IMEE'S POV
Pauwi na ako ngayon galing sa boarding house ko, mahirap kasi kung araw-araw akong uuwi sa amin kaya nangupahan ako malapit sa school ko.
Mahigit dalawang linggo na akong hindi nakaka uwi samin kaya ngayon su-surpresahin ko sila mama at papa.
Pero ako ang na surpresa."Ma? Pa andito na po--"
"anong nangyari?!" gulat na tanong koNakita ko si mama na umiiyak habang si papa naman ay hindi maipinta ang mukha.
"Nathan anong nangyari?!" tanong ko sa aking kapatid na tulala lang sa gilid
"ma?! pa?!"
Lumapit ako sa kanila at ngayon lang nila ako napansin. Ano ba ang nangyayari?"anak! nandito kana" niyakap ako ni mama habang umiiyak
"ano po bang nangyayari at ganyan kayong lahat?!" kunot noong tanong ko at umupo sa harap nila
"anak, alam naming nag-aaral kapa lang pero kaya mo namang alagaan ang kapatid mo diba?" umiiyak nyang sabi, nagtaka ako
"bakit ba ma?"
"aalis kami ng papa mo, maiiwan si Nathan, hindi mo naman sya papabayaan diba?" patuloy parin sya sa pag iyak kaya mas lalo akong nagtaka kung ano ba ang nangyayari at nagkakaganito sila.
"oo naman ma, ano ba talaga ang nangyari?"
Hindi pa man nasasagot ni mama ang tanong ko nang may biglang pumasok na mga lalaking nagpaka itim at kinuha sila mama at papa ng sapilitan.
"sino kayo?!" sigaw ko at hinarang ang mga lalaki
"ma! pa!" sigaw ni Nathan
"anak mag iingat kayo" saad ni papa
"bitawan nyo ang magulang ko!" pinag hahampas ko ang mga lalaki pero hindi sila natinag
"ate!" pagpigil ng kapatid ko
Hinabol ko sila palabas at pagkadating namin malapit sa sasakyan ay pinigilan naman ako ng isa sa mga tauhan at tinutukan ako ng baril. Napako ako sa aking kinatatayuan at nanginginig habang tinataas ang aking mga kamay.
"subukan mong sumunod, mawawala ang magulang mo dito sa mundo" saad nya at nakatutok parin sakin ang hawak na baril
"wag nyong sasaktan ang magulang ko" tanging sabi ko at nanginginig sa takot
Agad silang sumakay sa itim na van at umalis na. Napaupo nalamang ako sa lupa at hindi maintindihan kung ano ang nangyari.
"ate!" niyakap ako ng kapatid ko habang naka lumpasay parin ako sa lupa
"sinong mga yun?!" pinipigilan kong hindi umiyak
"mga tauhan ni sir Deigo"
"anong nangyari?" tanong ko
Pinapasok muna nya ako sa bahay at pinakalma bago sagutin ang mga tanong ko."sabihin mo sakin kung anong nangyari"
"ate, wag kang mabibigla... makukulong sila mama at papa" sagot nya dahilan para manalaki ang mata ko. Makukulong? Bakit?!
"ano?! bakit?" galit na tanong ko at napatayo dahil sa sinabi nya
"ate makinig ka, kahapon lang pina alis na sila sa trabaho, at kanina may natanggap silang sulat na makukulong sila mama at papa sa salang pagpatay"
"ano?! hindi nila yun magagawa!" sigaw ko nanaman
"yun na nga ate eh pinagbibintangan sila kahit wala naman silang kasalanan"
"bakit hindi nila sabihin ang totoo?!"
"sinabi na nila pero walang may naniniwala"
"s-sino yung pinatay?" utal na tanong ko
YOU ARE READING
Your Deadly Kiss
RomancePaalala: Magulo ang kada chaps at hindi naaayos, kaya kung tinatamad kayong mag adjust, wag nyo nalang basahin. Imee, a young lady who was forced to marry a heartless man just for the sake of her family, little did she know that it will change her...