Nagising ako na may mga ilaw na bumungad sa akin. Hindi ko maramdaman ang buong katawan ko. Dahan-dahan kong nilibot ang paningin ko at napansing, nasa hospital pala ako.Nakita ko rin si Deigo na nakaupo sa gilid ko at busyng nag ce-cellphone. Tahimik lang ako at hindi na sya dinistorbo. Hanggang sa maramdaman ko ang sakit ng tiyan ko. Kelan ba ako huling kumain? Mahapdi ang tiyan ko at nagugutom ako.
"Deigo" Rinig kong tawag ng taong kapapasok lang ng kwarto. Nagkatinginan kami at parehong nagulat nung magtama ang mga mata namin.
"Imee!" Agad na lumapit si Rod at hinawakan ang kamay ko. Pati si Deigo ay nagulat din at agad na lumabas para tumawag ng doktor.
"you're awake, okay ka na ba? may masakit ba? may kailangan ka?" Sunod-sunod nyang tanong at bakas sa mukha nya ang pag-aalala.
Hindi ako sumagot.
"excuse me sir" Saad ng doktor na kadarating lang at agad na pumalit sa pwesto ni Rod. Tinignan lang nya ang mata ko gamit ang flashlight at chineck din nya ang ginhawa at temperature ko.
"she's fine now, no need to worry, kailangan lang nya magpahinga para bumalik ang lakas nya, then, pwede na syang umuwi" Saad ng doktor kina Rod bago magalang na umalis.
"I'll get us food" Saad ni Deigo at lumabas na rin ng kwarto. Naiwan kami ni Rod at mula pa kanina, hindi ko sya pinansin.
"are you okay?" Tanong nya at umupo sa upuang nasa tabi ng hinihigaan ko.
For real? Tinatanong nya kung okay ako? After what they did to my family, sa tingin nya okay ako? fuck them!Hindi ko sya sinagot, ni ang tapunan ng tingin ay hindi ko ginawa. I can't stand with his presence. Masusuka lang ako.
"i know what your thinking, na kami ang pumatay sa pamilya mo" Seryoso nyang sabi. Kinagat ko ang labi ko dahil sa narinig.
Hindi ko parin matanggap. Sobrang sakit parin. Pinipigilan ko lang na hindi umiyak.
"isipin mo na ang gusto mong isipin, basta ito lang ang masasabi ko" Saad nya at hinawakan ang baba ko at pinatingin sa mata nya.
"ayokong makita pa kita, kaya pagkatapos mong manganak, kukunin ko ang bata at bahala ka na kung anong gagawin mo sa buhay mo, kung gusto mo sumunod ka sa pamilya mo, bahala ka, basta akin ang anak ko" Madiin nyang sabi. Tinanggal ko ang kamay nya sa pagkakahawak sakin sabay iwas ng tingin.
Kukunin nya ang anak ko? Hindi! anak ko to, akin lang to!
Lumabas na sya ng room sabay sarado ng pinto. Napahawak naman ako sa tiyan ko at hinimas iyon habang kinakausap ang anak ko.
"tiis lang muna tayo nak ha, promise ni mommy, ilalayo kita sa gulo, at mamumuhay tayong dalawa ng masaya at kakayanin natin kahit wala si daddy..hindi ko hahayaan na kunin ka nya" Bulong ko sabay patak ng luha ko.
Kinuha na ni Rod ang lahat sa akin. Ang pamilya ko, ang kalayaan ko, at hindi ko hahayaan na kunin pa nya ang anak ko. Magkakamatayan kami.
***
Pagkakinabukasan ay agad din akong nakalabas ng hospital. Dating gawi, nakakulong parin ako sa kwarto ko at hindi pinayagang lumabas. Maayos at malinis na rin ito, hindi tulad ng dati na nagkakalat at puro sira ang mga gamit.
I did that on purpose.
Kung nakakalabas lang ako ng kwarto, baka pati mga gamit nila sirain ko.
Pag ako talaga makatakas dito, susunugin ko ang bahay na to.
Pero in fairness, medyo lumalakas na ako. Hindi ko lang pinapakita kina Rod. Gusto kong isipin nila na mahina ako, para wala silang malay kung sakaling tumakas ako dito.
YOU ARE READING
Your Deadly Kiss
RomancePaalala: Magulo ang kada chaps at hindi naaayos, kaya kung tinatamad kayong mag adjust, wag nyo nalang basahin. Imee, a young lady who was forced to marry a heartless man just for the sake of her family, little did she know that it will change her...