THIRTY TWO
"Hindi ako ang may kailangan kundi ikaw.."
"pumunta ka sa address na binigay ko sayo kung gusto mo pang makita ng buhay ang kambal mo!" Hindi pa ako nakakasagot ng agad niyang patayin ang tawag.
Tang*na talaga..
Agad akong tumakbo sa closet ko at kinuha ang ninja suit ko. (Makikita sa taas po ang picture)
Wala akong sinayang na oras dahil agad akong tumakbo palabas at hindi na nakapagpaalam pa kay Tita Bonnel.
..
KRISTINA'S POV
Nagbabalak na akong umuwi sa Pilipinas dahil gusto ko ng makita ang mga anak ko especially my Son Mark Ardel. Hindi ako manhid para hindi maramdaman na malamig ang pakikitungo niya sakin noon pa man kesa sa kaniyang ama.
Namimiss ko na siya pero sa tuwing yayakapin ko siya at lalambingin ay umiiwas siya sakin. Hindi na siya ang dating sweet at malambing na bata at yun ang pinakanamimiss ko sa kaniya.
Nabaling ang atensyon ko sa private cellphone ko ng tumunog yun.
Rigor calling..
"Anong balita?" Bungad na tanong ko kay Rigor. Si Rigor ang isa sa mga tauhang pinagkakatiwalaan ko sa lahat. Siya lang din ang tanging taong nakakaalam tungkol sa nga anak ko.
"Bad news! Ma'am! Nasa kamay na po ng ex husband niyo ang mga anak niyo!"
"ANO??" bigla akong tayo dahil sa narinig ko at napakuyom ang palad. Kilala ko ang asawa ko alam ko kung ano ang kaya niyang gawin kahit na mga bata pa ang mga ito. Kaya hindi ako makakapayag na malapatan ng palad niya ang mga anak ko dahil hinding hindi ko siya mapapatawad..
"Rigor! Alam ko na kung ano ang dapat mong gagawin. Uuwi ako ngayon din diyan sa Pilipinas! Wag niyong aalisan ng tingin ang demonyong yun! Tawagan ang lahat ng ating kasamahan dahil lalaban tayo kung kinakailangan!"
"Yes Ma'am masusunod!"
..
ACE POV
Hindi kami lahat mapakali sa bahay ni Mark. Nandito kami ngayon dahil tinawagan ako ni Mark kung kasama ko daw si Tintin sabi ko wala tapos sinabi niya sakin na nawawala daw si Tintin pati na ang kakambal nitong si Kristel.
Hinack na namin ang kani-kanilang mga cellphone mabuti na lang talaga at nakaconnect ang cellphone ni Tintin sa phone ko kaya hindi kami nahirapang I-hack yun.
"Anong ginagawa nilang dalawa sa lugar na yun?" Tanong ko dahil base sa google map ay malayo na sila sa kabayanan. Magubat doon na parte at meron lang isang lumang building na nakatayo pa 23 years na ang nakakalipas.
Kita ko ang sobrang pag-aalala ni Francis at Mark.
"Kanina tinanong ako ni Tintin kung nakauwi na daw ba si Kristel at kung sinundo ba ni Francis sabi ko hindi ko alam tapos bigla niya akong pinatayan. Akala ko naman wala lang yun.." bakas sa kaniyang mukha ang pagsisisi na hindi niya binigyang pansin ang mga tanong ni Tintin
"Tinawagan din ako ni Tintin tinanong niya ako kung nasan ako at kung kasama ko si Kristel nung sinabi kong hindi ay bigla siyang nagmura at pinatay ang tawag." Sabi naman ni Francis kaya napahilamos na lang ako.. kilala ko si Tintin madiskarte ito at hindi mahilig magtago ng tunay niyang nararamdaman, hikig niyang sarilinin ang kaniyang problema tulad ngayon. Tumawag na pala siya sa dalawa pero bakit hindian lang niya nagawang huningi sa amin ng tulong.
BINABASA MO ANG
TWIN TRUE IDENTITY (Complicated Story)
RomansaKristel and Kristine are twin sisters. Their dream is to have a happy and complete family even though alam nila na malabong mangyare iyon dahil malalaki na sila at mananatili lang yung pangarap para sa kanila. Kristel works in Kiel company as a Secr...