DEIGO'S POV
Kasalukuyan akong nandito sa kompanya at tinatrabaho ang trabaho ni Rod. Ewan ko kung saan nagpunta yun pero iniwan lang sa akin ang tambak nyang trabaho.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan sya. Kailangan na nyang bumalik at tulongan ako dito. Sya ang CEO pero sa akin pinatrabaho.
"Rod?"
"oh Deigo, what do you want?"
"asan ka?" tanong ko
"I'm at the mall"
"mall? what the hell are you doing there? tambak trabaho mo tapos nandyan ka?"
"I'm with Melanie, pwede ba wag kang mang-istorbo" inis na sabi nya
"ah, nag d-date kayo? parang kahapon mo pa sya kasama ah? araw-araw date? ganun?" malamig kong sabi
"mind your own business bro" saad nya at binaba na ang tawag
Inulit-ulit ko pa ang pagtawag sa kanya pero hindi na nya ito sinasagot kaya nag message nalang ako."lalabas kami ni Imee, mag enjoy ka nalang dyan sa kasama mo!"
message ko at niligpit na ang gamit at lumabas.Di kalaunan ay tumawag din sya sakin. Napatawa ako bago sagutin iyon.
"anong kailangan mo?" tanong ko sa kabilang linya
"san kayo pupunta? asan sya? kausapin ko!" sunod-sunod nyang sabi at sinigawan ako
"mind your own business bro" paggaya ko sa sinabi nya at tumawa dahilan upang sumigaw sya ulit pero pinatay ko na ang tawag.
Umalis na ako at pinuntahan si Imee. Sakto naman at maagang natapos ang klase nila. Alas tres palang pero nagsiuwian na ang iba kaya sinundo ko na sya.
"buti nalang at napa aga ka, saktong-sakto pagdating mo tapos na kami" saad nya at sumakay na sa kotse.
"maaga pa, may oras pa tayo, gusto mong mamasyal?" aya ko sa kanya at nagmaneho na
"baka magalit si Rod" nag-aalalang sabi nya
"hindi yun, nagpaalam naman ako eh, ano? san mo gustong pumunta?" tanong ko at binaling ang tingin sa daan
"kina mama" tanging sabi nya na nagpangiti sa akin. Hindi na ako nagalangan pa at dumeretso na kami sa bahay ng magulang nya. Pagkarating namin ay agad kaming pumasok at sinalobong naman kami.
"Imee!" masayang sabi ng kaniyang magulang
"ma! pa!" bati nya at niyakap sila
"ate?!" sabay kaming napatingin sa kapatid nya na kadarating lang din
"Nathan!" saad ni Imee at mahigpit na yumakap sa kapatid.
"kamusta kayo? pasensya na po ah ngayon lang ulit ako nakadalaw dito" simula nya at umupo na sila. Nanatili ako sa may pinto at nakasandal lang habang nakatitig sa kanila.
"ayos lang anak, alam naman namin na nag-aaral ka at medyo malayo ka dito sa amin" ani ng kaniyang mama
"sus sayang, galing kasi ako sa University eh, hindi ako nakadala ng pasalobong"
"wag mo nang intindihin yun anak, sakto nga eh at may niluto ang mama mo" saad naman ng papa nya
"talaga?! ano po yun?" saad nya at nagtungo sa kusina
"ang paborito mong pinakbetpizza!"
Agad silang nagsiupo at naghanda na sa pagkain. Akmang lalabas na sana ako ng bigla akong tawagin ni Imee.
Hinila nya ako papasok sa kusina at napatingin naman sa akin ang mga magulang nya.
YOU ARE READING
Your Deadly Kiss
RomancePaalala: Magulo ang kada chaps at hindi naaayos, kaya kung tinatamad kayong mag adjust, wag nyo nalang basahin. Imee, a young lady who was forced to marry a heartless man just for the sake of her family, little did she know that it will change her...