DEIGO'S POV
Tapos ko nang gamutin si Imee, nakatulog na din sya kakaiyak...
Pagkalabas ko ay agad akong nagtungo sa lalaking may gawa nito sa kanya."Rod hindi kaba nagiisip?!" galit na sigaw ko at kuyom ang mga palad
"pati ba naman ang babae sasaktan mo!""pano kung natakasan tayo?! edi tayo pa ang mapapahamak" saad nya
"pero hindi mo dapat sya sinasaktan ng ganun!"
"tinuturuan ko lang sya ng leksyon para hindi na makatakas ulit"
"grabe ka Rod! hindi ka naman ganyan ah..." mahinang sigaw ko
"kilala mo na ako Deigo, ibang iba na ako..." sagot nya
"wag mo nang uulitin ang ginawa mo Rod, sinasabi ko sa'yo"
"tinatakot mo ba ako?" matalim ang tingin nya sakin at ganun na din ako
"pinagsasabihan lang kita na mali ang pagtrato mo sa kanya""pabayaan mo'ko dahil asawa ko sya"
"asawa na walang pakialam sa kanya" pagdugtong ko
umiling muna ako bago tuluyan nang umalis sa harap nya..."walang puso" saad ko sa aking sarili
Pagkababa ko ay nakasalubong ko naman si Ian na kadarating palang."anong nangyari sa'yo? bat ganyan itsura mo?" natatawa nyang sabi at umupo sa couch kaya umupo narin ako
"si Rod kasi, sinaktan nanaman si Imee" sagot ko at huminga ng malalim
"ganyan naman talaga ang taong yun, dapat talaga pinapatulan ang mga taong ganyan" saad nya, umiling lang ako
"bakit sinaktan nya si Imee?"
"nagtangka kasing tumakas si Imee, kaya sinaktan ni Rod...nakatamo ng pasa at dugo" sagot ko
"well it's her fault naman, kung hindi sya tumakas hindi sya magkakaganyan" sambit nya na nagpakunot noo sa akin
"it's not her fault in the first place, inosente lang sya Ian, wala syang alam" depensa ko pero umirap lang sya sa akin
"bahala ka" saad nya at umalis na
Naiwan naman ako dito sa sala at hindi kalaunan ay dumating naman si yaya Cecelia."sir Deigo, may tao po sa labas hinahanap si sir Rod"
"sino daw?"
"sir Albert po"
"ano nanaman ginagawa ng matandang yun?!"
"ewan ko po sir eh... hinahanap kayo ni sir Rod" saad nya
agad akong nagtungo sa labas at pinuntahan ang matandang yun"Deigo" nakangisi nyang sabi
nanatili lang ako sa may gate at hindi sya pinapasok"anong kailangan mo?" malamig na tanong ko
"where's Rod?"
"nasa loob"
"tawagin mo" utos nya
"may ginagawa sya kaya umalis kana kung ang pakay mo lang naman ay agawin ang kompanya" deritsahang sabi ko"Deigo naman, kaibigan nyo'ko... bat ko naman aagawin ang kompanya?"
plastic nyang sabi"oo nga bat mo aagawin? siguro dahil sa kasakiman mo at gusto mong pagharian ang kayaman ng mga Duterte" seryoso kong sabi na ikinatahimik nya
"pasensya na tanda pero may gagawin din ako" Hindi ko na sya pinansin at bumalik na ako sa loob, narinig ko pa syang sumigaw pero pinasara ko na kay yaya ang pinto.
"kamusta si Imee?"
tanong ko kay manang na kabababa palang galing sa kwarto"ayun nakatulog na...ano ba naman kasi si sir Rod, grabe ang ginawa nya sa asawa nya" saad nya at nilapag ang basket sa lamesa
YOU ARE READING
Your Deadly Kiss
RomancePaalala: Magulo ang kada chaps at hindi naaayos, kaya kung tinatamad kayong mag adjust, wag nyo nalang basahin. Imee, a young lady who was forced to marry a heartless man just for the sake of her family, little did she know that it will change her...