CHAPTER 10 "Gusto ko siya"

73 1 0
                                    

🗣️📣Next update!!! Don't forget to FOLLOW me po para lagi kayong updated sa mga new chapters and novels ko po.. *^_^*

..

TEN

KRISTINE/TINTIN POV

"Alam mo minsan naiisip kong hindi  fair ang mundo.."

nakatingin lang si Ace sakin habang pinaiikot ikot nito ang wine sa kaniyang baso.

"Kasi kami ni Kristel pinagkaitan ng tadhana na maranasan ang magkaroon ng mga magulang.. pinamigay lang kami dahil bunga lang kami ng maling relasyon.." Napangiti ako ng mapait habang nakatingin sa malayo. Ayokong magpakitang mahina sa iba pero pagdating kay Ace lahat ng alalahanin ko ay nawawala. Feeling ko mapagkakatiwalaan ko siya. Siya ang tipo ng kaibigan na hindi ka ilalaglag, malalapitan mo sa oras na kailangan mo siya at good listener tulad ngayon. Nakikinig lang siya sakin habang nakatingin lang sakin without pity, without pretending, at higit sa lahat walang panghuhusaga.

"Hindi ko malilimutan ang narinig kong pakikipag-usap ni Papa sa cellphone noong 15 years old pa lang ako.."

FLASHBACK!!!

"Ano?"

"Pasensiya na po pero hindi ko kayang sabihin sa mga anak ko na ipinamigay sila ng kaniyang mga magulang dahil sa maling relasyon."

"Mas okay ng alam nilang ampon ko lang sila kesa sa gusto niyong mangyare.."

"Sorry po pero mahal ko silang dalawa.."

"Hindi dahil ayaw ko silang masaktan.."

"Okay lang po.. mas okay ng magsinunghaling ako sa kanila kesa sabihin ang gusto niyo!"

"Ako na pong bahalang magpalaki sa kanila.."

"Apelyido ko na ang gamit nila kaya nay karaoatan akong magdesisyon para sa kanila."

Matapos niyang marinig iyon ay hindi siya nagpahalata sa kaniyang papa at kay Kristel.. sinarili niya lang ang kaniyang mga nalaman.

Malinaw na sa kaniya ang lahat..

Mahal na mahal sila ng kaniyang Papa Jano kaya naiintindihan niya na mas ninais nitong magsinunghaling kesa masaktan at madurog sila sa katotohanang hindi sila gusto ng totoo nilang mga magulang.

Hindi niya pinaalam sa kahit kanino ang kaniyang narinig buhat sa kaniyang papa Jano.

Sinarili niya iyon at hindi sinabi sa kakambal tulad ng rason ng kaniyang papa Jano mas pipiliin niyang ilihim ang totoo kesa maghisterical at masaktan ang kaniyang kambal na si Kristel.

Ganun siguro talaga kapag mahal mo ang isang tao gagawin mo lahat kahit ang magsinunghaling wag lang itong masaktan.

END OF FLASHBACK!!!

THIRD PERSON POV

Napabuntong hininga siya ng malalim bago muling tumingin kay Ace at itinuloy ang gusto niyang sabihin.

"Samantalang yung dalwang kapatid mo swerte sa pamilya pero pinagkaitan naman ng tadhana na maranasan iyon."

Nalungkot siya sa isiping iyon, nakita niya kung paano kumislap ang mga mata ni Ace na nagbabadya ng pagluha, kita niya ang sakit at lungkot sa mga mata nito.

Naisip niya habang nakatingin sa binata ano kaya ang buhay ng dalwang kambal ngayon?

Magkahiwalay kaya sila o magkasama? Hiniling niya na sana ay magkasama ito at hindi sila pinaghiwalay. Masakit mawalay sa kapatid lalo na kung dalawa na lang kayong natitira. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng pagkaawa para sa kapatid ni Ace. Siguro dahil may pagkaparehas ng status sa kanila, ang kaibahan lang silang dalwa magkasama paano kung yung kapatid niya ay nagkahiwalay at napunta pa sa masamang tao?

TWIN TRUE IDENTITY (Complicated Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon