Jax POV ..
Sabado ngayon , walang gagawin , natapos ko narin lahat ng assignment , pero mamaya pupunta ako sa University para tumulong sa pag aayos ng Book shelf , Hmm .. pero mamaya pa naman iyon , baka siguro tutulong muna ako kay Kuya sa pag titinda ng mga Inihaw niya !! si Insan naman Umuwi sa bahay nila , sa bahay ni Tita Venice , dito lang naman siya nakatira dahil nga mas malapit dito sa bahay namin ang University ..
" Jax wala ka bang lakad ?" nakita ko si Kuya na nilalabas na ang mga iihaw niya na galing sa Fridge ,
" wala kuya , tutulong nalang ako sayo " sabi ko sa kanya !!
" ah ganun ba ?? hmm siguro may ipapagawa nalang akong iba sayo Jax , pumunta ka sa Address na to " tapos may kinuha siya sa wallet niya na maliit na papel !! pag ka abot niya nito kinuha ko iyon at tumingan sa kanya !!
" anong gagawin ko dito ?" sabi ko kay Kuya , may kinuha ulit siya sa Dura box niya na isang sobre , at inabot saakin ..
" Ibigay mo ito sa kanila .. " tinignan ko yung sobre na inabot niya saakin , bubuksan ko sana kaso nagsalita ulit si Kuya ,
" pagkatapos umuwi ka kaagad , wag kana pumayag kapag pinag stay ka pa nila .." sabi niya saakin na diretsong nakatingin saakin !!
" bakit ?" tanong ko naman ! para kasing ang rude naman kung yayain akong pumasok tapos tatanggi ako !!
" basta jax , ... Aysshhh wag nalang kaya " napakamot sya sa ulo niya na parang nag iisip , kukunin niya na sana saakin yung sobre pero inilayo kona ito , minsan lang ako may maitulong kay Kuya !!
" Ako na sige na , mag bibihis lang ako , baka naman love letter lang to ^__^" pang aasar ko sa kanya kaso hindi siya ngumiti , parang namomroblema pa yung muka niya !! hmmpp ..
Pumunta na ako sa cr para mag bihis , at kinuha na ang Hand bag ko nilagay ko doon yung sobre at yung address , nagpaalam na ako kay Kuya na aalis na ako at sabi niya mag iingat daw ako at paulit ulit na hinahabilin saakin yung wag daw akong papayag kung alukin ako nang kung ano .. hindi ko maintindihan kung bakit pero makikinig nalang kay Kuya ,
Pumara na ako ng pedicab , ayoko kasing mag Taxi :D .. sayang sa pera , nasa loob ako nang pedicab at sinabi na iahatid ako sa Bus Station , mag cocommute nalang ako .. habang nasa loob ako ng pedicab nakita ko ulit yung sobre na pinapa abot saakin ni Kuya , sinilip ko iyon at nagulat ako ..
" pera ?" banggit ko , may 12k na laman yung sobre , ano to ?? may tinutustusan ba si kuya ?? pero wala naman siyang nabanggit ?? hindi kaya pinag kaka utangan ?? napakamot ako sa ulo ko habang nag iisip , may nakita pa akong papel sa loob na nakatupi , kinuha ko iyon at binasa , sorry kuya kung nagiging pakelamera na ako , pero para saan tong pera ??
Binuklat ko ang Papel na nakasingit sa pera , lumaki yung mata ko sa nabasa ko ..
BINABASA MO ANG
My Girlfriend For 100 Days : Their Story
Teen FictionWhat will happen if The Bobo Meets The Gago ??? What if the Poor meets the Rich ..? Matututunan ba nilang mahalin ang isat isa ?? Does their relationship will turn out to be a happily ever after , like cinderella meet a prince charming or ... its j...