CHAPTER 21

194 7 0
                                    

Pagsapit ng umaga ay naghanda na ako sa pag alis. Hindi ako kumain kasi wala akong gana at matamlay akong lumakad patungo sa living room. Naabotan ko si Deigo na naghihintay sa akin kaya agad na kaming umalis.

"you okay?" tanong nya
Kanina pa kasi ako tahimik at tulala lang na nakatitig sa daan. Naaalala ko pa kasi yung sinabi ni Rod kagabi. Parang ayaw ko na syang makita pa.

"yeah" tipid na sagot ko at pekeng ngumiti sa kanya

Hindi na sya nagsalita pa at pinagpatuloy nalang ang pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa university. Nagpaalam na akong pumasok at agad akong dumeretso sa room namin at nadatnan ko nalang ang mga kaibigan ko na seryoso na sa kanilang chika.

"good morning Imee!" bati ni Philip sa akin at tinulongan akong ilagay ang nga gamit ko sa armrest ng upuan.

"morning guys" mahinang sabi ko sa kanila ang ngumiti

"Imee narinig mo na ba yung latest?" biglang tanong ni Kyle

"huh?" lutang na sagot ko

"gaga syempre hindi pa kasi wala sya dito kahapon diba?" sambit naman ni Olivia

"bakit ba?" tanong ko sa kanila

"ito kasi... si sir Batumbakal" simula ni Jane. Pagkasabi nya nun ay natigilan ako. Si sir? siguradong alam na nila ang nangyari kay sir. At baka malaman nila kung sino ang may gawa.

"oh a-ano naman si sir?" tanong ko at hindi pinahalata ang reaksyon ko.

"wala na sya" sagot ni Kyle na ikinanlaki ng mga mata ko. Wala na sya?! Pero pano nangyari yun? Sabi ni Rod hindi pa nya papatayin si--...No no no!

"what?! what do you mean?!" gulat na tanong ko

"wala na sya dito, pinatanggal na kahapon pa" sagot naman ni Jane dahilan upang huminga ako ng maluwag. Akala ko naman pinatay na sya.

"hoooh, akala ko naman kung ano na ang nangyari kay sir" saad ko at bahagyang tumawa
"bakit daw pinatanggal?"

"walang may alam" sagot nila

"eh sino daw nagpatanggal?" tanong ko nanaman

"hindi namin alam pero kahapon alam mo ba? pumunta sina Aaron at Deigo dito, si Deigo ang nakipag usap sa amin at si Aaron naman nagpunta sa head, pagkatapos nun hindi na nagpunta si sir dito, ni hindi nga sya nagklase sa amin eh" sagot ni Jane

"what if, si Aaron nagpatanggal" saad ni Kyle at tumawa, natahimik naman ako

"gaga eh bakit naman nya ipapa tanggal?" sambit naman ni Olivia

"o-oo nga naman, nagkataon lang siguro na pumunta sila dito tapos sabay nung pagpatanggal kay sir diba?" saad ko

"who's Aaron by the way?" rinig naming tanong ni Philip

"uhh pinsan ni Deigo, umm hindi pa kayo nagkakilala diba? ay sila Kyle lang pala yung nakilala nya kasi nagpunta rin sya dito nung isang gabi na gumagawa tayo ng thesis pero wala ka na dito"
Tumango lang sya ang ngumiti sa akin.

"guys itanong kaya natin kina ma'am" saad ni Kyle

"yung alin?" sabay na tanong namin

"eh ano pa ba edi yung pagpatanggal kay sir" sagot nya

"ikaw talaga bakla kahit kailan marites ka talaga! nakakahiya noh! ikaw nalang magtanong" sabi ni Olivia at pabirong umirap

"ayaw nyo? we have the right to ask questions and to know what happened to our professor" maarteng sabi ni Kyle at may accent pa.

"yeah we know that, if you want ikaw nalang magtanong" ani naman ni Jane
Nako nag eenglisan na sila. Ganito ba talaga mag argue ang mayayaman? haha

"oww easy guys" pag awat ni Philip at tumawa

Your Deadly Kiss Where stories live. Discover now