THIRTY FOUR
MARK ARDEL KIEL
Akala ko kapag umalis ako sa Pilipinas makakalimutan ko si Tintin. Akala ko mawawala ang pagmamahal ko sa kaniya. Pero bakit ganun?
Miss na miss ko na siya at para akong mamatay araw araw sa sobrang pagkamiss sa kaniya. Kaya para makalimutan siya araw araw akong laman ng bar para uminum at hindi ako titigil hanggang hindi ako nakakatulog.
I'm wasted because of fucking miss her. I'm fucked up! Bakit sa dami ng babaeng magugustuhan ko bakit sa kaniya pa?
I hate my Mom dahil nakipagdivorce siya kay Dad, i hate her dahil may anak siya sa iba pero simula ng dumating sa buhay ko si Tintin nakalimutan ko ang galit sa kaniya. Pero dahil sa nangyare, sa nalaman ko na kapatid ko pala ang babaeng mahal ko nanumbalik lahat ang galit ko kay Mommy.
Bakit?? Bakit pakiramdam ko ako ang pinaparusahan ng Diyos sa mga kasalanan ni Mommy?
Sahi ni Dad lukso lang daw ng dugo ang nangyare sa amin ni Tintin kaya napamahal kami sa isa't isa at yun ang hindi ko matanggap. Kung lukso lang yun ng dugo dapat makakamove on ako agad lalo na at malayo siya sakin. Pero bakit habang patagal ng patagal lalo ko lang siyang namimiss?
Hindi ako galit kay Tintin dahil tulad ko ay biktima lang din sila. Hindi sila nakaranas ng pagmamahal ng isang ina, maagang namatay ang umampon sa kanila kaya kulang sila sa pagmamahal. Tapos malalaman pa nila na magkapatid pala kami.
Tinanong ko si Ace at nalaman ko na tulad ko ay wasted din si Tintin. Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil mas inuna ko ang galit ko kesa kausapin siya.
Duwag ako.. sobrang naduwag ako.. hindi ako nagpakalalaki. Kaya maiintindihan ko kung hindi niya ako mapapatawad. Alam kong galit at hindi niya tanggap si Mommy bilang kaniyang ina dahil nabanggit sakin ni Ace na malaki ang galit ni Tintin sa tunay nitong magulang dahil sa pang-iiwan nito sa kanila.
Sino ba naman ang hindi magagalit kung bata pa lang ay iwanan na sila?
"MARK!! Are you going to help me with my company or not? You're always drunk at never ka pang pumunta ng company." Tanong sakin ni Dad, inumaga na kasi ako sa pag-inum sa bar kaya naabutan niya akong late ng umuwi.
"Sorry Dad.. not now!" Yun lang ang sagot ko dahil wala ako sa mood na makipag-usap sa kaniya lalo na at masakit ang ulo ko sabayan pa ng wala akong tulog.
Narinig ko pa ang marahas niyang pagbuntong hininga.
Agad kong hinagsak ang katawan ko sa kama matapos kong magshower dahil gustong gusto ko ng matulog.
Pilit kong ipinikit ang mata ko pero ang masayang mukha lang ni Tintin ang nakikita ko at ang pagiging amazona niya ang palaging nagp-play sa utak ko na ikinangiti ko.
I really miss her.. i want to go back to hug and kiss her like we used to do when were in a relationship back then.
But how? Were siblings.. sinumpa ko pa naman noon na hinding hindi ko tatanggapin ang mga kapatid ko kapag dumating ang time na ipakilala ni Mommy ang mga ito. Pero lahat yun ay kinain ko dahil hindi ko kayang magalit sa kanila lalo na at biktima lang din sila. Kung tutuusin sila pa itong nakaranas ng masaklap na buhay dahil wala silang kinilalang mga magulang.
That's why i really hate my Mom. Hindi siya nagpakaIna kanila Tintin at Kristel. Buti kinaya niya na iwan at ipamigay ang kaniyang mga anak sa ibang tao na para bang mga hayop lang.
Iminulat ko ang mata ko at tumitig sa kisame. Hindi na naman ako makatulog.. lagi na lang siyang laman ng isip at diwa ko.
Kailangan ko ng pamapatulog. Bumangon ako at pumunta sa bar room ni Dad para kumuha ng wine at itinakas yun.
BINABASA MO ANG
TWIN TRUE IDENTITY (Complicated Story)
Roman d'amourKristel and Kristine are twin sisters. Their dream is to have a happy and complete family even though alam nila na malabong mangyare iyon dahil malalaki na sila at mananatili lang yung pangarap para sa kanila. Kristel works in Kiel company as a Secr...