PROLOGUE

653 12 0
                                    


IMEE'S POV

Kakauwi ko palang galing sa university ko, ngayon ay araw ng sabado at bibisitahin ko sila mama sa trabaho nila. Nagdala ako ng mga pasalobong para sa kanila at dumeretso na ako sa rest house ni Don Francisco, ang amo ng mga magulang ko at pagkadating ko ay agad naman akong pinapasok dahil kilala naman nila ako.

"kuya nakita nyo ba sila mama?" tanong ko sa hardenero

"oo, nasa baba kausap si sir" sagot nito, ngumiti lang ako sa kanya at nagtungo na ako sa baba dun sa may hacienda at dun ko nakita sila mama at papa na naka tambay kasama ang boss nila.

"ma! pa!" sigaw ko at lumapit sa kanila

"Imee!" agad nila akong niyakap
Inabot ko naman sa kanila ang dala kong pagkain.

"may dala po ako sa inyo" saad ko at binuksan ang plastic bag

"ano yan hija? Pinakbetpizza?!"
tanong ni Don Francisco na ikinangiti ko

"opo!" masiglang sabi ko

"oh ano pang hinihintay natin? kain na!" saad nya, nagtungo naman kami sa isang maliit na lamesa dito sa labas at dun kami kumain.

"ma, si Nathan po?"
"may pasok" sagot ni mama

"ma, pa, ito nga po pala...may naipon ako" saad ko at kinuha ang wallet ko at binigyan sila ng panggastos

"anak, mas kailangan mo yan, sakto naman ang natatanggap namin ng papa mo, dapat nga kami ang nagbibigay sayo diba?" medyo natawa si mama dahil sa sinabi nya

"oo nga anak, magtira ka naman para sa sarili mo" ani naman ni papa

"nako, napaka swerte nyo naman sa unica hija nyo..." puri ni Don Francisco na ikinangiti ko

"kaya mahal namin to eh" sabi ni mama at pinisil pa ang pisnge ko

"ano hija, kamusta naman pag aaral mo?" tanong ni Don Francisco

"maayos naman po, dalawang semester nalang makakapagtapos na po ako"

"sabihin mo lang ha kung may kailangan ka, handa akong tumulong sa'yo hija"

"nakakahiya naman po sa inyo"

"ngayon ka pa mahihiya eh maliit ka palang palagi ka nang nandito" saad nya na ikinatawa naming lahat

Malapit talaga sa amin si Don Francisco, kahit sya ang boss dito, mabait sya sa kanyang mga tauhan at mapagbigay...lahat pinakikisamahan nya ng mabuti at pantay-pantay ang pakikitungo nya.

Palagi nya akong inaalala, tila pangalawang ama...mag isa nalang kasi sya sa buhay at wala syang karamay kaya kami ang palaging nasa tabi nya kaya ganon nalang sya kabait sa mga tauhan nya at lahat sila ay nagpapasalamat na naging amo nila si Don Francisco.

"hija, halika" pagtawag niya
Lumapit naman ako kay Don Francisco habang sila mama naman ay bumalik na sa trabaho.

"ano po yun?"
Umupo ako sa dabi nya dito sa ilalim ng puno.

"gusto ko lang magpasalamat" saad nya

"ako nga po dapat ang magpasalamat sa inyo eh, napaka bait nyo po sa amin at hindi kayo matapobre"  saad ko na ikinatawa nya

"hmm teka lang hija, tatawag lang ako sa mansion" paalam nya at tumayo muna bago tawagan ang tauhan nya sa mansion.

Hindi kasi sya dito nakatira. Rest house lang nya ito para sa trabaho at negosyo nya pero dun parin sya umuuwi sa mansion nila. Pero hindi ko alam kung saan yun.
Di kalaunan ay bumalik na din sya at umupo sa tabi ko.

"hayy..." huminga sya ng malalim
"ilang taon kana?" biglang tanong nya

"22 po" magalang na sagot ko

Your Deadly Kiss Where stories live. Discover now