Kristel and Kristine are twin sisters. Their dream is to have a happy and complete family even though alam nila na malabong mangyare iyon dahil malalaki na sila at mananatili lang yung pangarap para sa kanila.
Kristel works in Kiel company as a Secr...
Hello po sa mga matiyagangnagbabasa... 🗣️📣New Update!!!
..
ONE
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
🎗️Picture not mine..
..
THIRD PERSON'S POV
Kristel and Kristine are twin sisters. Their dream is to have a happy and complete family even though alam nila na malabong mangyare iyon dahil malalaki na sila at mananatili lang yung pangarap para sa kanila.
Kristel works in Kiel company as a Secretary and personal Assistant of Madam Xynthia but this time his Grandson Mark Ardel na ang papalit pansamantala sa kaniyang posisyon as a C.E.O para pag-aralan ang pagpapatakbo ng kompanya na galing pa sa amerika.
Ngunit sa kasamaang palad ay nakaaksidente ang boyfriend nitong si Francis at isa lang ang naisip niyang paraan at yun ay ang pagpanggapin ang kaniyang kambal na si Kristine bilang siya sa harap ng apo nito.
"Please! Sige na Tintin, pumayag ka na magpanggap bilang ako.. i'll promise babawi ako hindi ko naman kasi pwedeng pabayaan ang boyfriend kong nasa hospital."
Pakiusap ni Kristel sa kambal na si Kristine. Tintin ang nakasanayang tawag nila kay Kristine dahil magkatunog ang kanilang pangalan.
May misyon kasi na binigay sa kaniya ang boss niyang si Madam Xynthia na siya ang magiging Personal Assistant ng apo nitong parating galing sa amerika na si Mark Ardel.
Kaso sa kasamaang palad ay naaksidente ang kaniyang boyfriend kaya naisip niyang pagpanggapin muna ang kaniyang kambal hanggang hindi pa nakakalabas ang boyfriend niya sa hospital.
"Ano?? Kristel naman?? Bakit naman ako? Alam mo namang may laro ako di ba?" Inis na sabi ni Kristine.. nagtataka siguro kayo kung anong laro ang tinutukoy ni Kristel.
Isa kasi siyang basketbolista bukod don ay siya din ang coach ng kanilang baranggay kaya hindi siya pwedeng mawala..
"Ehh.. sige na.. alam mo namang walang ibang kamag-anak dito si Francis.. at saka hindi naman magtataka yung Apo ni Madam Xynthia kasi magkamukha naman tayo! Sige na please! Huh?" Pangungumbinsi pa din ni Kristel..
"Bakit kasi hindi mo na lang pabayaan ang boyfriend mong batugan na yan? Wala namang naitulong sayo yang batugan na yan kundi sakit sa ulo.. alam mo Kristel masamangdamo yang boyfriend mo kaya hindi yan mamatay_" tumigil siya sa pagsasalita ng makitang humihikbi na ang kaniyang kambal.. napakamot siya sa kaniyang ulo at napahilamos dahil sadyang napakaiyakin ni Kristel bukod kasi sa mahinhin at mahiyain ito ay ubod pa ng sensitibo..