Lumipas ang mga araw, at nagiging matagumpay ang plano ko. Nagiging malapit sa akin yung mga kasambahay at mga tauhan, at si Rod naman ay pumapayag na lumabas ako ng kwarto pero hanggang garden lang ako. Lampas sa mga pader ay bawal na.
Kinakausap ko na din silang lahat, sila manang, si Deigo at Rod. Parang wala lang silang ginawa sakin at naging okay agad.
But that doesn't mean that we're okay. Ginagawa ko lang to dahil sa plano kong tumakas.
"manang, tawagin nyo na po sila at luto na ang pagkain" Saad ko at pinatay na ang stove.
Nagluto ako ng pancit pang meryenda at nagpatimpla din ako ng juice para sa aming lahat. Wala naman sila Rod kasi may lakad kasama si Deigo, so makakakain sila.
"salamat ulit ma'am, ang sarap po talaga ng luto nyo" Saad ng isang tauhan. Sinaway naman sya ni manang dahil sa narinig.
"ayos lang manang" Saad ko. Hindi kasi sila pwedeng makipag usap sakin, bilin yun ni Rod. Pero hayaan nyo na, wala naman dito yung unggok na yun.
"magpakabusog lang kayo, madami pa dun sa kawale" Saad ko at nagpatuloy sa pagkain.
Pagkatapos ko, ay nagpaalam na akong umakyat sa kwarto. Pero hindi ako pumasok sa kwarto ko, kundi sa kwarto ni Rod. Lumingon muna ako sa paligid at siniguradong walang makakakita kaya agad akong pumasok sabay lock ng pinto.
Nang masarado ko na, ay agad akong nagtungo sa mga drawer na nandito. Hinahanap ko yung phone ko. Lahat kasi ng gamit ko kinuha nya. Wala akong kahit anong contact maski sa mga kaibigan ko. Gusto kong humingi ng tulong sa kanila.
Kinalkal ko lahat ng mga box, drawer at maski yung closet at mini table nya. Pero hindi ko nakita yung phone ko.
Hanggang sa may nakita akong papel sa mini table nya at medyo makapal iyon.Unang salita na nabasa ko ay, Marriage Contract. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Deigo nung nakaraang gabi. Peke lang daw yung kasal namin.
Kinuha ko yung papel at maingat na binasa. Naka pirma pa ako dito, pero si Rod at yung lawyer ay blanko. Totoo nga talaga. Pineke nya yung kasal. Niloko nya ako.
Napaupo na lamang ako sa kama nya at tahimik na umiyak. Pagbabayaran nya lahat ng ginawa nya sakin. Sisiguradohin kong lahat ng ginawa nya, ay babalik sa kanya.
Napatingin naman ako sa pinto nang bigla akong nakarinig ng ingay ng susi at di kalaunan ay bumukas ito. Tumambad sa akin si Rod na tila nagulat nang makita ako.
"what are you doing here?!" Galit na tanong nya at agad na lumapit sakin.
Napa atras naman ako ng isang hakbang nang bigla nyang hilain ang braso ko at kinuha yung papel na hawak ko."at sinong nagsabi na pakialaman mo ang gamit ko?!" Bulyaw nya at mahigpit na humawak sakin. Napangiwi ako dahil pinipiga nya ang braso ko at sadyang napakasakit.
"Bitawan mo'ko!" Sigaw ko pabalik at sinampal sya sa mukha ng napakalakas.
"hindi mo'ko asawa para saktan ng ganito!" Dagdag ko.Naging matalim naman ang tingin nya sakin at marahas na hinawakan ang baba ko.
"Asawa man kita o hindi, wala kang karapatan para lumaban sakin dahil nasa poder kita! pasalamat ka at binuhay pa kita!" Sigaw nya.
"hayop ka! manloloko! isa kang gago!" Sigaw ko ulit at pinaghahampas sya sa mukha at dibdib.
"ang tigas talaga ng ulo mo! kung hindi mo lang pinagbubuntis ang anak ko, baka nung una palang pinatay na kita!" Sigaw nya.
Nakaramdam ako ng takot, pero hindi ko pinahalata sa kanya. Lalaban ako.
"edi patayin mo na ako, wag ka nang magsayang ng oras, ngayon palang saktan mo na ako! patayin mo na ako!" Sigaw ko. Napahiga naman ako sa kama nang bigla nya akong sampalin.
YOU ARE READING
Your Deadly Kiss
RomancePaalala: Magulo ang kada chaps at hindi naaayos, kaya kung tinatamad kayong mag adjust, wag nyo nalang basahin. Imee, a young lady who was forced to marry a heartless man just for the sake of her family, little did she know that it will change her...