Nandito kami ngayon sa faculty at tambak ang trabaho namin dahil pabigla-bigla ang binigay sa amin na mga workshit! ng napakagaling naming prof. Pasado 5pm na pero hindi pa kami tapos dahil nga sa dami ng gagawin namin at bukas daw nya kukunin. Alam kong hinihintay na ako nila ngayon sa bahay kaya tinawagan ko muna si Deigo para ibalita na hindi pa kami tapos.
"Deigo?"
"hello Imee! hintayin mo nalang ako dyan"
"um Deigo, wag ka nang pumunta dito, hindi pa kasi kami tapos sa ginagawa namin matatagalan pa kami, wag ka nang pumunta ihahatid naman ako ng kaibigan ko"
"Imee, hindi pwede...umuwi ka na"
"eh hindi pa nga kami tapos, wag kang mag alala uuwi naman ako"
"pero Imee--"
"oh ibaba ko na, tinatawag na nila ako, basta nag paalam na ako sa'yo na hindi pa ako makaka uwi, marami kasi paperworks namin matatagalan pa kami... sige bye!"
Hindi ko na hinintay ang sagot nya at agad ko nang binaba ang tawag dahil alam ko namang mangungulit lang si Deigo na pauwiin ako eh hindi pa nga kami tapos. Bumalik nalang ako sa faculty kasama ang ibang kaklase ko at pinagpatuloy ang trabaho ko.
"oh pinapa uwi ka naba ni Mr. Pogi?" tanong ni Jane na ikinakunot ng noo ko
"ahh oo eh"
"Imee umuwi kana kaya" saad naman ni Olivia
"eh pano 'to? ang dami kaya ng trabaho natin tapos bukas agad ipapasa" sagot ko
"oo nga naman, eh pano ba naman yang panot nating prof kung magpatrabho akala satin machine na madali lang gawin" sambit ni Kyle na ikinatawa naming lahat
"tumigil ka nga baka marinig tayo ng iba nating kaklase" saway ni Jane pero inirapan lang sya ni Kyle
"eh ano ngayon? totoo naman eh, panot si Prof. Batumbakal!" saad nya na ikinatawa naming lahat pati narin ang iba naming kaklase
"tama na nga, magtrabaho nalang tayo" saad ko
Pinagpatuloy nalang namin ang ginagawa naming trabaho hanggang hindi na namin namalayan na pasado alas nwebe na pala nang gabi, kanina pa kami dito pero ewan ko kung nangalahati na ba kami dahil sa sobrang dami.
"aaaahhh ang dami naman pota" saad ni Kyle na parang pagod na
"bibig mo" saway ni Jane
"ayoko na, suko na ako! ang dami-dami hindi pa nga tayo nangalahati tapos tignan nyo ang oras" saad nya at kinusot ang mga mata nya
"konting tiis lang, matatapos natin to" saad ni Philip sa gilid na ikinangiti namin pareho
"oo matatapos natin to mamayang madaling araw, oras ng paggising ko!" sabi nanaman ni Kyle
"kung gusto mong matapos to agad, magtrabaho ka ngayon" saad ni Olivia pero hindi maipinta ang mukha ni Kyle habang naka nguso
"pag to binigyan tayo ng tres ewan ko nalang kung ano mangyayari sa panot nayon" inis na sambit ni Kyle
"aba, hindi ako papayag dun, pag gawin talaga nya yan maghaharap talaga sila ni Dad" saad ni Jane
Nakikinig lang ako sa mga usapan nila nang biglang mag vibrate ang phone ko at pagkatingin ko ay tumatawag pala si Deigo kaya agad ko iyong sinagot.
"guys teka lang ha" saad ko at lumabas ng faculty
"oh Deigo"
"Imee, hintayin mo'ko sa labas, papunta na ako dyan"
"Deigo, hindi pa nga kami tapos, marami pa ginagawa namin"
"Imee marunong kaba tumingin ng oras? hindi na ito ang oras ng uwian, dapat nga kanina kapa naka uwi"
YOU ARE READING
Your Deadly Kiss
RomancePaalala: Magulo ang kada chaps at hindi naaayos, kaya kung tinatamad kayong mag adjust, wag nyo nalang basahin. Imee, a young lady who was forced to marry a heartless man just for the sake of her family, little did she know that it will change her...