CHAPTER 25 "i love you too"

70 1 0
                                    

TWENTY FIVE

THIRD PERSON'S POV

Gaya ng ipinangako ni Tintin pumunta siya sa hospital para bantayan si Francis.

Pagdating niya doon ay nakaratay pa din ito sa higaan kaya napabuntung hininga na lang siya.

"Alam mo ikaw? Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito!" Sisi niya sa walang malay na si Francis.

"Kung hindi ka sana nagpabunggo o kundi dahil sa katangahan mo, hindi sana kami parehas nahihirapan ni Tintin ngayon!" Kausap niya pa din kay Francis na para bang naririnig nito ang kaniyang mga sinasabi. Tumalikod siya at pumeyawang.

"Alam mo pasalamat ka mahal ko ang kambal ko dahil kung hindi? Baka tinuluyan na kita!" Naisip niya na kung hindi siguro nabunggo itong si Francis baka hindi niya nakilala si Mark Ardel na nagpabago ng buhay niya. Hindi sana niya naramdaman ang panliliit at pag-uyam sa kaniya ni Madam Xynthia.

Kaya ngayong nakikita niya si Francis lalong uminit ang ulo niya.

"Alam ko na nagtutulog tulugan ka lang.."

"kaya sinasabi ko sayo kapag hindi ka pa gumising ngayon tutuluyan na talaga kita!"

"Sorry!" Mabilis na napalingon si Tintin kay Francis ng marinig niyang magsalita ito.

Para siyang nakakita ng multo ng makitang nakaupo na si Francis sa hospital bed.

"Teka?" Inangat ni Tintin ang kaniyang kamay na para bang nagloloading at nagpaprocess pa ang nangyayare..

"So all this time gising ka?" Hindi pa din nakakamove ong tanong ni Tintin.

Rumihestro ang gulat sa mukha ni Francis ng sabihin iyon ni Tintin.

"I thought you know that i.."

"Tang*na ka.. ituloy mo dahil kung hindi tutuluyan talaga kita ngayon! Hindi ako nagbibiro!"

malaki ang takot ni Francis kay Tintin dahil alam nito kung ano ang kayang gawin ni Tintin.

"I thought.. you know that i was.. not in a coma?"

Halos umusok ang ilong ni Tintin sa kaniyang narinig kaya agad niyang hinigit ang kwelyo ni Francis at pinagsusuntok sa mukha. Hindi ito gumanti, hinayaan lang siya nitong gulpihin siya ni Tintin.

Dumugo ang ilong at labi ni Francis namaga din ang kilay at panga nito saka lang tumigil sa pagsuntok si Tintin. Inilabas niya lahat ng galit niya rito, sinisisi niya si Francis sa lahat dahil bukod sa nagsinunghaling ito, niloko at pinaglaruan lang nito ang kaniyang kapatid. At yun ang ikinagagalit niya ng sobra.

Hingal na hingal siyang napaupo sa sahig.

"I'm sorry!" Mahinang hingi ng paumanhin ni Francis sa kaniya na ikinasingkit lalo ng mata niya.

"Tang*na.. may magagawa pa ba ang sorry mo ngayong nangyare na ang lahat?" Gusto pa sanang sipain ni Tintin sa mukha si Francis kundi niya lang iniisip na pwede siyang makasuhan.

"Hindi ka lang pala tanga kundi bobo ka din! Pinag-alala mo ng husto si Kristel! Nakipagpalit pa siya sakin para lang sayo alam mo ba yun? Mas pinili ka niya kesa sa trabaho niya! Siya na nagtitiis at nag-aalala kung paano kukuha ng pambayad sa hospital bill mo, tapos.. ikaw pasarap ka lang dito?" Hindi na napigilang isumbat ni Tintin kay Francis dahil naalala niya kung paanong umiyak si Kristel sa sobrang pag-aalala.

"I know.. and i have my reasons kung bakit ko yun ginawa!" Napapikit ng mariin si Tintin sa sobrang pagkainis kay Francis.

"puro ka yabang sige nga.. Ngayon sabihin mo sakin, paano na ang bayarin mo dito sa hospital Huh? Ni wala ka ngang trabaho!" Inis na sabi ni Tintin gayong wala naman itong trabaho.

TWIN TRUE IDENTITY (Complicated Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon