayo kaya hayaan niyo na akong magbitbit niyan dahil mas malakas pa ako sa kalabaw!" Natawa naman ng husto si Tita Bonnel dahil sa kaniyang sinabi at bahagya siyang hinampas dahil sa tuwa.

"Ikaw talaga.. bolera kang bata ka.."

Napailing na lang si Yaya Bonnel dahil nagpursigeng buhatin ni Tintin ang kaniyang maleta pero nakakailang hakbang pa lang siya ng may humawak sa kaniyang maleta kaya napatingin siya sa may-ari ng kamay na yun kahit alam niya kung sino yun.

TWIN TRUE IDENTITY (Complicated Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon