MGFF1D : 42

632 21 1
                                    


----

" Tyler " andito ako sa park .. lagi naman inaalala ko parin hanggang ngayon si Janine , 1 week na ang nakalipas wala paring balita ... Tungkol sa mga nawawalang bangkay ...

"Jax " salubong ko sa kanya ang mga magulang kasi ni jax yung na assign sa paghahanap sa mga survivor ng lumubog na cruise-ship ng pamilya nila Janine ,, mga pulis ang mga magulang ni Jax ... lumapit siya saakin ang laki ng ngiti niya sa mga labi ..

" nahanap na sila ,. yung mga magulang ni Brylle kasama nila si Janine " masayang sabi niya agad naman akong napatayo at napangiti ..

" Talaga ?? kelan sila pupunta dito ayos lang ba sila ? si Janine ?? kamusta siya maayos ba siya ?" sunod sunod kong tanong sa kanya !! medyo nawala yung ngiti niya pero ngumiti ulit sya !!

" Ah Oo , walang problema kay Janine . susunduin nga namin siya mamaya eh hindi siya nagka amnesia or something safe siya kaso nagka phobia daw siya sa tubig yun ang sabi nila mama saakin " may phobia si Janine sa tubig ?? pero nakaalala siya .. pero ang importante uuwi na sila mamaya ..

" pwede ba akong sumama ??" tanong ko ..

" ano kaba hindi pwede .." sabi nya sabay gulo ng ulo ko ..

" hindi na kasya kasama din kasi si Kuya !! at tatlo pa sila maliit lang yung Sasakyan ni papa mag antay ka nalang makikita mo narin siya " sabi niya !! at niyakap ko siya sa sobrang saya ko na malaman na babalik na si Janine .. yumakap naman agad saakin si Jax ..

" Tyler " sabi niya ..

" hmm ??" sagot ko habang mag kayakap kami ..

" mahal na mahal kita at lahat gagawin ko maging masaya kalang " sabi niya !! gusto kong bumitaw sa yakap para tignan siya dahil may pumapatak na mainit na likido sa likod ko baka umiiyak siya ..

" Jax , mahal ... mahal ... din kita " sagot ko at yumakap lang siya tapos bigla nalang tumakbo .. nung nasa malayo na siya humarap siya at nagpunas ng muka ..

" IBABALIK KO SIYA TYLER " Sigaw niya at kumaway na ulit .. salamat Jax kasi andyan ka ...

--

8-hrs later

andito ako sa bahay nag aantay ng balita kay Jax hindi pa kasi sila umuuwi sabi niya rin saakin pupunta nalang siya sa bahay kapag dumating na sila janine .. kaya eto ako nag aantay sa labas 11pm na nang gabi wala parin kinakabahan nako ..

" anak pasok na " sabi saakin ni Manang .. tumango ako at pumasok nalang ..

" balita dalawang pamilya ng isang sasakyang pampulis na nalaglag sa bangin papuntang manila patay .. at walang nakaligtas .." narinig ko yun sa sala kung saan nanunuod si alys . lumapit ako sa kanya para sana yayain siyang umakyat na nang kwarto ng mahagip ng mata ko ang night news .. sii ... si .. tumulo yung mga luha sa mata ko ng ipakita sa screen ng tv ang ...

Mga Namatay sa Aksidente

*Baron Oxford

*Alliah Oxford

*SPO2 Jaycee Alvarez

*SPO1 Jaydee Alvarez Sr.

*Patrice Janine Leondale

Nakaligtas

*Jaydee Alvarez Jr.

yan yung sabi sa tv . , eh tangina yung mga larawan doon yun larawan ni Jax ... yung larawan niya ... siya yung hindi na indentify pero may malinaw na larawan niya .. w-w-wala na siya ?? para akong pinatay .... mas masakit to sa naramdaman ko ng malaman kong wala na si Janine ... shit !!! shitt !!!!!! yung mga magulang ni Brylle .. sila Tito Baron at Tita Alliah patay na . at mga magulang ni Jax pero bakit pangalan ni Janine ang nandoon at hindi pangalan ni  Jax ???.. hindi pumasok sa isip kong hanapin kung nasaan si Janine dahil nong makita ko ang larawan ni Jax agad akong sumugod sa hospital at confirm ... yung damit na suot ni Jax bago siya umalis at yung singsing na binigay ko sa kanya noon .... tanginaaa!!!! PUTANGINA ANG SAKIT ,,...

---

A/N : Ok nalilinawan naba kayo ??? kaway kaway xDD hahahaha !! Yeap . so may idea naman na siguro kayo ^u^ namatay yung batang Jax sa tragedy car accident which is yung dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ng ating jax sa presence .. still buffering into your minds ?. abangan ang next UD ^u^ 


My Girlfriend For 100 Days : Their StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon