MGFF1D : 32

788 20 0
                                    


--

JAX'S POV

" Anyare sa mata mo " salubong saakin ni Bea . diba ngat sabi ko sa inyo na magkaka room mate kami ngayon , at heto ako Dalawang sako ng Eyebag sa mata ko .. hindi ako nakatulog sa kakaisip kay Insan , tapos idagdag mo pa yung litsing puso ko na walang ibang ginawa kundi hanapin si Brylle bwisit ang O.A Kona ...

" tss , kape " sabi ko kay Bea , na nag totoast ng Bread .. agad naman niya inabot saakin yung tasa ng Kape , naka timpla na ...

" Nga pala Jax , nagyaya si Nathan , dadalawin daw natin si Shanice sa Infinity Hospital kung gusto mo daw bang sumama " sabi niya saakin habang nag papalaman ng toast niya .. Yun yung Hospital na pinaglipatan kay Insan kagabi , at andun din si Sheen hindi pa ako nakakapag salamat sa ginawa niya ...

" sige sasama ako " sabi ko at tumayo na para maligo at mag ayos .. tumingin ako sa salamin ...

-

@Infinity Hospital ..

" Tita " salubong ko kay Tita Venice , sa labas ng kwarto ni Insan ... halata ding puyat na puyat siya ang ang dami ng pinagdaanan niya .. nasasaktan din ako gaya ni Tita .. Agad naman siyang tumakbo papunta saakin at niyakap ako ..

" Jax " sabi niya habanag lumuluha ...

" ano pong nagyare tita ??" tanong ko .. dahil nag aalala na talaga ako .. kumalas na si Tita sa pagkakayakap saakin .. at humarap saakin ..

" Nasa loob sila ni Shaun , sasabihin na daw ni Shanice ang totoo " sabi niya !! papasok sana ako pero biglang hinawakan ni Nathan ang Kamay ko .. kasama din namin sila Tyler , Bea at .. Brylle .. umiling si Nathan na nagsasabing hayaan ko silang dalawa ..

" baka kasi kailangan tayo ni In- " pinipigilan kong hindi maiyak .. agad namang lumapit si Tyler at niyakap ako ... pero ..

' TABI .. AKO YAYAKAP SA KANYA " Tumingin ako ng masama kay Brylle agad naman niyang hinila palayo saakin si Tyler at siya ang yumakap . -_- seriously hanggang dito dadalhin niya yang pagkaisip bata niya -_- ... hindi niya pinansin ang masamang tingin na pinukol ko sa kanya .. at agad naman niyang hinampas sa dibdib niya ang ulo ko ..

" Wag ka ngang umiyak uhugin ka .." hinampas ko siya pero hinigpitan niya lang yung yakap niya , kaya naman heto ako iyak tawa sa ginagawa niya !! hindi ko alam na makakatawa pa ko , sa mga nangyayare ngayon ..

" tara punta tayo kay Sheenatot " sabi niya , tumingala ako at tumingin kay Tita , nakangiti lang siya saamin , at tumango lumapit ako sa kanya at yumakap , at hinalikan siya sa pisngi .. tumungo naman kaming dalawa lang ni Brylle sa kwarto ni Sheen ... nagpaiwan sila doon .. napansin kopa sa mga mata ni Tyler na nalungkot siya ... pakiramdam ko wala akong magawa ...

nakarating kami sa kwarto ni Sheen , pinihit ni Brylle ang pinto para saakin .. at ayun nakita ko si Sheen na nagbibihis na , na mukang ayos naman na siya , ngumiti siya saakin , kaya lumapit ako sa kanya at yumuko ..

" Sheen sorry sa -- " hindi kona natuloy ang sasabihin ko kasi niyakap na niya agad ako ..

" Instead of Sorry , why just Thank me Then " sabi niya !! ngumiti ako sa kabila ng mga yakap niya , at tumango .. at infernes , hindi umepal tong si Brylle ..

" Thank You Sheen the sheep " sabi ko habang tumatawa pa ... napatingin ako sa kanya !! na nakatingin lang saakin . Ok may nasabi ba akong mali ?? >_>

" naalala muna?" tanong niya !! huh ??? naalala ang alin ?? kumonot ang noo ko sa tanong niya , agad naman siyang umiling at ngumiti saakin !! ok ang weird ..

My Girlfriend For 100 Days : Their StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon