CHAPTER 44

356 22 9
                                    


"hija kain na" Rinig kong sabi ni manang at nakita kong may bitbit syang isang tray ng pagkain at nilapag nya iyun sa mini table malapit sakin.

"ayokong kumain manang, wala po akong gana" Sagot ko at tumalikod ng higa. Narinig ko ang pagbuntong hininga nya at ang pagbaba ng kama at umupo sya sa tabi ko.

"hija, kailangan mong magpalakas, kaninang umaga hindi ka rin kumain,  nagdala rin ako ng meryenda pero hindi mo man lang ginalaw" Mahinahon nyang sabi. Tumahimik lang ako.

Sino ba naman ang hindi gaganahan? Kagabi pa nila ako kinulong dito sa kwarto ko. Ayaw akong palabasin ni Rod kaya hinahatiran lang ako ni manang ng pagkain. Parang bumalik lang sa dati kong sitwasyon nung bago palang ako dito.

"oh siya, iiwan ko nalang to, baka mamaya ay ganahan ka na, tawagin mo lang ako pag may kailangan ka" Paalam nya bago dahan-dahang lumabas ng kwarto at ni lock ulit ang pinto.

Napabuntong hininga ako ng malakas. Ayoko silang makausap. Gusto kong umalis dito, gusto kong puntahan sila mama. Pero hindi naman nila ako papayagan.

Nanatili akong nakahiga at tahimik na umiyak. Hanggang sa narinig ko ulit ang pagbukas ng pinto at ang yapak papalit sa akin.

"Imee" Mahinang pagtawag ni Deigo. Pero hindi ko sya nilingon at nakatalikod parin ako sa kanya. Di kalaunan ay naramdaman ko ang pag-upo nya sa kama ko.

"ngayon na dadalhin sa presinto ang mga magulang mo" Simula nya. Mas lalong tumulo ang luha ko at napatakip na lamang ako sa bibig ko para hindi makagawa ng kahit na anong ingay o hagulgul.
"I'm really sorry" Dagdag nya.

Hindi na sya nagsalita pa at nanatili lang sa tabi ko ng limang minuto bago sya dahan-dahan tumayo at tahimik na umalis.

Dun na ako humagulgul ng napakalakas. Gusto kong puntahan sila papa. Ayokong makulong sila. Hindi sila mga kriminal!

Agad akong bumangon at hinabol si Deigo. Sinundan ko sya patungong sala at agad na nakiusap na sumama.

"Deigo!" Tawag ko habang patuloy parin akong umiiyak at tumakbo papalapit sa kanya.
"please gusto ko silang makita, isama mo'ko please, gusto ko silang puntahan Deigo" Pakiusap ko at humawak pa sa braso nya.

"Imee, hindi pwede" Mahinahon nyang sagot.

"please Deigo, gusto ko lang silang makita, ikukulong nyo ang mga magulang ko, gusto ko silang makausap" Pilit ko.

"pero Imee, gustohin ko man, hindi talaga pwede, ayaw ni Rod.."

"sige na please" Humagulgul kong sabi, pero hindi ko parin sya napilit.

"pasensya na Imee" Malungkot nyang sabi. Agad naman akong nakaramdam ng kamay sa braso ko at hinihila ako ni manang palayo kay Deigo.

"Deigo please!" Sigaw ko.

"Imee" Bulong ni manang at niyakap ako. Tuloyan nang nakaalis si Deigo at napahandusay na lamang ako sa sahig dahil sa kakaiyak.

Gusto ko lang naman silang makita, lalo nat makukulong na sila, di ko na sila makakasama.

Pinilit ako ni manang na tumayo at hinatid sa kwarto ko. Wala rin naman akong magagawa. Kahit umiyak pa ako ng dugo, ipakukulong parin nila ang mga magulang ko. Pero baka may gawing masama si Rod, lalo nat narinig kong may balak syang masama sa kanila. Hindi ako papayag.

Mas pipiliin ko pang ako ang mawala, wag lang ang pamilya ko.

***

ROD'S POV

Papunta na kami ngayon ni Deigo sa bahay ng mga kriminal. Ngayon na sila dadalhin sa presinto, at sa wakas, nagbigyan na ng hustisya ang papá ko.

"Rod, Imee wants to see her parents" Bulong ni Deigo.

Your Deadly Kiss Where stories live. Discover now