CHAPTER 3

297 6 0
                                    

Nandito lang ako sa may bintana naka upo habang nagbabasa bilang aking libangan. Ito lang ang palagi kong ginagawa sa araw-araw dahil hindi naman ako makalabas.

Binuksan ko rin ang bintana para makapasok ang sariwang hangin at nung nagsawa na ako sa pagbabasa ay tumambay lang muna ako habang naka dungaw sa labas.

Kitang kita ko ang buong lugar, ganun din ang mga tauhan na nagbabantay sa labas ng bahay. Marami sila at mga armado, at pinapalibotan ang buong pasilyo pero mga bobo dahil hindi nila namamalayang may makakapasok na sa bahay na ito at ako na yun.

Napa isip naman ako.

"Nung pumasok ako dito medyo madali lang kasi hindi naman ako napansin ng mga bobo nilang tauhan.
So kung tumakas kaya ako. Hindi naman masyadong marami ang naka bantay sa likod kaya naka pasok ako. Kung doon kaya ako dumaan para makatakas?" takbo sa aking isip at naguguluhan kung tatakas pa ba ako o hindi

Gusto ko talagang tumakas.
Gusto ko ng makawala.
Gusto kong makasama ang pamilya ko
At gusto ko ng iwan ang manyak na lalaking yun.
Nawala naman ako sa aking wisyo ng biglang bumukas ang pinto

"hi Imee" bati sakin ni Deigo at

"hi" nakangiting sabi ko
umupo naman sya sa kama ko habang ako ay nanatiling naka upo sa may bintana

"how are you? pasensya na ha, hindi na ako nakakabisita sayo kasi marami ang ginagawa ko" pagpapaliwanag nya

"naku ayos lang, alam ko namang busy ka palagi at marami ang pinapagawa sayo ng lalaking yun"
bahagyang napatawa sya
"asan pala si Ian? palagi syang wala dito ah" tanong ko

"sus, busy talaga yun, hindi naman sya dito umuuwi at tsaka kasama nya girlfriend nya kaya wala sya dito" sagot nya, tumango lang ako

Sa kanilang magkapatid si Deigo lang ang malapit sa akin. Si Ian kasi para syang rebellious at iba sya kesa kay Deigo. Pero mabait naman sya minsan sa akin.

"btw aalis pala ako kaya ako nagpunta dito, may ipapabili kaba o ano? gusto ko lang bumawi sayo kasi hindi na kita nadadalaw" saad nya

"wala naman akong gustong bilhin eh" naka pout kong sabi

Napa isip naman ako.

"umm wala kang gustong bilhin?"
umiling lang ako
lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nya

"pwede ba akong sumama?" hinawakan ko ang braso nya habang nakatitig parin ako sa kanya

"hindi pwede eh, magagalit si Rod"
"kung magsumbong ka" pagdugtong ko sa sinabi nya
napabuntong hininga na lamang sya

"sige na...gusto kong makalabas dito, gusto ko nang makasama ang pamilya ko"

"pero--"

"diba gusto mong makabawi? wala naman akong bibilhin eh, gusto ko lang sumama" saad ko
Para akong bata na nagmamakaawa na isama at hindi ako pinapayagan

"Imee, gustohin ko man pero hindi talaga pwede" saad nya
napayuko nalamang ako at bumitaw sa kanya

"i understand" mahinang sabi ko habang naka yuko
Hinawakan naman nya ang kamay ko kaya napa tingala ako sa kanya

"sumulat ka nalang, ibibigay ko sa pamilya mo"
nabuhayan naman ako sa sinabi nya
"dadaan nalang ako sa kanila at ibibigay ang sulat mo" nakangiting sabi nya
napangiti din ako sa kanya

"talaga?!"
"oo, babawi ako sa iyo diba? kaya sige na sumulat kana"
dali dali akong kumuha ng papel at ballpen at sumulat para kina mama at papa.

Kahit sa ganitong paraan man lang ay magparamdam ako sa kanila.
Sobrang miss ko na sila pero hindi ko naman sila makikita at least may sulat ako sa kanila at ipaalam na maayos lang ako at wala silang dapat ipag alala.

Your Deadly Kiss Where stories live. Discover now