TWENTY SIX
"Kristel.. please behave okay? Lagi mo akong i-update sa mga nangyayare dito, especially kay Mark..you know how stubborn he is.. " paalala ni Madam Xynthia kay Kristel dahil ito na ang araw ng balik nila sa states.
"Yes, mamo.. you can count on me!" Siguradong sagot ni Kristel kahit na ang totoo ay hindi na niya alam kung kaya pa nga ba niyang ihandle si Mark lalo na ngayon..
"You bitch.. i know na nagbabait baitan ka lang because Mamo is here.. be carefull dahil hindi habang buhay na gugustuhin ka ni Mark.. iiwan ka din niyan kapag nagsawa na siya sayo at maghahanap ng iba." Namutla siya dahil napakaangas magsalita si Raffa.. walang nakaka-alam na marunong itong magtagalog.. tanging siya lang..
Hindi siya nagsalita dahil wala naman siyang mahagilap na sasabihin..
..
Araw ng sabado walang office hour pero maaaga pa ding gumising ng maaga si Kristel at nagluto ng pagkain ni Mark dahil wala ang kanilang kasambahay dahil day off nito..
Matapos niyang magluto ay naglinis na siya ng bahay.. alam niyang maya maya pa ang gising nito kaya siniguro niya na tapos na niya ang lahat bago siya pumanhik sa taas para hind sila magpang-abot ni Mark.
Nasa kalagitnaan siya ng paglilinis ng biglang may magdoorbell sa labas, nagtataka man ay kaniya itong binuksan wala namang nasabi sa kaniya si Mark na may bisita ito pati ang kaniyang Mamo kaya sino naman kaya ang tao sa labas?
"Hi Good morning!" Nakangiting bati sa kaniya ng isang blande ang buhok at matangkad na lalaki kaya napakunot ang noo jiya lalo na ng makita ang tatlong lalaki..
"Good morning.. sino po sila?" Magalang na tanong niya, nagkatinginan ang tatlo na lalo niyang ikinakunot noo..
Ano bang nangyayare? Sino ba sila? Bakit sila narito? Kilala ba sila ni Tintin? Tanong ni Kristel sa kaniyang sarili..
"Are you sick? May ginawa ba sayo si Mark?" Napangiwi siya dahil sa O.A na tanong sa kaniya ng isang matangkad din lalaki na may tattoo sa kamay.
Hindi siya nagsalita pero ang mga ito ay nagdire diretso ng pumasok kaya hinarangan niya ang mga ito.
"Wait.. sorry Sir pero hindi po kami basta basta nagpapasok ng kung sino sinong tao.. pwede ko po bang malaman kung sino po sila!" Kita niya ang lalong pagkunot ng noo ng mga ito at pagngiwi..
"May sakit ka ba Kristel? Ano bang nangyayare sa iyo?"
Hala kilala nila ako.. Ibig sabihin kilala sila ni Sir Mark! Bulong ni Kristel sa kaniyang sarili..
"Oo nga.. don't tell me nagkaamnesia ka kaya di mo na kami kilala?" Bubuka pa lang sana ang kaniyang bibig ng magsalita na naman yung isa kaya hindi na siya nakasingit sa usapan ng mga ito..
"You look weird.. honestly this is the first time that you call us Sir! Di ba bro?" Tangi tango ang iba at nagsalita na naman ang isa na nakapangalumbaba pa.. napaurong si Kristel ng lumapit sa kajiya ang isa at titigan siya sa mata kaya napaiwas siya ng tingin..
Nakakainis.. ano bang ginagawa nila?
"Right.. hindi na siya maangas.. baka nga something happened!" Sabay tayo nito at namulsa.. nakatingin sa kaniya ang lahat kaya naisip niyang gumawa ng paraan para maalis sa kaniya ang tingin ng mga ito at maiba ang topic dahil hindi niya kaya ang mahot seat tulad nito.
"Ah.. haha joke lang kayo naman hindi mabiro.." nanatiling nakatingin lang sa kaniya ang tatlo dahil ang tawa niya ay awkward at halatang pilit. Kumbaga walang naniwala sa joke niya..
BINABASA MO ANG
TWIN TRUE IDENTITY (Complicated Story)
RomanceKristel and Kristine are twin sisters. Their dream is to have a happy and complete family even though alam nila na malabong mangyare iyon dahil malalaki na sila at mananatili lang yung pangarap para sa kanila. Kristel works in Kiel company as a Secr...
