It's been a month at medyo may baby bump na ako. Hindi pa naman masyadong malaki pero nagsusuot na ako ng nga dresses para hindi mahalata ang tiyan ko sa tuwing papasok ako sa University.Nilihim ko kasi sa mga kaibigan ko ang pagbubuntis ko, tanging sila Rod at sila mama pa lamang ang nakaka alam.
"Deigo, pwede mo ba akong samahan mag grocery?" Tanong ko habang nandito kami nila manang sa labas at nakatambay sa garden.
"magpaalam muna kayo hija sa asawa mo" Bilin ni manang. Tumango ako.
"Imee, kami nalang ni manang ang mamimili, dito ka nalang sa bahay" Saad naman ni Deigo na ikinanguso ko. Pano ba naman kasi, isang linggo na akong nakakulong dito sa bahay. Ni ngayon lang ako nakalabas at hanggang garden lang.
"eh bored na ako dito eh" Sambit ko at kinamot ang batok ko. Last week kasi tapos na ang klase namin. At maghihintay pa ako ng tatlong linggo para sa graduation namin. Yeah, ang bilis ng panahon at graduating na ako. Pero wala naman akong nagagawa kasi kinukulong lang ako nila dito sa bahay.
"it's for your safety" Sagot nya. Napairap ako. Nag message naman ako kay Rod at nagpaalam na lalabas kami kasi bored na talaga ako dito. Mag gogrocery lang naman kami at mamimili ng mga libro kasi naubusan na ako.
Ang dami pa nyang tanong sakin tas ang daming sinabi na mag ingat daw ako at wag magpagabi. So ibig sabihin, pumayag sya.
Agad kong pinakita kay Deigo yung sinabi ni Rod kaya wala syang nagawa kundi samahan ako mag grocery. Sinama din namin si manang para maka alalay din sakin at sa mga pinamili namin.
"manang, may Nutella pa po ba sa bahay?" Tanong ko habang tumitingin tingin sa mga palaman na dinadaanan namin.
"meron pa naman" Sagot nya. Kumuha ako ng tatlong garapon ng Nutella at nilagay sa cart bago kami magpatuloy sa paglilibot. Favorite ko kasi yan eh at madalas pag kalahating gabi nag ca-crave ako kaya tatlo na kinuha ko para maraming reserba.
Namili rin kami ng mga gatas at prutas bago kami pumunta sa cashier at magbayad. Pagkatapos ay nagtungo naman kami sa bookstore at bumili ako ng mga libro kasi naubos ko nang basahin yung mga libro sa bahay dahil sa kaboringan ko.
Pano ba naman, makulong ka ng isang linggo ay napaka boring talaga at ang tanging ginawa ko lang ay magbasa kaya ayun, naubos ko lahat tas yung iba binabalik-balikan ko nalang basahin kasi boring talaga sa bahay jusko.
"tapos ka na?" Tanong ni Deigo. Tumango lang ako sa kanya at binayaran ko na ang mga pinamiling libro bago kami umalis at umuwi na sa bahay.
"manang, kayo na po bahala sa ulam nating ha, basta gusto ko yung may sabaw" Bilin ko nang makarating kami sa bahay.
"sige hija, magpahinga ka na sa taas" Sagot nya. Ngumiti lang ako at nagtungo na ako sa kwarto para magpahinga. Pagpasok ko, nandito na pala si Rod at hinihintay ako. Hindi pa sya nagbihis pero nakahubad na ang blazer nya at tinatanggal palang nya ang kanyang necktie habang nakaupo sa couch at nakatitig sakin.
"kadarating nyo lang?" Tanong nya.
"yeah" Sagot ko at umupo sa kama. Tumango naman sya at nagiwas ng tingin sakin. Dahan-dahan syang tumayo at pumasok sa banyo. Akala ko lalapitan nya ako pero lumipas ang ilan pang minuto ay hindi pa sya lumabas kaya humiga nalang ako sa kama at nakatulog.
ROD'S POV
Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo. Nakita ko naman ang asawa ko na mahimbing na natutulog. Napangiti ako.
Kahit natutulog sya ang ganda nya parin. Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa tabi nya. Hinaplos ko pa ang mukha nya at sinuklay ang buhok nya gamit ang daliri ko.
YOU ARE READING
Your Deadly Kiss
RomancePaalala: Magulo ang kada chaps at hindi naaayos, kaya kung tinatamad kayong mag adjust, wag nyo nalang basahin. Imee, a young lady who was forced to marry a heartless man just for the sake of her family, little did she know that it will change her...