Pagkabalik namin sa room para sa another subject ay nakita namin si Philip na tahimik na nakaupo at tutok sa libro. Nagkatinginan kaming lahat bago lumapit sa kanya at umupo na.Halos walang may magsalita samin dahil sa nangyari kanina at hinihintay lang namin kung sino ang unang magsasalita at kakausapin si Philip.
"don't worry guys, I'm not mad" biglang sabi ni Philip pero hindi tumingin samin. Nakahinga kami ng maluwag. First time kasi syang ganito, nag walk out tapos malamig samin. Pero buti nalang hindi sya nagalit.
"pasensya na Philip" bulong ko na ikinalingon nya sakin. Ngumiti lang sya sakin bago magsalita.
"you don't need to apologize" tugon nya
"pag si Imee, 'you don't need to apologize', pero pag sa amin madaling magtampo" sarcastic na sambit ni Kyle at ngumuso na ikinataas ng kilay ko. Baklang to.
"yan ka nanaman" sabay na saway nina Jane at Olivia. Napatawa ng bahagya si Philip.
"it's okay guys, and don't worry, I'm not mad at you, i understand your jokes and you're just trying to be funny sometimes" tugon ni Philip kay Kyle at ngumiti. Nagngitian kaming lahat. Parang ngiting tagumpay. Buti nalang talaga at hindi madaling mawala ang mood ni Philip at napaka pasensyoso. Di tulad ng kilala kong nag ngangalang Rod. tsk
Natapos ang klase namin pagsapit ng alas tres. Maaga kaming nagsiuwian at mag rereview pa kami kasi sa mga susunod na araw ay finals na namin kaya paniguradong mabubusy kaming lahat.
Pagdating namin ni Deigo sa bahay ay pareho kaming nagtungo sa kusina at nag meryenda. Wala pa yung unggok at alam ko naman na wala nang trabaho yun kasi nandito naman na si Deigo. Siguro kasama nanaman nya si Melanie.
"Imee, bukas hanggang three parin kayo?" tanong nya
"oo bakit?" tanong ko pabalik at uminom ng juice. Hinawakan naman nya ang kamay ko sabay ngiti na ikinakunot noo ko.
"ay alam ko na yang mga ngiting yan" saad ko at bahagyang tumawa
"may request ka? o hihilinging favor?" tanong ko at sumandal. Napabuntong hininga sya."yeah, kung okay lang sana" tugon nya at nakahawak parin sakin
"oo naman, ikaw nga marami nang favor ang hiningi ko sa'yo, baka nga kulang pa kung bayaran ko" biro ko na ikinatawa nya.
"samahan mo lang ako bukas" sambit nya na ikinataas ng dalawang kilay ko
"saan? anong gagawin natin?" tanong ko
"birthday ko kasi--"
"as in?! happy birthday!" gulat na sigaw ko at pinutol ang sasabihin nya. Omg bat hindi ko alam yun? Birthday pala nya dapat nagsabi sya noon pa.
"excited? bukas pa naman eh" nakangiti nyang sabi at parang nahihiya
"bat ngayon mo lang sinabi? di tuloy ako makakabili ng gift ko tapos wala nang oras para sa decorations natin" nakanguso kong sabi
"actually, i don't like to celebrate that much, parang casual lang yan sakin so i don't mind, okay lang din kahit wala ng gifts" sagot nya
"kahit na" tugon ko at ngumuso. Di man lang ako makakabigay ng gift sa kanya. Unfair, sya palagi nya akong binibigyan ng kung ano-ano pero wala man lang akong maibigay sa birthday nya.
"so ano pwede ka ba bukas?" tanong ulit nya at parang nahihiya na kinakabahan. Napangiti ako.
"hindi eh, marami kasi akong gagawin" sagot ko at pinipigilang hindi tumawa. Nagiwas sya ng tingin at mapait na ngumiti. May plano ako.
"I'm sorry" dagdag ko at palihim na ngumiti. Ang gwapo nya kahit parang na disappoint.
"i-it's okay..uhm sige, mauna na ako sa taas" mahinang sabi nya at umalis habang nakayuko. Pagkaalis nya ay hindi ko na napigilang tumawa. Masaya tong plano ko. Dahil birthday nya bukas, aasarin ko muna.
YOU ARE READING
Your Deadly Kiss
RomancePaalala: Magulo ang kada chaps at hindi naaayos, kaya kung tinatamad kayong mag adjust, wag nyo nalang basahin. Imee, a young lady who was forced to marry a heartless man just for the sake of her family, little did she know that it will change her...